AFLW 26: Pagkakagulo ng Panig
****
Prinsipe Daiki POV
Ilang araw matapos ang nangyaring pagtatangka sa buhay ni Prinsesa Yuki at Prinsipe Daisuke sa malapit sa pamilihang bayan ang natagpuan at nahuli ang mga taong nagtangka. Subalit ni isa man sa kanila ay walang nais magsalita. Hanggang sa mga oras na ito ay patuloy pa rin ang paglilitis. Hindi ko maintindihan kung bakit ma's pinili pa nila ang masaktan. Bakit hindi na lang nila sabihin sa kinaukulan ang kanilang nalalaman? Ang kapalit ng ginawa nilang pagtangkang paslangin ang dalawang dugong bughaw?
Nababahala ako sa mga sunud-sunod na patayan at iba pang pangyayari. Nag-uumpisa ng maging magulo ang Palasyo, ang Imperyo. Ang nakakapagtaka ay pawang may mga katungkulan o bahagi ng maharlikang angkan ang mga biktima. Subalit wala akong nabalitaan na pagkilos ng mga taong nagrerebelde sa pamunuan ng Bansa. Sino ang nasa likod ng mga pagpaslang? Bakit napakahirap hulaan ng kanilang hakbang? Napaka-ingat ng kanilang galaw. Kakampi ba sila ng Palasyo o kaaway? Subalit isa man sa mga nasa aming panig ay wala pang napabalitang nasaktan.
May kaugnayan ba sila sa nagpadala sa akin ng mensahe? Ang samahang nangakong palaging maaasahan at lihim lamang na nagmamatyag. Na nagpaabot sa akin ng mensahe na nasa paligid lamang sila at palagi naming kaisa. Ang DC Org.
Batid ko na isa itong lihim na samahan na nabubuhay kasabay ng makabagong panahon. Kaya nakakapagduda ang kanilang pagsupurta sa aming panig. Hindi ko batid ang kanilang tunay na pakay. Hindi ako palagay hinggil sa kanila sapagkat wala akong alam tungkol sa kanila. Paano kung katulad sila ng samahan ng Yakuza? Na nagnanais agawin ang pamumuno sa buong Imperyo sa aming angkan.
Maaari din na ang Yakuza ang may pakana sa lahat ng mga pangyayari ngayon sa Palasyo. Baka balak nilang magpalaganap ng kaguluhan. Batid ko na marami sa mga Opisyal o may mga katungkulan sa Pamahalaan at Maharlikang angkan ang kasapi sa nasabing samahan. At hindi sila madaling buwagin ng kami lamang ng aming mga kaanib.
Kung aking mapapatunayan na mabuti ang hangarin ang DC Org. ay maaaring aking tanggapin ang inaalok nilang tulong. Na sa aking palagay ay payagan ko man o hindi ay mananatili silang nakamasid lamang sa paligid. Ayon sa mensaheng aking natanggap, sa aking palagay ay hindi sila papipigil.
Naglalakad ako patungo sa piitan ng mga taong nagtangka sa buhay ng aking kapatid at ni Prinsesa Yuki. Muli ay aking susubukan na sila ay kausapin. Kapag mananatili silang tahimik at hindi ibubunyag ang may pakana ay mapipilitan akong magpatupad ng mabigat na parusa. Ito na ang huling paglilitis para sa kanila.
Dinala sa aking harap ang mga taong aking sadya. Lahat sila ay pinaupo ng mga kawal sa upuang para sa paglilitis at nananatiling nakatali ang mga kamay sa kanilang likod.
"Magsalita kayo," pag-uumpisa ni Pinunong Kizu. Siya ang aking inatasang magtanong. Natahimik lamang akong magmamasid at maghihintay ng kanilang sasabihin.
"Sino ang nag-utos sa inyo upang tangkaing paslangin ang Prinsipe Daisuke at Prinsesa Yuki."
Walang sagot. Gaya ng akin ng nabanggit, wala silang balak magsalita. Labag man sa aking kalooban ay mapipilitan akong magbaba ng parusa at hilingin ang pagsang-ayon ng Mahal na Emperador.
Itinaas ko ang aking mga kamay upang pigilin na ang paglilitis. Tumayo ako upang magsalita sa kanilang harapan.
"Kung hindi ninyo talaga nais magsalita wala akong magagawa upang kayo ay maligtas. Bibigyan ko kayo ng huling pagkakataon. Kapag pinili ninyong manahimik, hihilingin ko sa Mahal na Emperador ang parusang kamatayan. Sapagkat dalawang dugong bughaw ang inyong pinagtangkaan. Pag-isipan ninyong mabuti ang inyong gagawin."
![](https://img.wattpad.com/cover/39460392-288-k41835.jpg)
BINABASA MO ANG
A Fairy Tale Like World
Tiểu thuyết Lịch sửThis a Book 2. Book 1: That Gangster Is A Princess... For Real? It's time to face her world being a Princess for real. Living in a fairytale-like world, but this world is not magical. A fairytale-like world surrounded by people full of greed, envy...