AFLW 41: The Royal Wedding

865 33 7
                                    

AFLW 41: The Royal Wedding

***

Prinsipe Daiki POV

Ako ay napaigik sa aking pagbagsak sa lupa nang magkasabay kaming ihagis ni Daisuke ng kalaban. Maging si Daisuke ay bakas sa mukha na hindi maganda ang kanyang pagkakabagsak. Maingat at dahan-dahan akong tumayo, ramdam ko ang sakit ng aking likuran at ang panginginig ng aking hita na wala naubusan ng lakas. Sumigid ang kirot sa aking paa ng subukan ko itong iapak.

Inilagay ni Daisuke ang aking mga braso sa kanyang balikat upang ako ay tulungang makatayo. Sa aking palagay ay hindi siya gaanong napinsala sa kanyang pagbagsak.

"Batid mo naman, aking kapatid, na sa kabila ng iyong ginawa para sa Imperyo at sa akin ay hindi ko pa rin papalayain si Prinsesa Yuki. Siya pa rin ang aking nais na maging kabiyak." Aking wika habang ako ay kanyang tinulungang makatayo ng maayos.

"Walang kayong dapat ipangamba, Kamahalan, sapagkat batid ko ang bagay na iyan. Subalit hindi naman inipagbawal na maaari akong gumawa ng paraan upang mapigilan ang inyong pag-iisang dibdib, hindi ba?"

"Bakit, may naisip ka na bang paraan upang mapigilan ito?" Lihim akong napangiti sa kanyang tinuran. Tiyak akong susubukan niya ang lahat ng paraan na maaari niyang magawa.

"Sa ngayon ay wala pa. Subalit tinitiyak ko na may maiisip din ako. At hindi mo magagawang hindian kung anuman iyon." Tiyak na wika ni Daisuke.

Ngayon pa man ay natutuwa na ako sa maaari niyang maisip na paraan. Batid ko na pag-iisipan niya ito ng mabuti. Hindi ako na makapaghintay pa upang malaman kung anong paraan ang kanyang gagawin upang mapalaya ang babaeng iniibig.

Napabaling ako sa kinaroroonan ni Prinsesa Yuki upang bahagyang magulat na makitang kasama na niya si Prinsesa Yuuna. Kasalukuyan itong pakikipaglaban sa lalaking naghagis sa amin ni Daisuke na tila ba isa lamang kaming magaan at maliit na kalat.

Nakakamangha ang galing niya sa pakikipaglaban. Nagawa niya itong pabagsakin ng wala ng buhay makalipas lamang ang ilang sandali. Hindi ko maiwasang matitig sa kanya ng buong paghanga, maging si Daisuke ay ganoon din.

Lumapit siya sa kanyang kapatid at tinanggal ang takip sa kanyang mukha. Tila higit siyang gumaganda sa paglipas ng araw. Huli ko siyang nakita sa The Mansion, ng magpakilala siya bilang AJ. At ng kanyang aminin na siya ang nagpadala ng lihim na liham sa akin. Bilang bahagi ng DC Org. at matiyak ang kaligtasan ng kanyang kapatid. Saka ko napagtanto na kung ang kanilang Ina ay isang dugong bughaw ang kanilang ama naman ay higit na makapangyarihan.

Naunahan kami sa paglapit ng Mahal na Emperador sa magkapatid. Kinausap ng Kamahalan ang dalawang Prinsesa ng ilang saglit bago nagpaalam. Ng makalayo ang na Kamahalan ay lumapit kami sa dalawang Prinsesa. Kasalukuyang nasa aking tabi ang aming bantay ni Daisuke upang kami ay alalayan sapagkat hindi kami makapaglakad ng maayos.

"Nagagalak akong makita kang muli, Prinsesa Yuuna." Ang aking bati na may malapad na ngiti. Inabot ko ang kanyang kamay at ito ay hinalikan.

"I don't need your chivalry, Prince Daiki." Wika ni Prinsesa Yuuna sa banyagang salita at marahas na binawi ang kanyang kamay. "Prince my ass!" Ang kanyang bulong na umabot sa aking pandinig. Bago pa man ako makasagot ay kanya ng hinarap ang DC Org at BJG men, ang mga tauhang kanyang pinangungunahan.

Hindi ko napigilan ang pagsungaw ng sakit at panghihinayang sa aking mga mata habang sinusundan siya ng tanaw. Kahit kailan ba hindi niya ako magawang harapin ng hindi ipinaparamdam sa akin na kahit kailan ay hindi ko siya magagawang abutin? Isang buntong-hininga ang aking ginawa upang hamigin ang aking sarili. Mahalaga ang bawat oras at hindi ko ito maaaring igugol sa isang bagay na hindi ko na mababago. Ano man ang aking gagawin ay hindi na magbabago pa ang kanyang pananaw hinggil sa aking pagkatao.

A Fairy Tale Like WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon