T W O

156 7 0
                                        

Wala na akong nagawa kundi tignan siya. Tumingin muna siya kay Keyt na nakataas ang kilay bago nilipat ang tingin sa akin. Mukhang namukhaan niya ako kaya medyo nagrelax yung kilay niya. Nagulat siguro sa paghawak ni Keyt sa braso niya. Yup, pinigilan niya kasing makalampas.

"Oh. You're the girl!" Ngumisi siya. Anong the girl?

"Uhm sorry wala pa kasi akong dalang pera. tulad ng sabi ko sayo kanina, naiwan ko yung wallet ko. Actually, papunta palang ako sa next class ko and then uuwi na ako agad para balikan yung wallet ko. I'll pay you maybe this afternoon, or later?" paliwanag niya.

"Bro una na kayo sa room. Susunod nalang ako. May kakausapin lang" paalam niya sa mga kasama niya. Tinanguan lang siya at nauna na nga sila.

"So okay lang ba sayo kung later nalang?" nagtaas siya ng kilay sa akin.

"Kahit wag mo ng bayaran. Sige mauna na kami." Sabi ko at hinila na si Keyt pero ang bruha ayaw magpahila.

"So paano siya makakasiguro na babayaran mo nga?" Tanong ni Keyt sakanya.

"wag kang mag alala. Babayaran ko naman e. Baka di ka pa makatulog pag di bumalik yung 200 mo. Konsensya ko pa"sagot niya pero sa akin nakatingin.

Umigting ang panga ko. Huminga ako ng malalim bago sumagot.

"Dapat lang na makonsensya ka! Sa sama ng ugali na pinapakita mo, dapat lang talaga. Hindi na sana kita sisingilin pero you don't deserve to get my 200 pesos just like that."

"Bes english yun a! Sure ka ba sa grammar mo? Hahaha" bulong ni Keyt. Kinurot ko nga siya.

"Oo na. Ang sungit mo.. Babayaran ko naman. I'll give you my number then, akin na yung cp mo" sabi niya nang medyo malumanay na ang boses. Kita mo, kaya niya pala yung ganung boses e! Mas masarap pakinggan.

Inabot ko sakanya yung cellphone ko at nagtype siya doon. Binalik niya sa akin agad at nakita kong siya na rin mismo ang nagsave sa contacts.

"Risk? Risk ang pangalan mo?" tanong ko na nakakunot ang noo.

"Yup. So are we okay? You text me. I'll pay you" sabi niya at saka ngumiti. Ngumiti siya. Labas ngipin at kita ang dimples niya. Magkabilaan pala at ang lalim talaga, ang sarap tusukin.

"Kita mo na, pati pangalan mo sinasabing mapanganib ka" sabi ko.

"Really? Is that your definition of risk? Sigurado kapag nakilala mo ako, kapag sinabi mong 'risk', it means it's worth it." sagot niya sabay kindat sa akin. Hindi na ako nakasagot. Pinanood ko nalang siyang tumalikod at naglakad palayo sa amin.

Wala na akong energy. Ilang oras rin akong nag stay sa Library para mag-aral. Ang daming quiz ngayong araw, nakaka stress!

Pagkauwi ko sa apartment, nahiga muna ako. Inaantok kasi talaga ako at sobrang pagod rin.

Nagising ako dahil sa ingay ng cellphone ko. Dinilat ko yung isang mata ko para tignan kung sino 'yong tumatawag pero number lang naman. Dahil inaantok ako, nilock ko nalang iyong phone para tumigil na sa kakatunog. Pero lintik talaga! Ayaw tumigil kaya sinagot ko nang nakapikit pa.

Hindi ako nagsalita, inantay ko lang na magsalita kung sino man yung nasa kabilang linya para mabosesan ko kung sino. Nang ilang segundo na ang nakalipas at wala pa ring nagsasalita, pinindot ko na ang end call saka natulog ulit.

Maaga akong nagising dahil na rin sa maaga akong nakatulog kagabi. Hindi pa ako nakakain. Kaya pala nagugutom na ako. Pero tinatamad pa akong bumangon. Alas kwatro palang kaya ng madaling araw! Mag iinternet nalang muna ako since napansin kong mas malakas ang signal kapag madaling araw.

How To Uncrush My CrushWhere stories live. Discover now