Chapter 4: Save

1.1K 15 0
                                    

Shawn's POV

"AHHHHH!!!" Naglalakad ako papuntang gate nang marinig ko ang sigaw na yon. Sh*t kilala ko ang boses na yun. SI PANGET!!

Sinundan ko yung boses. Papunta ito sa parking lot. May nakita akong tatlong pigura ng tao sa madilim na part ng hallway. Dalawang lalaki na parang pagsasamantalahan ang babae.

Nilapitan ko sila. Fvck si Panget nga!!!

"Hoy!!! Bitawan niyo sya!!!" Sigaw ko

Binitawan naman nila ito at agad na bumagsak ang walang malay na si panget sa malamig na sahig.

"Wag ka ngang mangi-ilam dito!!! Sino ka ba!!!!??" Boy1

"Sino ako?? Ako lang naman si Shawn Park, ang tatapos sa buhay niyo" sabi ko saka sinuntok ang lalaking kaharap ko, akmang susuntukin ako ng kasama niya pero nakaiwas ako. Di nagtagal nakahiga na sila sa sahig at walang malay. Tsk mga walang binatbat. Ako?? Walang kagalos galos, syempre ako ang badboy ng eskwelahan na ito, kinakatakutan ako.

Agad kong binuhat si panget at dinala sa ospital. Baka pag iniwan ko to dito may mangyari pa ditong masama. Konsensya ko pa.

Nandito ako ngayon sa ospital binabantayan ko sya. Kinuha ko ang cellphone na binigay ng nurse kanina kasama bag niya.
Tatawag na lang ako sa kanila para may magbantay sa kanya dito.

Yung ate berta na lang ang tinawagan ko dahil wala akong makitang number ng mommy or kamag-anak nya.

Idinial ko ito at agad na may sumagot.

"Hello, sino po ito?"

Cyrene's POV

Arrghhhh!! Takte ang sakit ng ulo ko. Teka, hindi ko kwarto 'to ah tsaka ang pagkakaalala ko kulay pink ang kulay ng kwarto ko bakit puro white. Hala baka nasa heaven na ko. Huhuhu lord naman e. Sabi ko tulungan niyo lang ako hindi kunin. Hahaha ok tama na pagiging OA, alam kong ospital 'to. Teka bakit ako nasa ospital? Anong ginagawa ko dito? Ano nangyari?

"Gising ka na pala" pagtingin ko sa nagsalita. Huh bakit unggoy may dito?

"Hala unggoy bakit ka nandito, hindi dito bahay mo, sa zoo bahay mo o kaya tignana mo sa gubat baka nandun mga pamilya mo" sabi ko

"Hoy anong pinagsasabi mo diyan, ang gwapo ko naman para maging unggoy" sabi nung unggoy

"Hala yung unggoy nagsasalita"

"Hoy panget tigilan mo nga ako" Kala ko naman totoong unggoy si unggoy na manyak lang pala

"Ano bang nangyari sakin? Bakit ako nasa ospital? Bakit ka nan dito?" Sunod sunod kong tano

"Nasa ospital ka dahil muntik ka nang marape"

"Marape lang pa-----Haaaaa!!!! Muntik na akong marape!!!!. Eh sinong nagligtas sakin para naman mapasalamatan ko siya" Pagputol ko sa kanyang sinasabi

"Nasa harapan mo na ang nagligtas sayo, ako" sabi niya

"Hahah is that a joke haha" patawa tawa kong sabi

"Believe it or not ako ang nagligtas sayo kaya magpasalamat ka na lang" mayabang niyang sabi

"HELL NO!!!!" Sigaw ko

"Edi wag kang maniwala. Tsk bahala ka na nga diyan" sabi niya at lumabas ng kwarto

--

Narinig ko na bumukas ang pinto at nakita ko si ate Berta na nagmamadaling makapunta sakin.

"Ma'am Cyrene anong nangyari sa inyo? May masakit ba sayo? Sinong may gawa sayo nito?

"Ate Berta isa isa lang. Una, ok lang ako. Pangalawa, hindi ko alam kung sino ang mga nagtangkang manakit sa akin" pagpapaliwag ko

"Mabuti naman at walang nangyaring masama sayo" sabi ni ate berna na parang nabunutan ng tinik.

"Wait lang ate berta, paano mo nalaman na nandito ako" tanong ko

"Eh ganito kasi ang nangyari"

Flashback

Kasalukuyan akong naglilinis ng bahay nang bigla magring ang telepono sa sala. Kinuha ko ito at sinagot.

"Hello, Sino po ito?" Tanong ko

"Ikaw po ba si ate berta?" Tanong ng nasa kabilang linya

"Ah oo ako nga, sino ka?" Tanong ko

"Kaibigan po ako ni Cyrene Lee, pwede po bang pumunta ka dito sa xxxxx hospital, room 365. Nandun siya" magtatanong pa sana ako ng bigla nya akong babaan.

Ano kayang nangyari dun sa batang yun? Agad akong nagpalit ng damit at pumunta sa ospital. Nagdala na rin ako ng damit at mga prutas.

Di nagtagal nakarating na ako sa ospital na sinabi ng lalaki. Agad kong pinuntahan ang room 365 at may nakita akong lalaking naka sandal sa may labas ng kwarto.

"Ah ikaw ba yung tumawag kanina?" tanong ko

"Opo" magalang niyang tugon

"Naku!! Salamat talaga at sinabi mo sakin ang kalagayan ng alaga ko. Hindi kasi siya nagsasabi kung may sakit sya" sabi ko

"Ok lang po. Ah sige po mauna na po ako, may pupuntahan pa kasi ako eh" napakagalang na bata at ang gwapo, ano kayang relasyon niya sa alaga ko?

End of flashback

Bakit kailangan niya pang tumawag nang magbabantay sa akin?

"Teka, kaano-ano mo ba yung lalaking yun, kasi sa tingin ko hindi lang kayo magkaibigan e. Siguro boyfriend mo sya no? Naku ang alaga ko dalaga na!!" Kinikilig na sabi ni ate berta

"NO WAYY!!! Ate berta hindi ko yun boyfriend at hindi ko rin kaibigan. Kahit gumuho pa ang mundo, hinding hindi ko yun magiging kaibigan at mas lalong hindi ko yun magiging boyfriend. No way, over my dead body. Yung unggoy na yun!!" Sabi ko

"Sabi mo e,pero dadating ang panahon na kakainin mo yang mga sinasabi mo. Hayyy bagay talaga kayo" talagang kinikilig talaga sya

Kailan pa naging edible ang mga salita? Nakakain pala yun? Tsaka anong bagay ang pinagsasabi nya? Baka bagay na magka-away. Ewan ko ba dito kay ate Berta, Nababaliw na ata.

---

Hey guys!!!

This is author Miki
So this is a short update
Kaya sorry, I promise to make the other chapters longer

Napagdesisyonan namin na ako na lang ang magsusulat ng story na 'to, tapos yung ibang author, Si author Sarah at si author Nics ang gagawa ng ibang story.

Please wag kayong mainip na maghintay sa mga susunod na chapters and sorry sa mga typos. Bye!!

XOXO!!!

I'm his FAKE GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon