Cyrene's POV
"Hoy Unggoy! Patayin mo nga yang T.V wag kang feel at home. Tulungan mo kong maghanap ng pwede nating iperform"
Nanonood kasi sya ng spongebob. Mas cute kaya si Stitch. Napaka-childish diba. Pero kailangan naming maghanap ng kanta ipeperform namin para magkagrade kami sa MAPEH.
"Hoy Park! Sige na kasi! Tumayo ka na dyan!" pagmamaktol ko. Lumapit ako sa kanya at nagpout. Kahit nakakadiri mang gawin 'to kailangan para sa aming project.
Napatingin sya sakin at nakita ko ang pag up and down ng adams apple nya. Wahahaha! sabi ko na nga ba at may gusto sakin 'Tong unggoy na 'to.
"Oo na!! Wag kang magpout, mukha kang bibe!" sabi nya at pinatay na ang T.V saka lumapit sa laptop ko.
"Hoy FYI! cute kaya ako!
"Owws talaga! Sino nagsabi?"
"Ako lang! Bakit may angal ka?" sabi ko at umupo sa tabi nya
"Oo na. Cute ka na" naramdaman ko ang paginit ng pisngi ko. Ano daw? Parang nabingi ako bigla. Anong sinabi nya? Ako? Cute?
"Kinilig ka naman. Joke lang syempre. Ang panget mo kaya!" sabi nya with matching mapangasar look pa! Bwisit kang unggoy ka! Yabang mo!
"Papalampasin ko yung pangaasar mo sakin ngayon pero hintayin mo lang talaga na matapos 'tong project natin" sabi ko at nagpindot na sa laptop ko. "Ano nga palang ipeperform natin. Sing or Dance? Pili ka"
"Hmmm, kanta na lang tayo. Marunong akong maggitara. May gitara ka ba?"
"Oo, wait kukunin ko lang. Pili ka muna ng pwede nating kantahin." sabi ko at umakyat na sa kwarto ko. Kinuha ko gitara ko sa ilalim ng bed ko. Ang tagal ko ding hindi nagamit 'to ah. Gift sakin ni Papa 'to nung 10th birthday ko. Siya yung nagturo saking maggitara. Pero hindi ko na 'to ginamit simula nung namatay siya. Bumabalik lang kasi yung mga ala-alang pinagsamahan namin. Pero heto ako ngayon, hawak-hawak ulit ang gitarang naglalaman ng maraming memories. Feeling ko nagflashback lahat simula ng bata ako hanggang sa mamatay si papa.
FLASHBACK
"Happy Birthday sa napakaganda kong anak!"
"Thank you Papa! Asan gift ko? Si Mama may gift na sakin. Eto oh" sabi ng batang Cyrene at pinakita ang kwintas na regalo sa kanya ng mama niya. "Eh yung gift mo papa asan na?"
"Syempre hindi mawawalan ng gift sayo ang gwapong mong papa sayo" sabi ng papa niya at umakyat para kunin ang regalo niya. Pagbaba ng papa niya, nakita niya ang isang malaking box.
"Wow! Ang laki naman niyan papa!" sabi ng batang Cyrene.
"Buksan mo na"
Agad na nangintab ang kanyang mata ng makita niya ang gift sa kanya ng papa niya. Isang gitara. Eto yung gitarang lagi nyang pinapakita sa papa niya sa tuwing napapadaan sila sa bilihan nito. Agad siyang lumapit sa papa niya at niyakap ito.
"Thank you papa!" hindi mapigilan ng batang Cyrene ang mapaluha dahil sa sobrang saya.
"Oh bakit umiiyak ang anak ko?"
"Masaya lang po ako Papa."
Makalipas ang ilang araw, sinimulan nang turuan ng Papa niya si Cyrene kung paano mag gitara.
"Ehhh ayoko na Papa! Ang sakit na ng daliri ko. Tignan mo" sabi niya at pinakita sa Papa niya kanyang namumulang mga daliri. Napatawa na lang ang kanyang Papa dahil sa kacutan ng kanyang anak.
BINABASA MO ANG
I'm his FAKE GIRLFRIEND
Roman pour AdolescentsSi Cyrene Scarlete Lee, isang maganda, mabait, mayaman parang lahat nasa kanya na. Kumbaga pagnarinig mo yung 'almost perfect' sya agad yung maiisip mo. And meet Shawn Park, isang lalaking hindi niya aakalaing magbabago ng takbo ng buhay niya. But w...