"There's more to life than love. There's freedom, passion, knowledge, and friendship"- Entice quote yan sa isa sa mga kwento ng idol kong si Jonaxx.
Paborito ko talaga lahat ng kwento nya, lalo na yung Until Trilogy. Hay, grabe Elijah!
Dahil din sa mga stories ni Jonaxx naging kaibigan ko ang
best friend kong si Kurt. Yes! Isang Fanboy.Nakaka tuwa nga eh, yung feeling na may labasan ka ng feels kapag nag babasa ka. Yung may mahahampas ka kapag kinikilig ka. May kasama ka papuntang book signing. Higit sa lahat nakaka turn on din, bihira kasi sa lalaki ang nag babasa ng Wattpad.
Habang naka upo sa waiting area ng school, tinitignan ko ang mga kapwa ko senior high school na palabas na ng school. Bakit kasi ang tagal mag palabas ng teacher nya.
"Azi! Tara na!"- sigaw ng ka klase kong si Mary Rose.
"Una na kayo, hinihintay ko pa si Kurt!"
"Nako... wag mo na hintayin yun, mamaya pa labasan ng STEM-A" sabi nya. Totoo yun, lagi kasing late mag palabas ang last subject ng Stem-A.
"Okay lang! Una na kayo"
"Sige bye!"
Kumaway ako bilang sagot. 4:30 ng bumukas ang class room nila at lumabas ang teacher. Maya maya lang lumabas na din ang mga estudyante.
"Bok!" lumingon ako sa kaliwa at nginitian ang nag iisang lalaking tumatawag sakin ng bok. Tumatakbo sya papalapit sa akin.
"Akala ko iniwan mo na 'ko. Sorry talaga ang tagal kasi mag palabas ni Sir eh." paliwanag nya.
"Sanay na ko bok, kada friday lang naman ako nakaka uwi ng maaga eh" wala kasi silang Philo kapag friday.
"Bad trip nga yun eh! Boring ng last subject nakaka antok. Ay! Nag update na ba si Queen J ng WOM?"
"Hindi pa. Baka mamaya o bukas. Bok, patulong ako sa assignment namin sa Gen.Math" mahina kasi ako sa Math. Kaya lang ako kumuha ng ABM dahil kagustuhan ng parents ko.
"Libre muna" ganyan yan. Kapag nag papagawa ako ng assignment laging may hirit.
"Sigurista ka talaga eh noh?"
"Ikaw naman kuripot" sagot nya habang inaayos ang motor bike nya. Isa din to sa dahilan kung bakit ko sya hinihintay. Libre pamasahi.
"Syempre di mo ko katulad noh! Rich kid" sagot ko at sumakay.
Mag kapitbahay kaming dalawa. Classmate ko sya since grade 9 hanggang 10. Ngayong Grade 11 lang kami nag kahiwalay.
Medyo angat sila sa buhay. Meron silang negosyo kaya ewan ko ba sa lalaking to at bakit nag titiis sa public school. Transfer student sya nung grade 9 galing sa private school. Nilalapitan sya nun ng iba naming ka klase dahil mukhang ma pera. Syempre dahil transfer gusto ng bagong kaibigan at masasamahan, nag pa pauto ang mokong. Buti na lang talaga at madaldal ako, na ikwento ko sa kanya si Jonaxx. JSL din pala sya.
"Heh! Kumapit ka ng mabuti, baka ka mahulog!" paalala nya. Hay nako Kurt kung alam mo lang matagal na akong nahulog.
"Kahit ano namang kapit ko, nahulog na ko" bulong ko.
"Ha? Anong sabi mo?"
"Wala bingi. Basta assignment ko ah"
"Oo na, kawawa ka naman. Baka bumagsak ka pa sa Gen. Math kawawa naman mama mo." sagot nya.
"Hahaha! Oo maawa ka kay mama. Sa bahay ka na lang kumain mamaya ah! Mag luluto si mama ng sinigang na baboy! Diba favorite mo yun bok?"
"Yap! Ayos talaga yun si tita. Sarap ng sinigang nya, kaya ka tumataba eh" sagot nya
YOU ARE READING
Fake Account
RandomMay lihim na pag tingin si Azilia sa best friend nyang si Kurt, ngunit hindi nya maamin sa matalik nyang kaibigan ang kanyang nararamdaman. Ano kaya ang gagawin nya mapansin lang ng kaibigan?