"20 mins to go... Nasaan na ba ang mga Tricy? Kung kailan naman talaga kailangan saka wala"
Humahaba na ang leeg ko kakasilip kung may parating na bang tricy. Malelate na ako papuntang school.
Medyo malayo pa man ay hindi ko na tinigilan na kawayan iyong paparating na tricy. Mabuti nalang at huminto ito.
"Saan po kayo?" Tanong ni Manong driver.
"St. Luke's po!" sagot ko. Akala ko alam na agad niya kasi obvious naman sa uniform ko.
"Hospital?" Tumingin ako at nagtama ang mga mata namin ni Manong. Ayieee spark ba? Kasi makukuryente ko na ata siya ng wala sa oras.
"University po." sagot ko nalang.
Habang binibilang ko kung ilang minuto nalang bago mag 7:30 am, napatingin ako sa katabi ko. Schoolmate ko siya ayon na rin sa uniform niya. Yes, hindi lang pala ako ang male late kung sakali. Hindi ko naman makita ang mukha niya kasi nakaside view siya, nakatingin siya sa labas at may hawak na sigarilyo. Ewww. Nagtakip ako ng ilong gamit yung panyo ko kasi ayoko sa amoy. Hindi ako makahinga. Baka sakaling mahalata niya. Nahihiya kasi akong sitahin siya.
Nung hindi ko na kaya..
"Kuya.. pwede bang pakitapon yung sigarilyo mo? Hindi kasi ako makahinga e." nahihiya kong sabi.
Tumingin siya sa akin na nakakunot ang noo. Nakakatakot naman to tumingin.
"Wag ka ngang maarte, hindi ka naman maganda" sabi niya.
Omg! Yung boses niya, nakakatindig balahibo. Biglang kumirot yung puso ko at bumaligtad ang sikmura ko. Anong sabi niya?! Ang sakit ng ego ko. Ang sakit naman nito magsalita. Hindi ako nakasagot agad at may balak pa atang tumulo ang luha ko.
"Wala naman kasi yon sa kagandahan e. Hindi lang talaga ako makahinga pag may naninigarilyo." Mahina kong sabi. More on sa sarili ko na nga lang ata sinabi.
Pero mukhang naguilty naman siya kasi tinapon niya rin agad iyon. Hindi nalang ako nagsalita hanggang sa makarating kami sa school.
Pagkatapos kong makuha yung sukli ko, naglakad na ako papunta sa gate. Nakakailang hakbang palang ako nang may humawak sa braso ko.
"Miss" lumingon ako at nakita ko yung katabi ko kanina sa tricy. Natulala pa ako saglit kasi ang lalim ng dimples niya, syet my weakness.
"Ano?!" Medyo tinaasan ko siya ng boses kasi naiirita parin ako sakanya. Duh! Ang sakit kaya nung sinabi niya. Nag eecho parin sa tenga ko hanggang ngayon.
"Pwede bang umutang muna? Promise babayaran ko naman. I forgot to bring my wallet" sa tono ng boses niya, hindi siya mukhang humihingi ng favor. Mukha siyang nag-uutos. And duh? Bakit ko naman siya papautangin? Oo gwapo siya pero hindi ba siya nahiya sa akin pagkatapos ng mga sinabi niya?! Spell makapal ang mukha.
"Bakit kita papautangin aber e hindi naman kita kilala? Porke gwapo ka ganon? Mga pilosopiya mo talaga sa buhay, hindi maganda." Sabi ko sakanya at tumalikod na.
"Wait! Alam mo ang dami mong sinasabi! Kung pinautang mo nalang sana muna ako. Nag aantay na kasi si Kuya o?" Sabay turo niya kay Manong driver na nakatingin sa amin.

YOU ARE READING
How To Uncrush My Crush
Teen FictionPaano kung gusto mo siya at gusto ka rin niya pero may mahal siyang iba? Ipaglalaban mo ba siya o magmu-move on ka na?