SC: JAS AND KYLE

428 11 0
                                    

A/N: dito ko nalang ilalagay ang Side Story bale special chapter narin. Alam kong may nakabasa na nito. Hahah.

****

----------------------

JASMINE AND KYLE

---------------------

"Hi, ako pala si Kyle Rutherfords.. Anong pangalan mo?"

Yan ang una mong sinabi saakin noong una tayong magkita. Brithday yun ni Breina, invited ka din dahil kaibigan ka ni Brandon (sa ibang school nga lang nag-aral)

Nagpakilala ka saakin, sinabi ko nalang din ang pangalan ko, gwapo ka naman kasi dre, kaya sige nalang. Hindi naman ako interesado sayo, hello? Si Ivan kaya labs ko. Hihi

Sa totoo lang, naiirita talaga ako sayo nun!  ang daldal mo lang kasi eh! Sarap lang saksakan ng kutsilyo ang bunganga mo!! Pero di ko yun nagawa, sayang naman ang kagwapohan mo diba? Kaya pagbigyan nalang. HAHA

"WOW! destiny nga naman tayo! Nagkita pa talaga tayo oh! Ano? Hatid nalang kita ahh!"

Yan ang sinabi no sa ikalawang pagkikita natin.

=_= heh. Ano akala mo saakin tanga?

Obvious naman eh na ako ang sadya mo dito! Pumunta ka pa talaga ng school para lang ihatid mo lang ako pauwi.

Ayoko sanang sumama sayo kaya lang kinaladkad mo ako papasok ng sasakyan mo. Eh ano pa ba ang magagawa ko? Diba? Tsss.

"Pwedi pahiran ng phone mo? Naiwan ko kasi ang saakin eh.. Sige na.. Saglit lang naman.. pleaseee"

Yan ang sinabi mo bago pa ako makababa ng sasakyan mo. Leche dre. Aaminin ko, ang KYUT mo sa puppy eyes na ginawa mo! Kaya ito nga naman ako.. Ang tanga lang at pinahiram nga kita ng phone ko.

Ikaw namang lalaki ka! Pumaparaab talaga ahh! Sarap mo lang upakan. Iba pala ang sadya mo sa phone ko!! Nilagay mo pala ang number mo at kinuha na din ang number ko dahil "incase na di ka magtext ako nalang magtext sayo" ani mo pa.

Nagsisisi ako na binigay ko sayo ang phone ko!! Lintek lang.

Text ka lang ng text! Napupuno mo na ang inbox ko. Sabi mo pa nga na hindi mo ako tatantanan pag di ako nagreply sayo!

Kaya nagpakatanga naman ako at uto uto, eh hindi na ako makatulog dahil sa text ka lang nang text ..nireply-an kita ng "MAMATAY KA DRE."

Akala ko tatantanan mo na ako dahil sa harsh yung reply ko sayo. Pero... NAGKAMALI AKO! Mas lalo kang daldal nang daldal! Text ka lang nang text na ang saya mo dahil nagreply ako sayo.

Ano ba yung masaya sa reply ko ha? --___--

Araw araw hatid sundo mo ako hanggang sa... Hobby ko na din ang magpakatangang sumama sayo.

Araw araw text ka nang text, eh tanga nga ako kaya reply nalang din pamindan, sayang din naman kasi ang unli ko kung ang STARTIG lang ang katext, diba?

Hanggang sa dumating ang araw. Takte. Ito ang kinatatakotan ko. Aaminin ko dre, nahuhulog na ako sayo. Namalayan ko nalang na napapangiti na ako maski sa simpleng text mo lang! Mas lalo pa kung kasama na talaga kita. Leche lang. Tanga ko kasi. SOBRANG TANGA. Buang kasi ako. NABUBUANG SAYO!

Ayoko namang aminin sayo. Hindi naman siguro ako ganoon katanga diba para sabihin talaga yun sayo. Oo dre. Natatakot ako na baka i-reject mo lang ako at baka pagtawanan mo lang ako.

Pero dumating ang isang araw, nagtampo ka saakin dahil lang sa di kita pinansin. Oo. Iniiwasan talaga kita. Baka sakaling mawala tong nararamdaman ko para sayo.

IKAW LAMANG 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon