"Di nagtetext sayo si Risk?" tanong ni Keyt. nagulat ako sa tanong niya. Isang linggo na rin kasi ang nakalipas tapos ngayon nalang ulit niya binanggit ang pangalan niya."Hindi na syempre. Bayad na siya sa utang niya. Ano pa ba ang itetext niya?" Balik tanong ko sakanya. Nagkibit balikat lang siya kaya itinuon ko nalang ulit ang atensyon ko sa pagrereview.
Nandito kami ngayon sa Library. Midterm exam na kasi namin simula bukas kaya nag-aaral na kami. Puno ang Library ngayon dahil nga exam week. Talaga namang paunahan sa upuan at table. Kahit nga mag iwan ka ng gamit dito para lumabas saglit, pagbalik mo baka wala na yung upuan mo.
“Hays mentally tired na ako! Matapos lang talaga tong hell week na ‘to, lalandi muna ako. Gusto ko na ng bebe, Keyt.” Sabi ko habang nilalapag sa table ‘yong mga reviewers ko.
“Hanap muna tayo ng prospect na bebe, Besh. Kasi kung walang nanlalandi sa’yo ngayon dapat ikaw na ang gumawa ng paraan.” Sagot naman ni Keyt.Nagreview na kami nang seryosohan dahil gusto kong maging maayos naman yung grades ko for this term bago lumandi para atleast nakapag-invest na ako kung sakaling mapabayaan ko man ang aking pag-aaral sa Finals dahil magfo-focus na ako sa aking future bebe. Pero siyempre, biro lang yun ano! Time management dapat.
* *
Katatapos lang ng tatlong araw na exam namin kaya medyo chill chill muna. Kelangan ko ng fresh air para sa Finals. That's why yesterday, after my last exam and right after I ate my dinner, natulog ako. It feels so good na wala kang inaalala na reports, recitations, quizzes, seatworks, requirements and the like. Babawi ako ng tulog this weekend..
"Chen..."
"Chen!" I felt someone's hand shaking my shoulder.
"Krischen!!"
"Ano?!" singhal ko kay Daniel. Kainis! what the hell is his problem?
Napalayo siya dahil mukha siyang nagulat sa lakas ng boses ko.
"Aish kainis. Bahala ka nga!" sabi niya at naglakad na siya palabas ng kwarto ko. Bago pa man siya tuluyang makalabas, binato ko ng unan.
"Ano na nga?! Wag mong sabihin na ginising mo lang ako ng walang dahilan. walangya ka talaga!!" Sigaw ko sa sobrang inis. Siya na nga tong nambubulabog sa tulog ko e bigla pang magwo-walk out?
Daniel is my younger brother. Tatlo kasi kaming magkakapatid, si Kuya Patrick na 4th year college na, tapos ako na 2nd year college naman at bunso si Daniel na grade 11 naman.
He only calls me ate kapag may kailangan, ang sama talaga ng ugali niyang Daniel na yan.
Pinulot niya yung unan at inihagis pabalik sa kama ko.
"Pinapatanong ni Kuya kung gusto mong sumama. Roadtrip daw. Ano maiiwan ka?" Napatingin ako sa bintana ko and madilim pa naman. Gabi pa ba? Sa sobrang aga kong natulog, hindi ko na alam kung anong oras na ba."What time is it? At anong sasakyan ang gagamitin?" I asked. Nakaupo na ako sa kama trying to wake up my senses.
“Pwede ko bang isama si Keyt? Tatawagan ko na siya” Nagkibit balikat lang si Daniel at alam ko naman na walang kaso yun sakanila ni Kuya.
While I’m on the phone with Keyt, I prepared my bag pack. Alam kong 2 Days and 1 Night lang dun pero gusto ko umawra sa Beach ngayon kaya nagdala na rin ako ng mga ilang pairs ng beach outfit ko.
It’s 2 am and we’re ready to go. Dinaanan namin si Keyt sa bahay nila and then direcho na kami sa Sta. Ana. That’s more or less 4 hour drive from the city. Pupunta kasi kami ngayon sa Boracay of the North and that is the Anguib Beach.
YOU ARE READING
How To Uncrush My Crush
Teen FictionPaano kung gusto mo siya at gusto ka rin niya pero may mahal siyang iba? Ipaglalaban mo ba siya o magmu-move on ka na?