Tama na muna ang moments nila Cyrene at Shawn dahil ngayon ay bibigyan ko ng POV si Max at ang kanyang ultimate crush na si Anthony.
-Author Miki
-----------------------
Cyrene's POV
Hay!! Ang boring naman!
Kasi naman tong history teacher namin eh!
Turo pa ng turo wala namang nakikinig sa kanya!
Psh! Yang History na yan! Bwisit yan eh!
Paulit-ulit na lang binabalikan wala namang nagbabago!!
Tsk. Past is Past!
Move on din pag may time!
*Kringggg!!!*
Hay! Thanks God tapos na rin ang napakaboring na subject!
"Hoy Max!! Gising na!!"
Tinapik tapik ko pa ang pisngi nya pero ayaw pa din eh!
Pano ba magigising 'tong babaeng to
Isip...isip...isip...
Ahh alam ko na!
Mwehehehehe sigurado akong magigising sya sa gagawin ko
"Max si Anthony nandyan"
Agad syang dumilat ng maring ang pangalan ni Anthony. Tsk! Basta talaga si Anthony eh
"Asan sya?!"
"Nasa labas. May sasabihin daw"
"Oh em gheeee!! Siguro magtatapat na sya sakin!! Ayieeee!! Kinikilig ako bes!! Wait lang. May dumi ba sa mukha ko?"
"Ay oo bes. May panis na laway na tapos may muta ka pa. Tapos yung buhok mo ang gulo. In short ang panget mo ngayon"
"Naku po!! Baka hindi na magtapat si Anthony pag nakita nya ang itsura ko!" Sabi niya habang nagaayos
"Oh ayan! Ok na ba bes?"
"Ok na" sabi ko at nagthumbs up pa
"Ge bes dito ka muna ah! Tignan ko lang sya sa labas"
Hahahaha ano kaya yung reaction nya pag nalaman niyang wala talaga si Anthony doon sa labas
Maya- maya may narinig akong sigaw na nagpatawa sakin na parang wala ng bukas
"CYRENE!!!"
Hahahaha
--------------------
Max's POV
Hi readers!! Yes! Nakapag POV din ako!!
Eto kasing si author eh..
Puro sila kuya binibigyan ng POV
(Bakit ka nagrereklamo? Ikaw ba bida dito? Baka gusto mong tangganlin kita dito)- author
Hehehehe author joke lang naman eh
Wag mo akong tatanggalin dito.(Oo na!!)
Yes! Thank you author!
(Oo na! Oo na! Dami mong achuchu. Dyan ka na nga)
BINABASA MO ANG
I'm his FAKE GIRLFRIEND
Novela JuvenilSi Cyrene Scarlete Lee, isang maganda, mabait, mayaman parang lahat nasa kanya na. Kumbaga pagnarinig mo yung 'almost perfect' sya agad yung maiisip mo. And meet Shawn Park, isang lalaking hindi niya aakalaing magbabago ng takbo ng buhay niya. But w...