21

29 5 0
                                    

"Beaaaar!! Oh my gosh!!"

Nagulat ako sa malakas na pagsigaw na narinig ko.

"T-trix?"

"Omg! Kalurkey!"

"Trix! Kalma. Ang aga aga eh. Ano bang problema?"

I slowly get up from bed. Medyo disoriented pa ako since nabigla yung pagkagising ko.

"Bakit may nakapasok na pangit dito sa bahay?"

"Sinong pangit?"

"Anong kalokahan pinagagagawa mo kagabi?"

"Wala naman ah."

"Sinungaling! Bakit andito si Cyan?"

"Hinatid niya ako kagabi."

"Gaga! May sasakyan ka diba?"

"Naflatan yung gulong so isinabay ako pabalik dito kaso sobrang lakas nung ulan kaya inalok ko na magpatila muna sila dito."

"Ohh! Kaya pala si sisterette ay nasa kwarto mo at andito ka sa kwarto ni Meggy."

"Ang inggay inggay mo bear! Baka magising mo sila."

"Donut worry! Deins sila nagising. Pagbaba ko kasi kanina nagulat ako, nakakita ako ng pangit so I silently went to your room para mambulabog but I saw his sisterette kaya dumiretso ako dito."

Naghilamos ako ng mukha sa cr at dumiretso na ako sa kusina. Cyan was still sleeping dun sa sofa at tahimik naman na nakasunod si Trix sa akin.

"I thought Cyan was having a hard time sleeping. Pero ang himbing ng tulog niya oh kahit nasa sofa lang siya."

"Baka naman pagod. Ang layo kaya nung Hope dito."

"Nagkaayos na siguro kayo."

Hindi na ako umimik at nagsimula na lang akong gumawa ng pancake while Trix was slicing some fruits.

We were busy sa kitchen ng bumaba na si Amber.

"Good Morning po Ate Sky and Ate--"

"Trix."

Amber smiled and Trix motioned her to seat on the dining table.

"Asan po si Kuya Cyan?"

"He's still sleeping."

"Talaga po?"

"Why?"

I asked.

"Maaga po kasi siya lagi nagigising kahit na sobrang late po siya natutulog."

"I told you!"

"Hayaan na lang siguro natin muna siyang matulog."

Trix ate her fruits kasi pupunta pa raw siya sa gym to work out and nauna na siyang umalis.

Amber patiently waited for her brother na magising. She told me that she wanted to eat breakfast with him because he never did.

Nung nagising si Cyan ay agad naman siyang tinawag ni Amber na pumunta sa kitchen kung asan kami.

"Amber, we need to go home na."

"But Ate Sky prepared breakfast for us. Let's eat first Kuya."

"Tama si Amber, magbreakfast muna kayo. Do you want some coffee?"

"Ate gusto niya po."

I smiled at Amber and I stood up para magtimpla ng kape. Cyan sat beside Amber naman who was now busy drinking her chocolate drink.

Painted SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon