Chapter Nine

70.1K 2.7K 465
                                    

"Shit," I cursed outloud.

"What's wrong?" Oli asked. I can feel him throw a quick glance at me from the driver's seat.

"Nakalimutan ko yung susi ko!" singhap ko.

Damn! Where is it? Nandoon ang house keys, pati ang car key ko. I have duplicates but it's not safe for those keys to be missing. Kakailanganin ko pang papalitan lahat ng door knobs sa bahay. Including the locks on my car door.

"I can't remember where I placed it." I blew out a breath and my body laxed in resignation.

Wala akong dalang bag at sa leg strap lang 'yon nakaipit kagabi kasama ang phone at iilang bills. Kaya nasaan?

"Maybe you dropped it somewhere last night."

I chewed on my lower lip and tried to retrace the events last night. Hindi ko maalala ang kahit anong tungkol sa susi. Hindi ko iyon napansin, dahil kung napansin ko iyon, hind ako mamo-mroblema ngayon.

"I can't remember," napabuntong hininga ako. Wala na akong magagawa.

Nang makarating kami sa bahay ay inakyat ni Oli ang gate ko para lang makapasok sa loob. It's a good thing that I didn't have a tall gate. Another fortunate thing is that I hid a duplicate front door key on the front porch lamp.

Pinakain ko muna si Oli at Shadow bago naghanda para sa pagpunta sa gym. I brought my uniform and my make-up kit with me, para hindi ko na kailangan bumalik ng bahay.

Nauna na sa akin si Oli sa campus dahil may klase na siya. Mamaya pa ang unang klase ko kaya may panahon ako para mag gym.

Oli frowns whenever I tell him my schedule. Nag-g-gym din naman siya pero hindi tulad ko na may klase pa pagkatapos mag work out. Para raw kasing nakakapagod at nakakatamad yung ganon. It is tiring, pero siguro ay nasanay na rin ang katawan ko. And besides, it's not like my routines are hard.

Just like always, I dropped Shadow at the day care. Sa gym agad ang deretso ko matapos.

I started with some stretching and warm ups before starting to work on a machine. I put on my earbuds and it was like being teleported in a different world. Everything around me was a blur. The next hour was a blur.

Nang tumunog ang alarm sa phone ay pinindot ko ang button sa threadmill. Unti-unti itong bumagal hanggang sa tuluyang huminto.

Hinihingal akong bumaba ng treadmill. Tumatagtak ang pawis sa gilid ng noo ko. My entire body was warm from the work out. Pinulot ko ang water bottle sa gilid, pati ang face towel. Inubos ko ang tubig para mapawinang uhaw. Pinunasan ko naman ang pawis sa mukha at leeg ko.

Naglakad na ako papunta sa smoothie bar ng gym. I'll be drinking a protein shake while resting, pagkatapos ay tsaka ako magsho-shower.

I allowed myself to be vain and snapped a photo of me and the smoothie near my cheek. Kita sa shot ang upper attire ko, isang half racerback. My midriff can be seen in the photo. I posted it on my social media accounts and then went back to finishing my smoothie.

May boses ng mga kalalakihan akong narinig na palabas ng gym. Atomatiko naman akong napatingin doon. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang makita si Darin sa mga lalaking palabas.

Napahinto rin siya nang makita ako. Bumagsak ang malaking ngiti sa mga labi niya. Nakita ko ang unti-unting pagkawala ng kulay sa mukha niya. Halos mamuti na siya sa pagkaputla.

Embrace the Suck (Bad, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon