Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte

° 4 °

90.6K 1.6K 132
                                    

Fucked up

"Al!" 

Napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita si Agatha na kumakaway. Matamis akong ngumiti sa gawi niya at patakbong lumapit.

Umupo ako sa bakanteng upuan sa kanyang tabi.

"Here.." Aniya sabay bigay ng juice sa akin.

"Thanks." I sweetly said.

Inabot ko 'yon at maingat na uminom doon. Nailibot ko ang mga mata ko habang umiinom at wala sa sariling nanlambot ang puso ko habang nakikita ang mga pinsan kong nakapalibot sa malaking lamesa na pinalabas ni daddy kanina para ma-enjoy daw namin ang malawak na lupa sa likod ng mansyon.

Today is the perfect definition of adjustment for me. I didn't even touch my phone the whole day because I want to get use to the environment. I want to see what are the good things I could experience in this place. It's really funny how I ended up behaving like this after lola's birthday party.

I don't even know, it's just that.. naisip ko na kung nagawa nilang mahalin ang lugar na 'to then maybe I'm just too blind to see it.

After last night's party, I slept so good and I woke up smiling. I get to bake with mom and Agatha while my cousins are doing their commitments that I don't even want to elaborate.

"Are you being sentimental?" Puna ni Agatha sa gilid ko.

"No, I'm not!" Depensa ko sabay tingin sakanya.

Ngumisi siya at pinanliitan ako ng mata. 

"I know you! I know that face! I'm really sure that you're being sentimental right now." Siguradong-sigurado na wika niya.

"I'm not. I'm just reflecting after a great day." Saad ko.

Tinaas niya ang kanyang kilay at mas lalo siyang napangisi.

"Great? That's really sort of unusual to hear from someone who badmouths everything." Sarkastiko niyang wika.

I rolled my eyes and flipped my hair. 

"Agatha, be thankful that I love you and I don't have the means to scratch you right now." I said while glaring at her.

If I hear these words from someone else, siguradong wala ng mukhang maihaharap sa akin ang taong 'yon pero dahil si Agatha ang taong nagsabi ay irap lang ang magagawa ko.  

Pinasadahan niya ang kanyang maliit na buhok gamit ang kanyang kamay at bahagyang natawa. Linapit niya ang kanyang upuan sa akin at inabot ako. Natatawang iniwasan ko ang pag-aabot niya pero sa huli ay nahuli niya ako at yinakap ng mahigpit.

"I was just joking!" Aniya sabay halakhak.

"'Wag patawarin 'yan!" Rinig kong singit ni Dos sa kabilang gilid ko.

It's my turn to laugh.

Umayos ng upo si Agatha at sinamaan ng tingin si Dos. I know that look, tinatakot niya na si Dos sa mga oras na 'to gamit ang mga mata niya.

"Whoa! Chill, Gath! I love you!" 

Itinaas ni Dos ang dalawang kamay niya bilang pagsuko at inabot si Agatha. I was in the middle so I was sandwiched by the two of them. Yinakap niya si Agatha at nasa gitna ako, normally I will really scold Dos but because it's a great night, I just laughed my heart out with them.

"Dos, let go. I'll really kill--"

Hindi na natapos ni Agatha ang sasabihin niya dahil kusa ng bumitaw si Dos sa amin.

MONTGOMERY 4 : A Sky Full Of StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon