Pag labas ko ng bahay ay nag aabang na sakin si Kurt.
"Ang bagal ha" bungad nya.
"Good Morning bok"
"Bakit mukha ka na namang panda? Puyat sa facebook o sa wattpad?" sabi nya. Sumampa naman ako sa motor bike.
"Hindi noh" ang totoo nyan nag aral talaga ako ng Gen.Math ewan basta na motivate akong mag aral ng Gen Math kagabi. Ayan mukha daw akong panda.
"Hindi, mag damag ka ngang naka online eh."
"Wag ka nga bok." asar. Nag aral nga ako kasi gusto mo magaling sa Math.
"Bok, audition tayo sa street dance?" sabi nya at pinatakbo na ang motor bike.
"Nangangasar ka ba? Alam mong hindi ako marunong sumayaw diba?" totoo yun. Ako kasi yung taong walang talent.
"Ah sige next year na lang ako sasali." sabi nya sa tonong nanghihinayang.
"Bok, kung gusto mo talaga, mag audition kana. Sayang naman yang talent mo sa pag sasayaw. Susuportahan kita. Alam mo naman, hindi ako marunong jan."
"Sige, samahan mo ko sa audition ha. Manuod ka" sagot nya.
"Syempre no. Di ako mawawala dun promise. Ano nga palang sasayawin mo?"
"Hindi ko pa alam, siguro yung Fetty Wap o Yung Jump shot. Ewan."
"Sana makuha ka, additional grade din yun sa PE"
"Hmm. Tsaka alam mo, bok kaya gusto ko sumali dito dahil dancer din pala ng St. John si Janelle." pag amin nya, ah dahil pala dun.
"Kurt, gusto mo ba talagang mapalapit kay Janelle?" tanong ko.
"Oo. Gusto ko, si Janelle kasi kung titignan mo, mukhang matapang. Mataas ang self confidence. Ganon ang gusto ko sa babae"
"Ganon ba, ang taas pala ng standards mo" yung tipong mahirap maabot. Sabagay gwapo ka naman, dapat maganda din ang hanap mo.
Gwapo talaga si Kurt. Half Chinese kasi sya, Chinese ang mommy nya at Half Korean-Pinoy naman ang daddy nya. Marami ngang nag sasabi na kamukha nya yung isang member ng XO yung si Tao ba yun. Di malayong magustuhan din sya ni Janelle. Ang hirap talaga ng ganito.
Pag karating namin ng school, ay agad akong bumaba.
"Kurt, thank you ah" hindi ko na sya hinintay pang sumagot narinig ko pa ang tawag nya pero hindi ako lumingon. Dumeretso na ako ng class room at umupo sa upuan ko.
"Be, may assignment ka ba sa Gen.Math?" bungad sakin ng seatmate kong si Mary
"Oo"
"Pakopya naman, ang hirap sagutan nitong Elimination" isa din tong seat mate kong mahina sa math.
"Oh" iniabot ko sa kanya ang notebook ko sa math.
"Sinong nag sagot nito?"
"Ako"
"Weh? Ikaw oh si Kurt?" tong babaeng to, mangungupya na nga lang eh
"Ts, kumopya ka na lang" beastmode ako baka di kita pa kopyahin jan.
"Ang tagal nyo na ring mag kaibigan no? Buti di ka na po'fall
sa kanya? O di kaya sya sayo""Ha? Bakit naman ako mahuhulog dun?
"Kunyari ka pa, obvious naman na gusto mo sya. Tsaka pag pasok sa umaga, pag kain sa lunch hanggang sa pag uwi mag kasama kayong dalawa di ka ba ma po'fall nun? Tapos mabait pa si Kurt, gwapo, may kaya sa buhay tapos ang talino pa."
YOU ARE READING
Fake Account
RandomMay lihim na pag tingin si Azilia sa best friend nyang si Kurt, ngunit hindi nya maamin sa matalik nyang kaibigan ang kanyang nararamdaman. Ano kaya ang gagawin nya mapansin lang ng kaibigan?