Chapter 1

7.1K 220 18
                                    

SELENA MAGDALENA
C H A P T E R - 1
Selena.







"Lolo! Ang lalaki nang mga nahuli natin!" Nakangiting sabi ni Selena sa kanyang lolo na tinutulungan niyang hilahin ang panghuli nang isda.


"Oo nga apo, siguradong matutuwa ang lola mo nito." Tugon nang matanda sa apo.





Nang mapuno ang banyerang dala dala nila, kaagad na iniliko ni Tatang Carlo ang bangka gamit ang sagwan. Alas sais na ng umaga at dapat ay nasa palengke na sa kabilang isla ang isdang nahuli nila. Kailangan itong maibenta kaagad ni Aling Salina na asawa nito, para malaki ang maging benta nila sa araw.



Pagdating sa pang-pang ng Isla La DeCarmen ay ibinaba niya si Selena. Nakasimangot ang dalaga habang pababa ng bangka.

"Lolo! Isama mo na ako doon. Sige na..." Pangungulit ni Selena.



Napabuntong hininga ang matanda. "Huwag na apo, sandali lang ako. Babalik rin ako kaagad at ihahatid ko lang ito sa lola mo."




"Pero—Pero gusto kong makita ang kabilang isla! Sige na lolo, pangako ko, hindi ako magiging makulit doon. Hindi ako makikipagusap sa hindi ko kilala, tapos tutulungan ko lang si—lolo!" Napapadyak na lang si Selena nang mapansin niya ang bangkang kinasasakyan ng kanyang lolo ay malayo na pala sa kinatatayuan niya.


Gusto niya kasi ang magpunta sa kabilang isla. Kaso, ayaw naman siyang payagan ng lolo't lola niya. Ani nito, marami roong masasamang tao na nagbabalat kayo. Natatakot siya, pero kaya niya namang protektahan ang sarili niya! Gusto niya lang na makahanap ng kaibigan! Yun bang pwede niyang makasama, yun daw ang kaibigan sabi ng lola niya.






Isang beses pa lang siyang nakakapunta doon at bata pa siya! Gusto niya nang makaapak sa likod ng islang ito. Nabuburyo na siya. Gusto niyang malaman at makita kung ano ba ang naging pagbabago doon!






Pero wala naman siyang magagawa. Kailangan niyang sundin ang lolo at lola niya, masama raw ang hindi sumusunod. Nakasimangot siyang naglakad sa mabuhanging lupain ng isla nang nakapaa. Pero bigla siyang napatigil sa paglalakad ng makakita na naman siya ng isang bagay sa itaas ng langit. Lagi siyang nagtataka kung ano ba ang bagay na iyon, ang sabi naman ng lolo niya, elikopter daw ang tawag doon. Sinasakyan ng mga tao sa himpapawid. Gusto niya ngang masubukan ang makasakay doon, pero saka na. Kapag may nakita ulit siya, kakaway siya ulit para babain siya at makasakay. O hindi ba? Mukhang masaya iyong gawin! Mahahawakan niya na ang ulap!






Muli siyag naglakad. Hinahangin ng simoy ng hanging dagat ang kanyang buhok dahilan para lumipad iyon, maging ang bistida niyang sleeveless ay hinahangin din ang laylayan. Kung pagmamasdan sa malayo, akala mo'y naglalakad siyang dyosa. Kayumanggi ang kulay ng kanyang balat, matangkad at balingkinitan ang katawan. Para bang isa itong modelong nawawala sa dalampasigan.




Pero hindi iyon alam ni Selena. Walang siyang alam kundi ang mga sinasabi lang ng kanyang lola at lolo. Purong kainosentehan ang kanyang taglay, at parang may pagkabata kung kumilos. Pero sa pagpapalaki ng kanyang lola, nalalaman niya naman ang mga bagay bagay tungkol sa isang babae. At sa lolo niya naman, kung ano ba ang dapat na iwasan at hindi dapat gawin.




Pinalaki siya ng kanyang lolo at lola dahil sa hindi niya na nakagisnan pa ang mga magulang at tangig iniwan lang ay ang islang ito. Isla kung saan siya lumaki. Isla kung saan umiikot ang mundo niya.




Sa paraisong ito na napapalibutan ng tubig, hanggang doon lang ang kapasidad ng kanyang alam sa mundo. Kulang pa. Sa sobrang kainosentehan niya'y natatakot ang lola at lolo niyang baka kapag siyang nakasalamuha sa iba, pagsamantalahan nito ang kabaitan at kainosentehan ng kanilang apo. Kaya kung protektahan nila ito'y sobra-sobra.





Pero alam nilang malalaman din ni Selena ang totoong mundo.





Kung saan nandoon ang realidad at aabot sa milya-milya ang layo sa Islang ito.


***

ImperfectPiece

Selena MagdalenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon