Cyrene's POV
"WHATTT!!!!! SINABI NYA YON?!" Kahit kailan talaga ang ingay ng babaeng 'to, yan tuloy nakatingin samin lahat ng tao dito sa mall
"Shhh wag kang maingay baka may makarinig satin" sabi ko
"Oo na hindi na ako mag-iingay. Pero seryoso sinabi nya talaga yon?"
"Oo nga, UNLI ka ba?"
"O.M.G bakit ka pumayag?"
"Syempre wala na akong choice, babagsak ako pag hindi ako pumayag. Ayoko na namang maging real girlfriend nya"
"Pero ang alam ko hindi gagawa ang kapatid ko ng isang bagay nang walang dahilan. Sigurado akong may iba pang dahilan bukod sa rule na yon. At isa pa never nyang sinunod yung rule na yon simula nung.......maghiwalay sila" Ano daw? Hindi ko kasi narinig yung huling word na sinabi niya.
"Ano yon?"
"Ah wala, wag mo na lang isipin iyon" sabi nya na parang may bumabagabag sakanya
"Ewan ko sayo. Tara na nga kain na tayo" sabi ko at hinila sya sa may foodcourt. Nang makabili kami ng pagkain naghanap na kami ng mauupuan.
Habang kumakain kami may biglang umupo sa vacant seat sa tabi ko. Sino?? Edi yung bwisit na unggoy lang naman!!
"Ok, ah Cyrene iwan ko muna kayo, may importante lang akong gagawin" sabi niya at umalis na pero bago siya tuluyang umalis kinindatan niya muna ako at nginitian ako ng malokong ngiti. Aba't bwisit 'tong babaeng 'to ah! iwanan ba naman ako sa abnormal niyang kakambal. Humanda ka talaga sakin bukas!!
"Oh bakit ka nandito? Sinusundan mo ba ako? Stalker kita noh" sabi ko pagka-alis ni Max
"Ha! In your dreams, bakit naman kita susundan. Masyado akong gwapo para maging stalker ng panget na katulad mo" Kita mo! Kapal ng mukha diba.
"Bakit dito ka naupo?"
"Wala ng bakante"
"Anong wala, ang dami ngang bakante!!" Inikot naman niya ang tingin sa paligid. Ano ka ngayon, pahiya!!! Hahaha
"Bakit ba? Gusto ko dito maupo eh. Masama bang umupo sa tabi ng girlfriend ko?"
"Correction FAKE girlfriend"
"Tsk whatever!" Sabi niya na may irap mata effect pa. Ang taray!!! Siguro bakla talaga 'tong unggoy na 'to.
___________________________________________________
Kakatapos ko lang namin kumain. Oo namin kasi hanggang ngayon kasama ko parin 'tong unggoy na 'to. Btw, aalis na sana ako ng bigla niya akong hilahin papuntang sa di ko malaman kung saan. Paghinto namin dun ko lang narealize na sa timezone nya pala ako dinala.
"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko
"Ano bang ginagawa sa timezone?"
"Naglalaro"
"Exactly! Maglalaro tayo"
"Bakit ako kasama?"
"Pwede ba! Wag maraming tanong"
"Tsk"
Naman eh!! Nakakatamad kaya!!
Bakit kasama pa ko, pwede namang siya lang mag-isa. Hindi naman siya bata para samahan pa maglaro.Naglaro kami ng naglaro hanggang sa mapagod kami. Masaya din palang kasama 'tong lalaking 'to. May bait din palang tinatago.
"Hoy unggoy! Thank you pala!"
"Anong thank you. May kapalit yan, ilibre mo ko ng makakain gutom na 'ko" Ok binabawi ko na hindi na siya mabait -__-
"Bakit ako? Mayaman ka diba?"
"Gusto ko eh" Ewan ko ba sa lalaking, napakakapal talaga ng mukha. Lakas ng loob magpalibre mayaman naman siya.
Pumunta na kami sa foodcourt at binili ko sya ng pagkain. Busog pa 'ko kaya nagice cream na lang ako.
Habang kinakain ko yung ice cream napansin kong nakatitig sya sakin. Pagtingin ko sakanya hindi pala sya sakin nakatingin kundi sa ice cream ko. Ay assuming lang. Tinignan ko yung kinakain niya. Ubos na pala, grabe may halimaw ba 'to sya tyan. Binalik ko ang tingin ko sa kanya at nakitang nakatingin parin sya sa ice cream ko.
"Oh sayo na" agad naman nya itong kinuha. Pftt! Hahaha!! Para syang batang takam na takam na kumain ng ice cream.
"Wag ka ngang tumawa!!" Sabi nya. Napansin kong namula sya dahil sa pagtawa kong 'yon. Haha ang cute!
Wait! Did I just say 'cute'?
No, hindi ko sinabi yon
Never kong sasabihin yon kahit mamatay pa ako
Hindi ko namang sinabin cute siya diba?...
---------
Kakauwi ko lang sa bahay galing sa mall. Hinapon na kami dun kasi nanood pa kami ng movie.
May natutunan akong lesson habang kasama ko si Unggoy kanina. Ano yon? Well natutunan ko lang naman na dapat palaging magdadala ng maraming pera pag kasama mo sya. Biruin mo, laging nagpapalibre. Bili ko daw sya nun tsaka ayun pa daw 'tas ayun pa. Ay grabe naubos pera ko kakabili ko ng pagkain sa kanya. Ano bang klaseng halimaw meron sa tyan yung lalaking yun. Tinanong ko naman kung bakit hindi nya gamitin pera niya pero naiwan nya daw sa kotse nya, tinatamad naman syang kunin kaya in the end ubos ang pera ko! Kaya kung yayayain kayong lumabas nitong si unggoy, maghanda kayo ng maraming pera!!*nok nok*(sorry sa poor sound effect ni author)
"Pasok" pagkabukas ng pinto nakita ko si ate berta
"Ma'am Cyrene, kakain na"
"Ah sige bababa na 'ko"
Pagkababa ko naabutan ko si mama na kumakain. Umupo ako sa pwesto ko, medyo malayo sa kanya. Pero nung umupo ako biglang tumayo si mama. Ayaw nya akong makasabay sa pagkain. Hanggang ngayon ba naman ako parin sinisisi nya.
"Mga ate, upo kayo. Samahan nyo ako sa pagkain" Nagtinginan pa sila bago umupo. Pati si Ate berta umupo na rin sa tabi ko. Hindi na rin bago sa kanya 'to kasi palagi ko syang kasama kumain pag wala si mama.
Pagkatapos ko kumain umakyat agad ako sa aking kwarto. Kailan ba ako mapapatawad ng sarili kong ina. Paano nya natitiis na hindi ako pansinin ng ganon katagal. Haysss 'Ma kailan mo ba mapapatawad, hindi naman ako ang pumatay ka papa. Oo, I was with him when that accident happen pero hindi ako pumatay sa kanya. Hinding hindi ko magagawa kay daddy yun. Dahil mahal na mahal ko siya.
----------------
Sa wakas nakapag-update din!!!
Sorry sa mga naghintay ng matagal para sa update na ito may exam kasi kami kaya hindi ako makapag-update.Bye!
Kamsahamnida!XOXO!!
BINABASA MO ANG
I'm his FAKE GIRLFRIEND
Teen FictionSi Cyrene Scarlete Lee, isang maganda, mabait, mayaman parang lahat nasa kanya na. Kumbaga pagnarinig mo yung 'almost perfect' sya agad yung maiisip mo. And meet Shawn Park, isang lalaking hindi niya aakalaing magbabago ng takbo ng buhay niya. But w...