Chapter 5

4K 157 12
                                    


SELENA MAGDALENA
C H A P T E R - 5
With you.









"Selena! Anak!"





Naghihikaos sa hingal ang matandang si Aling Salina ng dumating. Kaagad niyang ginagad ang bahay para hanapin ang apo at nakita niya naman itong gumagawa ng baga sa kusina para may lutuin.




"Lola! Bakit ang aga niyong napauwi ngayon? Mabilis bang—" Natigil si Selena ng makita ang pagaalala sa mga mata ng kanyang lola. "Anong nangyari?"





Umiling ang matanda, kasunod nito'y pumasok na din sa kusina si Tatang Carlo at katulad ng kanyang lola ay bakas din ang pagaalala nito sa mukha.





"Ayusin mo ang mga gamit mo, Selena. Ihahanda ko lang ang bangka." Iyon lang ang hinabilin sa kanya ng matandang lalaki at dali-dali din itong kagad na lumabas ng barong barong.




Nagtataka niya naman niyang ibinalik ang mga mata sa kanyang Lola Salina. Hindi niya maintindihan kung bakit sila nagkakaganito. "Anong problema, Lola? Bakit kailangan kong ayusin ang mga gamit ko? Saan tayo pupunta?"





Sa halip na sumagot ay tinugon lamang siya nito ng mahigpit na yakap. Niyakap siya nito ng napakahigpit habang hinihimas-himas nito ang mahaba niyang buhok. Nang bitawan siya nito'y nangilid ang luha ng matanda.




"Bilisan mo, Selena. Wala nang oras para magtagal pa at may naghihintay sa atin.." Naguguluhan man ay tumalima kaagad si Selena sa utos.






Kinuha niya ang malaking bag na nasa ilalim ng kanyang higaan at kagaad na binuksan ang kanyang lagayan ng mga damit. Ipinasok niya ang lahat ng kanyang desenteng damit at ilang mahahalagang bagay sa tingin niya'y pwede niyang magamit. Kinuha niya rin ang kaisa-isang litrato ng kanyang mga magulang na tanging naiwan sa kanya at inipit iyon sa damit upang hindi malukot. Bakit niya ba ginagawa ito? Saan ba sila pupunta? Bakit siya lang ang kailangang magdala ng gamit? Sino ang naghihintay sa kanila? Punong-puno ng katanungan ang kanyang utak.






Kaagad siyang lumabas dala-dala ang bag na naglalaman ng kanyang mga damit at pagkatapos ay lumabas na siya ng bahay, sinalubong naman siya ng kanyang lola at sabay nitong tinungo ang kinaroroonan ng bangkang inhanda ng kanyang lolo.






Naunang sumakay ang kanyang lola sunod siya at pagkatapos naman ang kanyang lolo ang sumunod. Lalabas sila ng isla?





Habang palayo ng palayo ang bangka sa dalampasigan ay siya din ang kaba at di maipaliwanag na kasabikan ang nadarama ni Selena. Sa wakas ay makakalabas na rin siya sa isla! Pero sa mga kilos na ipinapakita ng kanyang lolo at lola, alam niyang may hindi magandang nangyayari. Nang harapin niya ang kanyang lola ay nagtatanong na tingin ang pinukol niya rito.





"Padilim na ang langit. Saan tayo pupunta?" Tanong ni Selena.





Hinawakan ni Aling Salina ang mga kamay ng apo. Pagkatapos ay malungkot niya itong tinitigan. "Pupunta tayo ng bayan, Apo."






Gusto niya pa sanang magtanong ngunit parang ayaw sabihin sa kanya ng matanda kung ano ba ang nangyayari kaya't hindi na siya nangusisa pa at tumango na lamang.






Pagkatapos ng kalahating oras ay nakarating din sila sa bayan. Isa-isa silang bumaba ng bangka at nagulat siya ng makitang may sasakyang himpapawid doon na nakalapag sa malawak na sahig ng pier. Kaagad silang inalalayan ng mga taong nakasuot ng puro itim at malalaking tao kamukha ng mga kasama ni Konstantin ng una itong magpunta sa isla. Mukha mga hinihintay sila ng mga ito.







Ito na ba ang bayan? Malamig na ang gabi at madilim na sa kinaroroonan nila, tanging ang mga lalaki lang na nandon at sila ng kanyang lolo at lola ang tao. Muli ay nagtatakang tinignan ni Selena ang paligid dahil hindi niya alam kung ano ba ang nangyayari sa oras na ito.







Nang makalapit sila sa elekopter ay may kumatok sa pinto nito na isa sa mga lalaking nakaitim. Bumukas ang pinto nito at iniluwa niyo'n si Konstantin. Nangunot ang noo ni Selena. Bakit siya nandito?






Masaya siyang makita ito, pero naiinis pa din siya dahil sa iniwan na lamang siya nitong bigla nang huli silang magkita ilang araw na ang nakalipas. Bumalik nga ito, pero parang tanga naman na umalis rin kaagad na wala sa sarili at balak pa siyang halikan! Aba naman. Hindi mo pwedeng halikan ang isang tao ng basta-basta na lang! Masama iyon sabi ng lola at lola niya.






Kipkip ang bag niyang may laman na gamit ay nakatayo lamang nakikinig sa paguusap ng kanyang lola't lolo at ni Konstantin.






"Ikaw na ang bahala sa kanya, Mr. madrid. Sana ay protektahan mo siya ng mabuti." Gagad ng kanyang lola kay Konstantin na para bang nagmamakaawa.


Hindi na napigilan pa ni Selena ang bibig at nakisali na ng marinig niya ang sinabi ng kanyang Lola Salina. Nilapitan niya ang lola niya. "Anong bahala na siya lola? Ako ba ang tinutukoy niyo?" Bigla ay nakaramdam siya ng pagkataranta.




Iiwan siya ng mga ito kay Konstantin?






Niyakap siya ng kanyang lolo. "Huwag kang magalala apo, nasa mabuti kang kalagayan. Ipangako mong magiging masunurin ka."





Naginit ang sulok ng kanyang mga mata. "Hindi niyo ako pwedeng iwan, ayoko..."


Kinuha naman ng kanyang lola ang kanyang atensyon. "Makinig ka sa akin, Selena." Saad ng matanda. "Kailangan mong sumama kay Mr. madrid. Sa ngayon, sa kanya ka muna titira. Wag kang magalala, dadalawin ka namin doon."






Tuluyan ng napaiyak si Selena sa narinig. Tama nga siya, iiwan nga siya nito kay Konstantin. "P—Pero bakit? B—Bakit hindi na lang kayo sumama?"






Umiling ang dalawang matanda. "Hindi pwede, Apo. Magiingat ka palagi at lagi kang magdarasal. Mahal na mahal ka namin ng lola mo, tandaan mo iyan."







Iyon na lamang ang huling sinabi ng kanyang lolo. Kinuha na sa kanya ang kanyang gamit at ipinasok na iyon sa loob ng sasakyang inibisan ni Kon. Hinila naman siya ni Konstantin kung kaya't nayakap niya ito dahil sa lungkot na nadara.







Napamaang naman si Konstantin. Hindi niya alam kung paano ito patatahanin, pero sa gayon ay sinuklian niya pa rin ang yakap nito. Hinimas niya ang likod ng babae para sakaling ito ay tumahan na.






Nagangat ng tingin si Selena sa yakap na si Konstantin habang hilam ang mukha sa luha. "Bakit hindi na lang natin sila isama, Konstantin?"







Para namang kinurot ang puso ni Konstantin sa nakita. Alam niya at naiintindihan niya ang nararamdaman nito. Hindi niya na lamang ito sinagot at niyakap na lamang habang pinapanuod niya ang dalawang matanda na muling sumakay sa bangka at magsagwan pabalik sa isla.







***

Di ako makatulog mga bessywap!

ImperfectPiece


Selena MagdalenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon