"Everything happeneds for a reason. Pero why is this happening to me at talagang si Kyle pa." bulong ng utak ni Jane. "Kilala ko na sya bata palang kami at sya ang side kick ng superhero ko na si Red pag may nang aaway saakin sa school noon."
Di parin makapaniwala si Jane sa mga pinag sasabi ni Kyle. Seryoso ba talaga ito o sumasabay lang dahil madalas silang pag tagpuin ng tadhana.
"Dito na tayo" sabi Kyle. Tumango nalang si Jane bago bumaba ng sasakyan.
"Pag isipan mo" sabi ni Kyle. Saka ni Jane isinara ang pinto ng sasakyan.
Gustuhin mang sabihin ni Jane na ayaw nyang pag isipan pero di sya makapag salita. Tumalikod nalang sya pero napahinto din agad. Nakita kasi nyang mag ka yakap si Robert at Mara. Parang isang araw lang ang lumipas okay na silang dalawa.
Pumasok na si Jane ng studio at uminom ng maraming tubig. At saka tumapat sa electric fan.
"Are you okay?" tanong ni Juls
"loka loka bat sinira mo yung sasakyan!" sigaw ni Jane na halos maibato nya na ang baso sa mukha ni Juls.
"Jane pasensya ka na. Pumunta naman kasi talaga ako sa shop kung saan pinapaayos ang sasakyam sabi nila okay naman daw yung sasakyan. kaya di ko alam bat di na sya umandar pabalik dito" paliwanag ni Juls.
"pahinga ka.. Bukas kunin mo yung sasakyan!! kung saan?! itanong mo kay Kyle!!" Sabi ni Jane na naiinis na.
"oy mag kasama kayo ni Kyle?" pang aasar ni Juls
"Gago you! Syempre kasi sinira mo yung sasakyan" sabi ni Jane sabay pasok sa kwarto nya.
Masayang pumasok si Kyle sa bahay nila pero biglang napawi ito ng makita si Bella na nag hihintay sa sala.
"What brings you here?" Tanong agad ni Kyle. Saka umupo sa katapat na upuan.
"Dumalaw lang ako kay Nicole." Sabi ni Bella.
"Kumusta ang counseling nyo?" Tanong ni Kyle. Hinintay munang matapos ang katulong na mag serve ng meryenda bago sya sumagot.
"Okay naman" maikling tugon ni Bella na bakas parin sa mukha nya ang lungkot.
"Bella." Sabi nya saka lumapit dito at hinawakan ang kamay nito. "Kaibigan ko kayong pareho. At parang kapatid ko na si Red alam ko din sa panahon ngayon pareho kayong nahihirapan." Sabi nya.
"Mainitin naman talaga si Red kaya di ko rin sinasadya-" natigilan na si Bella bigla kasi tumulo ang luha nya. Agad naman syang niyakap ni Kyle.
"Tahan na I still believe na mag kakaayos kayo" sabi ni Kyle.
"Mag kakaayos pa kaya kami?" Tanong ni Bella. Saka kumalas sa pag kakayakap dito at bumalis sa upuan si Kyle.
"Kung gugustuhin at pipilitin." Sagot ni Kyle. Saka ngumiti na pilit dito.
"Thanks for listening. Uuwi na ako mukhang nasira ko pa ang mood mo." Sabi nito saka inayos ang sarili.
Kumuha ng pebbles si Kyle at ibinato sa katapat bintana ng katabing bahay nila. Ilang saglit lang bumukas na ng bintana si Red.
Madalas mag palitan ng pag babato sa si Kyle at Red noong bata pa sila. At kahit noong highschool gawain nila ito kapag gusto nilang tumakas at gumimik.
"Bakit?" Tanong ni Red
"Galing dito si Bella" sabi ni Kyle.
"Bakit daw?" Tanong ni Red.
"Ayosin nyo na lang kaya?" Sabi ni Kyle
"Tss hindi madali" sabi ni Red. "Ikaw kumusta ang lakad nyo ni Jane nakausap mo na ba?" Tanong nito bigla napailing din si Kyle.
YOU ARE READING
Maybe Its You...
FanfictionLove doesn't exist! Well at the age of 24 wala pang nakaka relation si Jane. Hindi sa nag hahanap sya kundi iniiwasan nyang mainlove sa isang tao kasi pakiramdam nya ay di sya kompleto. Pakiramdam nya magagaya lang sya sa mga magulang nya. Kaya kahi...