Nang matanaw ko na ang bahay ay itinuro ko iyon kay Saint. Tumikhim lang siya bilang sagot bago itinabi ang sasakyan sa tapat ng gate. Biglang tumayo si Shadow sa kandungan ko at sinilip ang bahay mula sa bintana. Kumahol ito nang nakita na nakauwi na kami.
Napangiti ako dahil doon. Tinanggal ko ang seatbelt ko bago nilingon si Saint. Naabutan ko siyang seryosong nakatingin sa akin.
"Thank you," sambit ko. Tango lang ang naging sagot niya roon.
Inabot ko ang pinto ng sasakyan pero hindi ko itinuloy ang pagbukas at lumingon ulit sa driver's seat. "Saint?"
"What?" Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin.
"Gusto mo ba kumain ng dinner? Just to thank you for the ride," nakangiting sabi ko sa kanya. Nang 'di siya makasagot agad ay dinagdagan ko pa ang sinasabi. "I'm a really good cook. Masarap ako magluto!"
Walang naging reaksyon si Saint kahit nilakihan ko na ang ngiti sa mukha ko. Unti-unting nawala ang saya sa mukha ko dahil doon. Pati ang excitement namumuo sa dibdib ko kanina ay naglaho.
"I already have other plans," he simply answered.
Bumagsak tuluyan ang ngiti ko sa sinabi niya. I heard my excitement deflate completely inside me. Bigla ako nakaramdam ng matinding lungkot sa pag tanggi niya.
"Oh..." iyon lang ang lumabas sa bibig ko. I pushed away the disappointment that fell on my chest. Agad ko na inayos ang sarili at ngumisi sa kanya. "Okay lang. Thank you again."
Hindi ko na hinintay pa ang magiging reakson niya o kung may sasabihin pa siya. Binuksan ko na ang pinto ng sasakyan at lumabas kaagad kasama si Shadow. Hindi ko na siya nilingon pang muli. Hindi pa ako nakakalapit ng gate ay umalis na agad ang sasakyan. That's the only time when I allowed myself to look.
Tinitigan ko ang palayong itim na Range Rover. Ngumuso ako at umirap. "Whatever."
Kagaya nang nakasanayan ay si Shadow ang kasabay kong magdinner. I sketched while drinking warm milk hanggang sa inantok na ako at tuluyang nakatulog.
The next morning, I did my morning routine before going for a morning run. Nang matapos sa pagjog ay naligo na ako at naghanda para sa pagpasok sa school. Taxi lang ang sinakyan ko papasok dahil nga nasiraan ako kagabi. I wonder how I'll be able to retrieve my car?
Wrong move ba na ipinagkatiwala ko na lang basta-basta ang susi kay Saint? Damn. Hindi ko man lang naisip iyon kagabi! It's a good thing that he'd be easy to hunt down, dahil apparently, sikat siya sa campus. And plus, he drives a freaking Ranger Rover. Anong panlaban non sa sasakyan ko?
Mabagal ang oras sa unang klase ko para ngayong araw. After this, I have a nearly two hours break. Pinag-iisipan ko kung saan ako pwedeng tumambay. May klase sila Nina at Oli kaya wala akong makakasama. Wala akong kotse. Saan kaya ako pupulutin?
"Okay... Class dismissed," sabi ng professor sa harapan. Iyon lang ang narinig ko sa kanya buong lecture.
Tamad na iniligpit ko ang gamit. Maingay ang lahat, nag-uusap tungkol sa mga bagay na hindi ko masyadong inintindi. Ang ilan naman ay nagmamadaling umalis para siguro ay pumunta sa susunod nilang klase.
Lumilipad pa rin ang utak ko habang papalabas sa room nang may biglang humawak sa braso ko. Napatalon ang buong katawan ko sa gulat at tiningnan kung sino ang humawak sa akin. It was some handsome guy I don't know.
BINABASA MO ANG
Embrace the Suck (Bad, #1)
RomanceTHIS STORY WILL BE FREE ON AUG 17, 2022. Kenna has long accepted that no matter what she does, each and every relationship of hers won't last. Meeting Saint Del Valle is bound to be a repeat experience. Or not. Is he the plot twist she's long been w...