"Grabe ang tagal ko din di naka punta dito" sabi ni Markus ng makababa kami ng jeep.
Tinatahak namin ang daan pa papasok ng aming barangay.
"Oo nga 'no Grade 9 ka pa huling nakapunta dito" sagot ko. Inakbayan nya ako habang naglalakad.
"Markus, pwede wag mo banggitin kay Kurt yung tungkol sa fake fb?" paki usap ko. Alam ko madaldal ang isang to.
"Bakit naman?" Tanong nya.
"Basta wag. Please."
"Azi" bigkas nya sa mababang boses.
"Hmn?"
"May gusto ka ba kay Kurt?" nanlaki ang mata ko sa tanong nya. Halos masamid ako sa sarili kong laway.
"Huh?... h-hindi"
"Well, tagal nyo na rin kasing mag kaibigan"
"Wala Markus. Walang ganon. Nga pala musta UE?" pag iba ko.
"Okay naman. Hassle, dahil sa layo. Pressure na din dahil nakakahiya naman kanila mama kung mag bulakbol ako dun. Study hard ang peg ganern"
"Maganda don no? Daming chiks?"
"Oo daming maganda dun, senior, college dami"
"Haha! Edi may napupusuan ka na?" tanong ko.
"Nagagandahan lang. Ang hirap mamili" sagot nya, pataas taas pa ang kilay.
"Weh? Hirap mamili o hirap mag moveon?" biro ko. After 3 years and 6 months of relationship ay natapos ang high school love nila ni Fretchie.
"Hindi ko naman minamadali. Moving on is a process. Basta wala pa sa isip ko ang pumasok ulit sa isang relasyon"
"Markus, nice sana secon—" nahinto ako nang may nag salita.
"Bakit mag kasama kayong dalawa?" si Kurt! Mukhang masama ang gabi neto. "Ikaw Azilia? Akala ko ba kaya hindi ka sasabay dahil kailangan mong umuwi ng maaga dahil may importante kang gagawin?" madilim ang mukha nya. Naka busangot.
"Hindi ko naman sinabi na sa bahay ko gagawin yun eh" sagot ko. Napatingin ako sa paligid. Nasa tapat na pala kami ng aming bahay.
"Anong oras na. Hindi mo man lang inisip ang mama mo na nag aalala sayo. Nag tatanong sakin at wala akong maisagot. Tapos kung makapag lakad ka pa jan ay para ka lang namamasyal sa park" galit na sabi nya.
"Easy Kurt" singit ni Markus. Hindi sya pinansin ni Kurt.
"Itong si Azi, hindi nag-isip hindi man lang nag text sa mama nya kung nasaang lupalop sya nag punta" pangaral ng aking ama.
"Sorry na boss" bumaling ako kay Markus.
"Markus, yung secret natin ah" jusko manahimik kang unggoy ka please.
"Anong secret?" pag epal ni Kurt. Di ko sya pinansin.
"Secret natin? Baka secret mo?" natatawang sabi ni Markus. Ang kupal alam ko may namumuong kunklosyon sa utang nya.
"Anong secret yun Azi? Markus?" pag epal ulit ni Kurt. Walang pumansin.
"Secret na natin yun, tayong dalawa may alam eh"
"Haha! Sige may secret tayo. Mamaya pupunta ako sa inyo." sagot nya.
"Bakit ka pa pupunta kanila Azi?" Muling umepal. Walang na namang pumansin.
"Sige!"
"Kung maglalandian pa kayong dalawa iiwan ko na kayo. Markus kung gusto mo pang pumasok bahala ka sa buhay mo." galit na nag walk out ang epal. (Epal pero mahal mo?) eksena din ng kunsensya ko.
"Hala galit lagot ka Azi!" paninisi ni Markus.
"Huh? Topak lang yun. Baka may mens." sagot ko.
"Haha! Sige na pumasok ka na"
"Okay bye!"
Sagot ko at pumasok na. Pag pasok ko ay nakaabang na si Mama.
"Bakit ngayon ka lang? tanong ni mama.
"Ma, gumawa po ako ng report sa EAPP" sagot ko.
"May laptop at wifi dito bakit saan ka gumawa? Hindi ka man lang nag paalam!" men! Beastmode si ina!
"Sa bahay po nila, ahm-- mosang"
"Ganon ba? Sige, magbihis kana. Wala ng ulam. Bumili ka na lang dun kanila aling Peco"
"Huh? Eh... ma madumi paninda dun kanila aling Peco eh."
"Edi mag luto ka na lang ng hotdog" sabi ni mama.
Umakyat na ako ng taas at binuksan ang laptop at ni charge ang phone.
Binuksan ko ang fake account at boom!
Kurt Jimenez accepted your friend request write something on Kurt's timeline.

YOU ARE READING
Fake Account
RandomMay lihim na pag tingin si Azilia sa best friend nyang si Kurt, ngunit hindi nya maamin sa matalik nyang kaibigan ang kanyang nararamdaman. Ano kaya ang gagawin nya mapansin lang ng kaibigan?