Chapter 3

8 0 0
                                    

Kurt's POV

Bakit kaya mukhang kulang sa tulog tong si Azi? Siguro puro facebook na naman to, o di kaya Wattpad kaso hindi naman nag update si Queen. Tsaka sandali lang naman yun kung mag babasa. Ayaw nya kasi ng dalawa dalawa yung binabasa.
Pinaandar ko na ang motor at nag umpisang mag tanong. Bad mood din ata to.

Niyaya ko syang mag audition sa streer dance pero ayaw nya. Oo nga pala di nga pala to marunong sumayaw. Naalala ko tuloy nung sumayaw kami ng Earth song nung grade 9, mas pinili nya pang maging puno kesa sumayaw.

Pag dating namin sa school agad syang bumaba at nag pasalamat tapos deretso ng nag lakad. Lah? Di ako hinintay.

"Uy, bok!" tawag ko pero di sya lumingon. Ano kayang problema non?

"Uy Kurt" lumingon ako sa tumawag sakin. Classmate ko, si Christian siga sa classroom palibhasa anak ng teacher.

"Bakit?"

"Diba bestfriend mo yung si Azilia?" inayos ko ang motor at nag lakad. Sumabay naman sya. Mukhang interesado to kay bok ah.

"Oo bakit?" tss.

"Gusto ko lang mag paalam sayo. May balak kasi akong ligawan sya" tinignan ko sya. Mukha pa lang nito hindi na mapag kakatiwalaan.

"Bahala ka, sa kanya ka mag sabi. Di mo na kailangan mag paalam sakin." shit, nakaka irita.

"Syempre pare, baka mamaya may gusto ka—"

"Wala akong gusto sa kanya" pag putol ko.

"Edi mabuti. Malinaw." gago.

"Tss, ewan ko lang kung matagalan mo yung babaeng yun."

"Bakit ano bang meron sa kanya? Ikaw nga natagalan mo sya eh" malamang!

"Ha! kung alam mo lang kung gaano katakaw yun" kailangan ma turn off tong isang to. Psh! Madali lang naman sayo yan Kurt  eh, ganyan din yung ginawa mo sa iba diba? Sabi ng konsensya ko.

"Oo nga eh, nakikita ko. Minsan hindi pa lunch kumakain na sya ng snacks sa canteen." ngumingiti pang sabi nya. Di effective.

"Hahaha! Oo, tapos di yun nag huhugas ng kamay bago kumain. Kadiri nga yun eh" Kahit sobrang linis nun? sige Kurt siraan mo pa ang bestfriend mo.

"Ha?!" mukhang nandiri na.

"Hahaha! Oo, ang hilig pa nun mangulangot in public tapos papahid nya sayo. Medyo burgusing bata yun si Azi." Hays! Ang galing mo Kurt.

"Mukhang di naman sya ganon" sagot nya. Hindi nga!

"Nako, bahala ka ayaw mo maniwala" gago ka maniwala ka. Bawal pa mag boyfriend si Azi. Weh, sino sabi sayo Kurt? epal eksena netong konsensya ko. Shut up! Pinoprotektahan ko lang si bok.

"Pero... liligawan ko parin talaga sya" ha?! Sira ulo ata to ah! Bawal pa yun!!

"Tss! Alam mo ba, napaka kuripot nun, malamang lagi yun mag pa pa libre sayo" tss, medyo totoo naman to.

"Okay lang. Yun naman talaga yung kailangan kong gawin" kailangan your face!

"Hahahaha! Mauubusan ka talaga ng pera dun" sabi ko at umupo na sa pwesto ko.

"Nga pala, ano bang favorite food nya?" Hahaha! Halos lahat favorite nun, ulul. Chicken lang hindi... allergy yun eh.

"Hmmn, Chicken. Kahit anong luto ng manok gusto nun"

"Ah sige. Minsan ililibre ko sya ng lunch. At least ngayon alam mo na gusto ko yung kaibigan mo"

"Bahala ka, good luck na lang" kailangan kong balaan si bok. Mamaya sa lunch.

—————

Lunch time ng pumunta ako sa klase nila. Sinabi nya sakin na hindi sya sasabay pag uwi. Umakyat na ko, pagka tapos kong kumain. Bakit kaya di sasabay si Azi mamaya pag uwi? Nakakaka panibago naman yun.

Bago ako maka pasok ng room may babaeng humarang sakin.

"Hi!" bati nya.

"Hello."

"Ako si Erika. Hmn ikaw si Kurt diba?"

"Oo, bakit?"

"Dancer ako, and nakita na kita dati sumayaw. So, Im here to ask you kung pwede ka bang maging partner ko sa audition para sa Street dance."

"Hindi ko pa alam. Pag iisipan ko pa. Gusto sana mag solo pero hindi pa ako sigurado."

"Ganon ba? Pwede natin to pag usapan later."

"Medyo late kami pinapalabas eh"

"Okay lang I'll wait." ngumiti pa sya sakin.

"Ah okay. Sa waiting area ka na lang mag hintay"

"Sige bye. Nice to meet you" ngumiti lang ako bilang sagot.

Okay naman siguro kung may partner. Pamilyar si Erika, lagi ko syang nakikita sa stage at nag pe' perform.

Kailangan ko na talagang ayusin yung audition dahil malapit na. Practice, sasabay pa sa study ko. Pag nalaman to ni Mommy, magagalit yun.

Naalala ko nung huli ko syang ginalit. Yun yung time na STEM ang kinuha ko at gusto nya ABM. Wala talaga akong hilig sa business. Hindi ako katulad ni Ate Kez, na lahat ng utos ni Mommy sinusunod.

I want to be something. Alam ko darating ang araw magiging proud din sya sakin.

Fake AccountWhere stories live. Discover now