SC: I LOVE YOU MAMA

350 9 0
                                    

A/N: WALA LANG. nasulat ko lang ito dahil nag-away kami kanina ni MAMA. pero pagkatapos kong masulat ito natamaan yata ako sa nasulat ko kaya nagSorry ako sakanya at ayun konting drama at sa wakas ay okay na kami! Yey!

sinulat ko ito para sa ating lahat. Sana matuto tayo neto.

PS: hindi po ako yung bida ng story. baka kasi isipin niyo na ako yun. Haha.

"knw the worth of the people around you"- OTOR ATE NICE

*******

HINDI ito isang romantic story o comedy o action.. Gusto ko lang malaman niyo kung gaano ko kinamumuhian ang aking ina. Oo. Tama ang nabasa niyo! Bakit ba? Dahil ba sa MAMA ko siya eh siya na palagi ang tama? Bwesit naman! Purket siya ang MAMA KO ay siya nalang parati ang tama at ako ang mali?

I hate my life.

Pag nasa bahay sermon lang maririnig ko. Bakit hindi ako ganyan at bakita ganito ako.. Na bakit isa ako sa top 10 eh bobo naman daw ako.. Na bakit ang tamad tamad ko at nabibigatan ako sa katawan ko..

BAKIT BA?! ESTUDYANTE AKO!! NAPAPAGOD DIN AKO KAKAARAL EH YUN NAMAN ANG GUSTO NIYA DIBA ANG MAGING ISA AKO SA TOP 10?!

May mga araw na nagtry ako!! LECHE NAGTRY AKOO! nagtry akong maging mabait at masunurin na anak.. Pero hindi parin.. Kulang padin! Isang mali ko lang eh sermon na kaagad! Nanaman!

Bakit pa ako magpapakahirap eh kahit na anong gagawin ko ay useless lang naman pala? Diba? 'Lahat ng tao ay may limit'.

"Rose, pakikuha nga ng tubig" utos sakin ng mama ko. Hindi ko sinagot.. Kitang BUSY ako na nagbabasa dito. Ano? Sa tingin niyo napaka walang respeto ko sa mama ko? Hindi niyo ako naiintindihan kasi hindi kayo ako! Kung kayo magiging ako magbibingibingihan lang din kayo!

"Rose!! Paki kuha ng tubig! Tsaka magluto ka nalang din ng kanin" sigaw ulit ni MAMA.

"Sandali lang ha.." mahina kong utas. Malapit na talaga..malapit ko nang matapos ang binabasa ko.

"ANO BA ROSE!! MARAMI NA AKONG INIUTOS SAYO PERO NI ISA WALA KA NAMANG GINAWA!!" sumigaw na talaga si MAMA.

Ako naman. Unti nalang at mapupuno na talaga. Ayaw ko talaga na pinagsasabihan ako maski sa MAMA ko.. alam niya yun pero yun naman ang ginagawa niya saakin!

Ayaw kong magalit sakanya kaya kinuyom ko nalang ang kamao ko para mawala itong sikip ng dibdib ko.. Ewan ko kung ano itong nararamdaman ko.. Basta ang alam ko galit ako.

"BWESET KA TALAGA ROSE!! ANG BABOY MO!! KUMILOS KA NGA DIYAN!! BASA KA NANG BASA EH WALA NAMANG KWENTA YANG BINABASA MO!!" sigaw niya ulit.

Napapikit nalang ako at kinagat ang labi ko. Thats it. I've had enough. Ayaw ko na. Di ko na kaya... Halos araw araw nalang...

Minsa magagalit siya saakin na walang dahilan. Minsan ipinagmukha niya ang katangahan ko..

Ni minsan hindi niya nga ako ipinagmalaki eh kahit na ako lamang yung nakapasok sa top 10 sa mga pinsan ko.. Hindi niya yun pinagmalaki kahit na ginawa ko lamang yun para sa kanya.

Imbis na ipagmalaki ako... Ikinahiya niya ako..

Example; sasabihin ng tita ko na 'ang talino talaga ni Rose' ano ang sasabihin niya? Sasabihin niyang hindi daw at bobo nga daw ako eh. Napaka tamad ko daw at walang ginagawa sa bahay kundi ang matulog, kumain, tumae at matulog ulit.

Hindi niya man lang nakikita ang efforts ko. LECHE! NAGTRY AKONG MAGING MABUTING ANAK NIYA!! PERO HINDI NIYA PARIN YUN NAKIKITA!! YUNG PAGKAKAMALI KO LANG YUNG NAKITA NIYA!

IKAW LAMANG 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon