CHAPTER 40

511 13 1
                                    

A/N: sa naguguluhan, kung 'SINO SI VENICE?! SINO SI MADONNA?! SINO SI VE?!' really?! iisa kang po sila.

ganito kasi:

VENICE: ang tawag ng mga kaibigan at Brandon kay Venice.

MADONNA: ang tawag ng totoong pamilya ni Venice sakanya.

VE: ang tawag ni Bryan/ Papa Bob at Breina kay Venice.

hindi po kasi talaga maiintindihan pag di talaga binasa from the start. :)))

please, sana wala ng naguguluhan.

*******

CHAPTER 40

VENICE EVANGELISTA'S POV

"Dre. Totoo nga pala talagang ikakasal na si Brandon. Ang sayaaaaa." sabi ni Cas. Nandito kami ngayon sa Canteen. Buti pa sila, masaya sila dahil ikakasal na si Brandon. Ako? BIGTIII.

"Oo nga eh. Kilala niyo ba ang babaeng pakakasalan niya? Hahahhaha!" sabi pa ni Jas. Binatukan naman ito ni Dan. Ako, kilala ko yng babae paro hindi ang pangalan, yung mukha lang niya. Maganda siya, sexy, maputa, meztisa basta maganda siya! Eh ako? Hindi nga nakalahati yung mukha ko sa mukha niya. Kumbaga nasa katiting niya lang ako.

"Ano ba Jas! Baka makahalata ma! Ikaw Venice! Kilala mo na ba yung babaeng pakakasalan ni Brandon? Balita ko.... Mahal niya daw yung babae. Heheh." sabi ni Dan saakin na pinataas baba yung kilay niya. Oo. Alam kong mahal talaga ni Brandon yung babae. Sinabi nga niya yung totoo saakin diba?

"Oo. Nakita ko na ang babae... Mukhang mahal nga ni Brandon yung babae." sabi ko habang nakayuko. Hindi. Hindi na ako iiyak. Please.. Wag muna ngayon. Pagod na ako...

"Nakoooo! hindi pwedi yun! P-paano mo nalaman na ik--ARAAAYY!!" sabi ni Cas pero binatukan ito ni Dan kaya hindi nito natapos ang kanyang sasabihin.

"Mukhang hindi mo pa naman alam eh. Tssss. Ang hina talaga ni Brandon. Tsk.tsk. Ayy di bale. Basta. Masaya ako para sa KANILA." sabi ni Cas at inimphasize pa talaga niya ang KANILA. oo na, sila na! Sila na masaya ako na ang bigti! Halaaa. Laslas na yan! Laslas na yan! Gooo!

"Speaking of Brandon... Papubta siya dito dre. Sige una muna kami Venice! Byeeee! Mag enjoy kayo! Wahahhaha! Uy! Wag muna gumawa ng milagro ah! Wag dito uy! Whahahha!" sabi ni Jas habang natatawa at sila na ngay unalis at iniwan ako dito. Mga bruha talaga.

"Special delivery to my special girl.." sabi ni Brandon nang makalapit siya saakin. Inilapag niya naman ang favorite kung pagkain(chocolate cake) sa lamesa at ito na ngay tumabi saakin. "Ubusin mo yan ah!" dagdag pa nito.

"Ito? Sa tingin mo mauubos ko to? Halaaa. Hindi ako baboy uy!" sabi ko sakanya. Eh paano pa naman kasi, yung ipapaubos niya saakin eh yung buong chocolate cake lang naman. As in BUO pa! Oo, Yung circle, bilog! at halatang di pa nagagalaw!

"Mauubos yan! Kaya natin yan!" sabi niya at kumuha na nga ng tinidor at sumobo siya at kumain. Walangjo lang no? "oh. Say ahhhhhh" sabi nito nung kumuha na naman soya hinarap ang tinidor saakin, susubuan niya ako? Subo?

"Ayoko! Kadiri ka! Yung tinidor na ginamit mo kanina ay yun din ang isusubo mo saakin? Wag na uy!" sabi ko. Nagpout naman si Brandon. Ay, santa Maria. Nakakatemp lang yung lips niya! Waaag. Waaag. Lumayo ka tukso!

"anong nakakadiri?! Mas masarap kaya kapag iisa lang yung tinidor na ginagamit! Wala naman akong rabis ah! Wag kang mag-aalala. Natikman mo na rin naman laway ko ah! Ngayon ka pa aarte ah?" sabi nito. Binatukan ko na dre. Napaka talaga nitong lalaking to! Ang lakas ng boses niya! Halos lahat dito sa canteen nakatingin saamin! Tsaka sinabi niya pa na natikman ko laway niya! Kadiriiiii siya!

IKAW LAMANG 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon