FLW 1: Prinsesang Itim****
Princess Yuki POV
Palingon-lingon at mabagal akong naglalakad sa gitna ng pamilihang bayan. Kasama ko ang tagapagbantay na si Shuji at ang aking taga-lingkod na si Yoshie habang naglilibot. Nakakabagot ang manatili lang sa loob ng palasyo kaya nagpaalam ako sa Mahal na Hari na mamasyal sa labas. Walang nakakilala sa akin dito dahil ni minsan hindi pa ako naipakilala sa mga karaniwang tao.
Oo, alam nila kung sino si Prinsesa Yuki pero kahit minsan hindi pa nila nakikita ang pagmumukha nito. Ang hindi lang nila alam minsan na rin nila akong nakasalamuha subalit hindi ako nagpakilala. Akala nila na isa lang akong karaniwang mamamayan. Nakasuot lang kasi kami ng mga pangkaraniwang damit habang naglilibot sa bayan.
Kahit sa mga maharlika ay iilan lang din ang nakakilala sa akin. Iilan lang ang nakakita sa aking mukha. Kahit ang mga taga-silbi sa palasyo, iilan lang din sa kanila ang nagkaroon ng pagkakataon na masilip ang mukha ko.
Aliw na aliw ako sa paglibot sa pamilihan. Panay ang dampot ng mga bagay na kumuha sa aking atensyon. Hindi binigyang pansin ang maiinit na sikat ng araw na dumadampi sa aking balat. Tahimik nakasunod si Shuji sa bawat gawin ko at ng aking lingkod. Wala kang marirnig na kahit anong salita sa kanya pagkatapos natutuwa pa siyang makita kaming aliw na aliw. Kung tutuusin hindi ko na kailangan pa ng bantay. Magagawa kung ipagtanggol ang aking sarili sa anumang uri ng kapahamakan. Gayundin si Yoshie. Lingid sa kaalaman ng ibang mga taga-lingkod at taga-silbi ng palasyo maalam si Yoshie sa pakikipaglaban. Kahit sabihin pang hindi niya magawang talunin si Shuji. Sa kasalukuyan hawak ni Shuji ang titulo bilang pinakamagaling sa hanay ng mga sundalo ng Hari.
Tinatahak na namin ang daan pabalik sa palasyo ng matuon ang pansin ko sa umpukan ng mga tao. May kung anu silang mahalagang pinag-usapan. Tumigil ako sandali sa kabilang bahagi ng daan upang marinig ang kanilang usapan.
"Ano ang nangyayari? Bakit tila nababalisa ang mga tao?" Hindi ko mapigilang itanong sa aking dalawang kasama.
Hindi pa man nakasagot ang aking mga kasama ay dumaan na sa hindi kalayuan ang mga sundalo ng palasyo. Nagtatakbuhan at pawang nagmamadali sa kung saan man sila patungo. Nagpalitan kaming tatlo ng nagtataka at makahulugang tingin.
"Magtatanong lang po ako sa grupo ng mga kalalakihan sa ating tapat, kamahalan." Paalam ni Shuji.
Tumango ako at umatras patungo sa tindahan sa aking likuran. Naupo ako na naroong upuan at si Yoshie naman ay nagtanong sa nagtitinda.
"Ale, may alam ho ba kayo kung bakit nagmamadali ang mga sundalo?" Narinig tanong ni Yoshie.
"Ku! May isang maharlika na naman daw ang namatay." Sagot ng ale.
Nagkatinginan kami ni Yoshie. Tinanguan ko siya upang ipagpatuloy niya ang ginawang pagtatanong.
"Ano ho ang dahilan ng pagkamatay?"
"Pinatay at ibitin sa isang puno hindi kalayuan sa bahay niya. Hindi ko talaga mawari kung bakit sunud-sunod na pinatay ang mga maharlika at opisyal ng kaharian. Simula ng dumating ang tinaguriang Prinsesang Itim nagkaroon na ng kaguluhan dito sa ating bayan." Mahabang litanya ng ale.
"Mawalang galang na ho sa inyo, sino ang tinutukoy ninyong Prinsesang Itim?" Tanong ni Shuji sa nanganganib na tinig, na nahagip ang sinabi ng ale.
"Hindi niyo ba narinig ang balita? Usap-usapan na iyan sa buong bayan, ang tinutukoy ko ay ang bunsong Prinsesa. Noong hindi pa siya nakabalik sa palasyo walang ganitong pangyayari dito sa ating kaharian."
BINABASA MO ANG
A Fairy Tale Like World
Historical FictionThis a Book 2. Book 1: That Gangster Is A Princess... For Real? It's time to face her world being a Princess for real. Living in a fairytale-like world, but this world is not magical. A fairytale-like world surrounded by people full of greed, envy...