S I X

87 6 0
                                    

Kriska Chendria Ramirez

Hala hindi na. Kasabay ko si kuya pagpasok.

Kiel Cardinales

Oh okay. See you around then.

At katulad ng lagi kong ginagawa tuwing wala na akong maisip na ireply, sineen ko na lang.

Lumipas ang buong weekdays na walang Kiel na nagparamdam sa messenger. I didn't even see him around.

Magkaiba kami ng department kaya yung possibility naman talaga na magkasalubong kami sa university ay malabo. Nabother lang talaga ako kasi umasa ako na hindi magtatapos agad yung kung ano man ang nasimulan namin.

Ay talaga ba Chen? Dalawang araw lang kayo magkachat feeling mo may namuo ng relasyon doon? Napaka-assumera mo talaga, magtigil ka nga jan. Sabi ng kontrabida kong utak.

"Chen!"

"Chen, wait!"

Lumingon ako at nakita ko si Keyt na hinahabol ako. Hinihingal pa ang gaga dahil paakyat na nga kami sa third floor ng building. Excited kasi makita ako. Akala mo naman di kami magkikita sa classroom mamaya, pareho lang naman ang punta namin.

"Ang bingi mo! Kanina pa kita tinatawag e" inis na sabi niya sa akin.

"Aba! Kasalanan ko pa na hindi ko narinig?" sagot ko naman.

"Samahan mo naman ako after class mamayang hapon? Birthday kasi nung classmate ko sa Marketing, mandatory lahat na pumunta kaso wala akong kaclose doon eh"

Kawawa naman itong bestfriend ko. Marketing kasi yung subject na hindi kami magkaklase. Na-take ko na kasi sa summer class yun last time eh. Itong si ate niyo girl, pinili magbakasyon kaysa sa mag-summer class kaya ayan ngayong semester niya palang kinukuha.

"Bongga naman yang classmate mo 'te. Mandatory talaga ang gusto? Sapilitan?"

"Basta tara nalang para wala silang masabi. Okay? Okay!" sabi niya at hinila na ako papasok sa classroom namin.

Wow lang talaga. Pati ako nadamay sa mandatory birthday presence niyang classmate niya!

After ng klase namin sa hapon which is 4:30 pm, ang instruction sa akin ng magaling kong kaibigan ay uuwi muna kami para makapagpalit ng damit, makapag ayos at dadaanan nalang niya ako sa harap ng apartment namin.

Few minutes before six ay andito na kami sa bahay ng classmate niya.

"Kainis ka Keyt! Wala man lang akong kakilala sa mga tao dito. Ako tuloy mukhang out of place! Nag aattend ako ng birthday party kahit hindi ako invited." reklamo ko sakanya kasi hindi na ako comfortable sa sarili kong presence.

"Excuse me, I invited you so you are invited"

"Oh talaga? Ikaw ba may birthday?" Hay nangigigil na naman ako sa babaeng ito.

The party started and I am starting to get bored dahil wala naman akong kakilala kaya wala akong interes sa kung ano ang ganap. Mabuti nalang at nag announce na ang emcee na pwede na kaming kumain.

"Chen wait lang ha. Mauna ka na kumuha ng pagkain. May surprise kasi yung klase namin kay Mia at ngayon na namin ipeprepare. Eat well beshie!"

Magrereklamo pa sana ako pero bigla na siyang tumakbo papunta sa grupo ng mga classmates niya kaya wala na akong nagawa. Tumayo nalang rin ako para kumuha ng pagkain sa buffet table.

Namimili ako ng dessert na ilalagay ko sa plato ko. Tutusukin ko na sana ng tinidor yung leche flan pero inunahan ako ng kung sino mang bastos ang nasa likod ko. Nakulong ako sa mga braso niya at nainvade na niya ang personal space ko sa sobrang lapit niya. Halos nakayakap na siya sa akin mula sa likuran dahil yung kaliwang kamay niya ang may hawak ng plato at yung kanan niya ang may hawak ng tinidor.

Magkasalubong ang kilay kong humarap sa kanya nang medyo lumayo siya.

"Ops sorry" sabi niya sabay kindat nang magtama ang mga mata namin.

Huminga ako ng malalim nang makilalang si Kiel pala ang lalaking nasa harap ko ngayon.

Nakangiti siya pero kumulo na ang dugo ko dahil sa ginawa niya kanina kaya hindi ko maibalik ang ngiting binibigay niya ngayon. Wow naman ang first meeting namin ng lalaking ito na kachat ko ng dalawang araw at nasa isip ko ng limang araw!

"Nakakainis" sabi ko at nagwalk out sa harap niya. Pumunta ako sa table na inupuan namin kanina ni Keyt.

May umupo sa tabi ko at napabuntong hininga nalang ulit ako nang malaman na sinundan ako ni Kiel.

"Sorry Chen. Nagulat ako na makita kita dito at di ko mapigilan sarili ko na gawin iyong kanina dahil sobrang attractive mo pala sa personal. Gusto na nga kitang halikan sa leeg kanina eh. Ang bango mo!"

Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko.

Hinawakan niya iyong legs ko at naramdaman kong pinisil niya to. Kinakabahan ako lalo na at sobra siya tumitig sa akin. Halos hindi ko na malunok yung kinakain ko.

Bahagya kong ginalaw at iniwas ang legs ko para makaramdam siya na kailangan na niyang tanggalin ang kamay niya pero walang siyang reaksiyon. Nakatingin parin siya sa akin habang nagpapanggap parin akong kumakain kahit na hindi ko na nalalasahan ang kinakain ko.

"Excuse me, kuha lang ako ng drinks" excuse ko para makaalis ako. Tumayo ako para kumuha ng drinks sa buffet table.

My god! Ano bang gagawin ko? Uuwi na ba ako para hindi ko na nakikita itong si Kiel? Bruha kasi talaga itong si Selena Keyt Marquez!

Hinahanap ko yung drinks sa buffet table pero sobrang tanga ko lang kasi naka serve na pala sa table namin yung water and juice! Hay naloloka ako. Wala akong choice kundi bumalik sa table.

"Drinks? Chen nasa harap mo na, naghahanap ka pa ng iba" Kiel chuckled.

"What do you want? Water, juice or... Me?" dugtong niya pa dahilan para hindi ko mapigilan na mag init yung mga cheeks ko. Hawak hawak na niya yung juice and water.

"Water nalang po." tipid kong sabi saka kinuha sa kanya yung baso ng tubig.

"Chen, don't act like that in front of me. Mas natuturn on ako."

Ano ba ang gustong mangyari ng lalaking ito? Is he seducing me? Kasi kung oo, hindi ko siya papatulan! Oo jowang jowa na ako pero hindi ko tipo yumg mga lalaking mukhang pinaglihi sa kamanyakan. Cross out Ezekiel Jude Cardinales.

"Tigil tigilan mo ako Kiel pwede ba?!" inis kong sabi sa kanya. Nakakunot na ang noo kong tinignan siya.

"I like you"

"I don't like you!" tumaas ang kilay niya at mukhang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.

"I said I like you. Chen, what Kiel wants, Kiel gets."

"Ows talaga? Pero hindi lahat. There's always an exemption to the rule."

"Yes Chen. Yes talaga. And I don't fucking care about the exemption. I will get you by hook or by crook" seryoso niyang sabi.

Nagbabanta ba siya? What are he trying to say? Puchang Kiel 'to! Wag niya nga akong ginugulo.

How To Uncrush My CrushWhere stories live. Discover now