Note: English in Italic are in mind only. Remember they are not allowed to speak in English.
AFLW 6: Ang Prinsipe Imperyo
****
Prinsesa Yuki POV
Sa isang mabilis na kilos nagawang damputin ni Yoshie ang aking pantakip sa mukha, tinanggalan ng anumang dumi na maaaring kumapit sa malambot na tela. Agad niya itong inilapat sa asking ulo at inayos ang harapan upang malaya ko ng bitawan ng aking mga kamay ang aking mukha. Lumapit si Shuji sa aking tabi at tinulungan akong tumayo ng maayos.
"Ipagpaumanhin mo, Binibini, ko inaahasan na maari akong may makasalubong dito sa Hardin sapagkat sa ganitong oras ay bihira lamang napapasyal sa bahaging ito." Bahagya yumukod ang Ginoo, nakalagay ang kanang kamay sa tiyan at ang kaliwa ay sa likuran, tanda ng paghingi ng tawad.
"Tumatakbo ka Ginoo, ikaw ba ay nasa kapahamakan? May nagawa ka ba labag sa panuntunan ng Palasyo kaya ikaw ay hinahabol ng mga kawal?" Puno ng kuryusidad na aking tanong. Matutuwa akong malaman na tulad ko ay kadalasan din siyang sumusuway sa mga panuntunan ng kanyang Palasyo.
Isang tawa na puno ng tuwa ang kanyang ginawa bago sumilay ang isang matamis na ngiti sa kanyang labi. Sa kanyang ginawa ay lalong nadagdagan ang kakisigan niyang taglay. Animo nag-aanyaya ang kanyang matamis na ngiti at bago ko pa malaman nakangiti na akong nakakatitig sa kanya. Batay sa kanyang mukha at pangangatawan matanda lang siya sa akin ilang taon.
"Eiji. Tawagin mo akong Eiji, Binibini." Pagpapakilala niya sa kanyang sarili. "Maaari ko bang malaman ang pangalan ng Binibini?"
"Yuki. Tawagin mo nalang akong Yuki, Ginoo."
Bumakas ng bahagya gulat sa kanyang mukha bago ngumiti ulit. Bahagya pa siya yumukod tanda ng paggalang. "Nagagalak akong makikila ka Prinsesa Yuki ng Kaharian ng Daichi."
Napamaang ako sa kanya. Paano niya natukoy na ako ang Prinsesa na galing sa Kaharian ng Daichi? Kakarating ko lang kahapon at mga opisyal pa lang ang aking nakaharap maliban sa aking mga taga-lingkod, taga-silbi, at bantay. Hindi pa kasali ang aking mga nakasalamuha ngayong araw.
"Kung iyong mararapatin Ginoo nais ko sanang itanong kung paano mo natukoy na ako ang Prinsesang galing sa Kaharian ng Daichi?"
"Hindi ka maaaring ipagkamali sa iba, Mahal na Prinsesa. Misteryoso at laging may takip ang mukha kaya tinaguriang Prinsesang Itim na may kaakibat na sumpa. At isang napakahalagang bagay, Prinsesa Yuki, nakakatak sa iyong kasuutan ng Kahariang iyong pinanggalingan." Mahabang wika niya.
Shit! I feel so dumb. Stupid of me not to realize that all of my clothes have a symbol of our Kingdom. But wait, what did he say? Prinsesang Itim? How come?
"Hindi ko inaasahan na nakarating pala dito sa Palasyo ng Imperyo ang usapin tungkol sa tawag sa akin ng aming nasasakupan." Sabi ko ng makabawi na ako sa pagkagulat sa mga kanyang mga sinabi.

BINABASA MO ANG
A Fairy Tale Like World
Ficción históricaThis a Book 2. Book 1: That Gangster Is A Princess... For Real? It's time to face her world being a Princess for real. Living in a fairytale-like world, but this world is not magical. A fairytale-like world surrounded by people full of greed, envy...