Chapter 5

7 2 0
                                    

Pag katapos ng trabaho inaya sila ng organaizer na kumain. Pero biglang may tumawag sa phone ni Jane kaya humiwalay muna sya.

"Jane asan ka? usap tayo" si Red ang nasa kabilang linya. Medyo may kalungkutan sa kanyang boses. Di naman makapag salita si Jane kaya napatingin sya kay Juls na panay parin ang kwento sa buong team habang tumatawa.

Nabaling ang tingin ni Jane sa mga kasama nya. Nanakikinig parin sa mga kwento ni Juls. Humakbang pa papalayo si Jane nung mapansin nyang nakatingin si Kyle sakanya.

"Nasa field kasi ako ngayon. Asan ka ba? Gusto mo puntahan kita?" tanong nya.

"Sa studio mo." sagot ni Red.

"Red wait lang mukhang may nalulunod" sabi ni Jane. Sabay baba ng phone nya. At tumakbo da gilid ng pool at pilit na inaabot ang kamay nya.

"Tulong" sigaw pa ni Jane na parang naiiyak na din.

Biglang nag ring ang phone ni Juls kaya natigilan sya sa pag kukwento.

"Re.." di na naituloy ni Juls ang sasabihin nya. Sunod sunod na kaai ang tanong ni Red sakanya.

"Asan kayo? Bat may nalulunod daw sabi ni Jane? Kasama mo ba sya? Pakausap?" Biglang binitawan ni Juls ang phone nya saka napatayo saka tumingin sa paligid.

"Jane" sabi ni Juls bigla namang natahimik ang lahat.

Napalingon si Juls sa kinaroroonan ni Jane na sumisigaw ng tulong. Nakita nya mismo ng mahulog na din si Jane sa pool kaya tumakbo na agad sya.

"Shit Jane! you dont know how to swim" sigaw ni Juls at tumakbo palapit sa pool. Pero naunahan na syang tumalon ni Kyle. May isa pang tumalon para tulungan ang bata.

Mabilis na nilapatan ng first ang bata. Si Jane naman si Kyle na ang CPR. Mga tatlong beses na syang binubugahan ng hininga pero wala pa din.

"Jane wake up please" sabi Kyle bago binugahan ulit ng hininga. Sa pang limang beses dun lang sya nag kamalay at nailabas ang tubig nanainom nya.

"Asan na yung bata?" tanong agad ni Jane

"Dinala na sa clinic okay na sya" sagot ni Juls na umiiyak. Saka niyakap ng mahigpit si Jane. "Sorry" sabi ni Juls.

"Wag ka ng umiyak" sabi ni Jane.

"Kakainis ka kasi tinatakot mo ako" sabi nalang ni Juls.

Pauwi na sila salikuran na sya para makahiga narin kahit papaano. Biglang suminga si Jane ng paulit ulit. Nag katinginan nalang si Kyle at Juls. Na nakangiti pero di na sila umimik.

"Juls daan tayo sa drug store" sabi ni Jane.

Bigla namang huminto ang sasakyan at bumaba si Juls at Kyle. Bumili sila ng gamot at tissue sinisipon na kasi si Jane. Pag balik nila ng sasakyan tumabi na si Kyle kay Jane tapos si Juls na ang nag drive pa balik.

"Bat nandito ka?" tanong ni Jane

"Masunurin kasi ako sa usapan natin tsaka baka idemanda mo ako" sabi ni Kyle na naka ngiting tagumpay.

"Okay lang ako" sabi ni Jane na suminga ulit.

"ayan tisue tsaka inumin mo na din gamot mo" sabi ni Kyle na di na inintindi ang sinasabi ni Jane.

"Kyle please lang" sabi ni Jane sabay irap at ibinaling ang tingin salabas ng sasakyan.

Ng magising si Jane na nakapatong na ang ulo nya sa balikat ni Kyle babangon na dapat sya pero nakita nya ang phone ni Kyle may ka text ito.

"Cancel all my meeting tomorrow may importante lang akong gagawin" sabi nya tapos nag reply yung kabila.

"Sir may session po kayo ni Sir Red" sabi ng ka text nya

Maybe Its You...Where stories live. Discover now