Seen. Seen ang matanggap ng magandang si Cassi, (Sheandel) kay kurt. Hindi ko alam na ganon ka snob si Kurt.
Uwian, nandito ako sa waiting area ng school para syempre para hintayin si bok. Tatanungin ko si bok kung bakit nya ako iniwan kanina.
Bumukas ang pinto ng kanilang classroom hudyat na tapos na ang kanilang klase. Maya-maya lang ay bumaba na sila. Lumingon si Kurt sa gawi ko at tila hindi nya pa inaasahan na nandito ako.
"Pst!" Kumaway ako.
"Bakit ka pa nandito?" masungit na tanong nya.
"Syempre! Hinihintay ka" mukhang beastmode pa sya dahil sa ginawa ko kahapon.
"Tss" umismid sya at naglakad papuntang parking space ng school. "Bakit hindi ka na lang sumabay dun kay Markus? Yun na lang ang hintayin mo" sabi nya at sumakay ng motor bigla nya itong pinaandar!
"Kurrrtttt!!!!!" tawag ko. Huminto sya hanggang sa labas ng gate.
"Ito naman! Nagkasabay lang kami ni Markus sa jeep kahapon! Di ko nga alam na pupunta sya sa inyo." paliwanag ko kahit alam ko na hindi nya naman to hinihingi.
"Saan ka nag punta?" seryoso pa rin sya.
"Sa ano—.. kanila mosang"
"Ano ginawa nyo dun?"
"Report"
"Bakit hindi sa bahay nyo?"
"Kasi hindi sya pinayagan ng mama nya" ghad! Sinungaling na ko.
"Ganon ba? Bakit hindi ka nag text sa mama mo?"
"Wala akong load ganon din mga ka grupo ko. Tapos, na lowbat ang phone ko"
"Okay. Sakay na" napa ngiti ako. Bati na kami.
"Bati na tayo bok?" tanong ko at umangkas na.
"May choice ba ako?" ngumiti din sya.
"Syempre wala, ako lang naman ang tunay mong kaibigan eh. Wala ka ng mahahanap na maganda at mabait na bok no"
"Tss. Oo, at matakaw na bok. Kumapit ka ha. Pag mahulog ka masasaktan ka talaga." Well, Kurt.
"Alam ko naman di mo ako matitiis eh. Kahit iniwan mo ko kanina, di ka sumabay sakin kumain ng lunch at sineen mo pa ang message ko."
"Huh? Nag message ka ba?" Wth!
"Ha? Oo. Bakit di ba nag send?" Shit!
"Wala akong nakita."
"Haha! Baka di lang nag send. Mahina wifi kanina sa school. Hehezz" susme.
"Baka nga. Mamaya gagawa na ako ng step para sa audition. Gusto mo ba manuod sa bahay?" tumango ako kahit hindi nya ako nakikita.
"Syempre. Malay mo makatulong"
"Anong alam mo sa pagsasayaw ha?"
"Meron naman ah! Ang galing ko nga daw dati nung grade 9. Yung tipong hinahangin yung puno. Tapos biglang nasira."
"Hahaha! Oo nga, ang galing mo non. Bagay na bagay sayo"
"Psh! Sama mo."
"Hahaha! Tsaka nung grade 10 ako lang ang nag tiyaga na mag sayaw sayo. Kawawa pa nga yung paa ko" abat! Pinaalala pa.
Nung Js prom namin ay kahit isang lalaki sa sa batch namin ay walang nag ayang isayaw ako. Kahit mga ka klase ko. Kahit sila Markus at Chomar ay hindi ako isinayaw. Uuwi na lang dapat ako pero pinigilan ako ni Kurt.
"Uy! San ka pupunta?" tanong nya. Malungkot akong ngumiti sa kanya.
"Uwi na ako bok, nakatunganga lang naman ako dito eh"
"Tss! Halika sumayaw tayo. Sayang ang gown, makeup at sandals. Ang ganda ganda mo pa naman ngayon"
"Sus, binola mo pa ako. Kaya nga walang nag aaya sakin dahil ang pangit ko." gusto kong umiyak. Sino ba namang babae ang matutuwa na wala ni isa ang nag ayang isayaw sya. Kung meron man kaibigan pa.
"Kahit kelan hindi ka naging pangit" sagot nya. Nasa gitna na pala kami ng dance floor.
Sa libo-libong pagkakataon na tayo'y mag kasama iilang ulit pa lang kitang nakitang masaya naiinis akong isipin na ginaganyan ka nya siguro ay hindi nya lang alam ang yong tunay na halaga...
Sumabay ang mga estudyante sa kanta. Patuloy naman kami sa pag sayaw.
Tumitig ako kay Kurt Ganon din sya saakin. Ngayon ko lang napagtanto na meron akong gwapo at gentleman na kaibigan.
Matangkad sya, hanggang baba nya lang ako kahit naka sandals na.
"Azi, wag mong isiping pangit ka. Masyado mong binababa ang sarili mo."
"Bakit wala man lang ni isa ang gustong isayaw ako?"
"Ano pala ako? Hindi ko alam. Isipin mo na lang bulag sila o di kaya taken na silang lahat." ngiti nya.
"Okay. Thank you sa mga pampalubag loob na sinabi mo"
"Hindi yun pampalubag loob no." ngumuti sya. "Tumingin ka sa paligid" bulong nya. Iginala ko ang aking paningin. Nakita ko ang magandang si Mitzi na iba nanaman ang kasayaw.
"Ikaw Azilia Medina ang pinaka magandang babae sa gabing ito"
tug..tog.. tug.. tog... tumibok ng mabilis ang puso ko. Si Kurt ang kaibigan ko ay titig na titig sa mukha ko.
tug... tog... tug...tug... Nailang ako kayat nag iwas ako ng tingin. Hinwakan nya naman ang baba ko para mapatingin ako sa kanya.
"Chin up Azi. Smile because thats the best asset of yours" sinunod ko ang sinabi nya.
Nang gabing iyon ang umpisa ng pagkahulog ko.
"Hoy Azi! Tama na daydream! Nandito na tayo!!" nanlaki ang mata ko sa gulat.
Nasa bahay na nga kami. Bumaba na ako ng motor bike nya para maipasok na nya.
"Ah...- sige bok pasok na ko, punta na lang ako mamaya sa inyo." Paalam ko.
"Okay"
Kumaway ako at pumasok na ng gate.

YOU ARE READING
Fake Account
AcakMay lihim na pag tingin si Azilia sa best friend nyang si Kurt, ngunit hindi nya maamin sa matalik nyang kaibigan ang kanyang nararamdaman. Ano kaya ang gagawin nya mapansin lang ng kaibigan?