Chapter 7

2.3K 108 11
                                    




SELENA MAGDALENA
C H A P T E R - 7
Curiosity.





Para bang mahuhulog ang panga ni Selena sa pagkamangha.



Paulit-ulit niyang pinindot ang ilang numero nang kada palapag sa kabahayan sa loob ng elevator. Hindi siya makapaniwalang may ganitong bagay sa mundo! Hindi niya na kailangan pang umakyat sa napakahabang hagdan at kailangan niya na lamang palang sumakay rito. Hindi mapuknat ang ngiti sa kanyang labi ng bigla na namang umandar ang lift at ihatid siya nito sa unang palapag ng bahay. At pumindot siyang muli. Muli. Muli at muli.


"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"


Natigil si Selena sa muling pagpindot. Nagbukas ang pinto at naroon ang mayordoma ng bahay na para bang tatalunin pa sa taas ng kisame ang kilay.


Tila naman nailang ang dalaga sa pagtratong ipinakita ng matanda. Sino ba namang hindi matatakot sa napakasungit nitong itsura? Mukhang pati daga ay uurong dito.


"Ah-Uhm... Uh...-" Nagkadautal utal siya ng hindi makahimo ng sasabihin. Bigla ay naglikot ang kanyang mata upang makita si Konstantin.

Nasaan na kaya siya?

Bigla'y hindi siya mapakali. Bakit ba ito ganito makatingin sa gayo'ng wala naman siyang ginawang masama? Masama bang pindutin ang mga bilog na iyon?

Ngumiwi ng may pagkadisgusto ang matanda. Ipinapkita nitong hindi siya nito nagugustuhan. "Bumalik ka na sa iyong kwarto at inihanda ko na ang pampaligo mo. Huwag na huwag kang gagawa ng kahit na ano, naiintindihan mo ba?"


Pinagdaop ni Selena ang dalawang kamay at tumango ng paulit-ulit. "O-opo."


Patalikod na ang matanda ng biglang may maalala siya. "Pwede ko pa rin po bang gamitin ito paakyat? Pwede ko po bang pindutin ito ulit?" Inosente niyang pahabol na tanong.


Napahinto at may pagtataka siyang tinignan mula ulo hanggang paa ng mayordoma. Umiling-iling ito. "Bata ka, saan ka ba napulot ni Konstantin?"

Napamaang si Selena sa sinabi nito. Ha? Napulot? Hindi naman siya napulot ni Konstantin, hindi naman siguro kakayanin ng kamay nito na buhatin ang buong bigat niya hindi ba?

"Hindi niya-" Hindi niya na naituloy ang sasabihin dahil sa nawala na sa kanyang paningin ang matanda.

Napakibit balikat siya at muling bumalik sa loob ng elevator. Sabik niyang muling pinindot ang numerong 3 at nangingiti ng magsara ang pinto.

Siguro, mga ilang beses niya pang sinubukang pindutin ng pindutin at gamitin ang elevator ay nahanap niya din ang kwartong ibinigay sa kanya kanina lamang. Hindi siya makapaniwalang ganoon ito kalaki. Siguro ay apat na beses ang laki nito sa bahay nila sa Isla La DeCarmen.


Bigla ay naptigil siya sa paghaplos sa sarili. Habang nakaupo sa marmol na bath tub at napapalibutan ng mabangong maaligamgam at mabulang tubig, nilibot niya ang mata sa napakalaking espasyo na tingin niya ay pampalikuran. Napakaenggrande nito, hindi niya man alam kung nasaan siya ngayon, pero kahit na anong mangyari ay hindi niya ipagpaplit ang kinalakihang kubo at lalo na ang lolo at lola niya.

Kung nasaan man ang mga ito, sana ay nasa maayos silang lagay. Ligtas at may maayos na masisilungan. Kung ano man ang nangyayari at kung ano man ang tinatakbuhan ng mga ito, sa tamang panahon ay nais niya ding malaman. Sa tingin niya, alam ni Konstantin kung bakit. Sa tingin niya ay alam nito ang dahilan.



Isa kaya siya sa mga taong pwedeng pagkatiwalaan?


***



"She's in your freakin damn house?" Kalmadong tanong ni Iano.

"She is." Kibit-balikat ni Konstantin.

Napakurap at napahilot na lamang sa sintido ang kanyang kaibigan. Ano bang nangyayari at all of a sudden eh nagkakaganito ang kaibigan niya? For sure, he's not into this woman right?


"Man, you're taking all the risk."


"Damn, I am." Ngisi ni Konstantin na prenteng nakaupo habang sumisimsim ng alak.


"Why?" Nanliit ang mga mata ni Iano na para bang may iniisip. "Are you going nuts Kon? I know you aren't this stupid man, think about all the conseq-"


"You thought i didn't?" Pinagtaasan niya ito ng kilay. "You thought I don't know all the consequences, right then and there when I decided to just brought her into my humble home?" Umiling ito. "I've got it all covered my friend."



Napataas ng kamay si Iano na nagpapakitang suko na siya. "Okay, sure you did. Goodluck sa lolo mo, don't tell me I didnt remind you."



Bigla ay natahimik si Konstantin. What would his Grandfather think when the old man find out? He can still recall what he would always remind him. Stay away from them.

But why? Ano bang kinasangkutan ng pamilya ni Selena para balaan siya ng kanyang lolo? Bakit nagkaroon sila ng malaking utang sa lolo niya gayong may-ari sila ng isa sa napakalaking isla sa Pilipinas?



Hindi niya alam. Ngunit sa tuwing maiisip niya ang mukha ni Selena, nakikita niya ang misteryo. Gusto niyang malaman ang lahat nito, ang buong pagkatao nito.



Kung susundan man siya ng kapahamakan, he knew the answer. He would gladly make her safe no matter what and he don't even know why.


Yes. He don't fucking even know why!


His phone suddenly rang. "Lolo."


A low gruff voice answered. "How everything? Did you get what I asked you?"


"Yes." He lied. "I'll just send the money."


"Good. Stay away from them." With a shaky breath the call dropped.

Now, his curiosity seems to be much more deeper from there. What does his grandfather is afraid about?

"You lied." Iano said and sipped his glass of brandy.


"I had to. I dont want to be the curious cat that got killed. Don't we?"

Iling lamang ang isinagot sa kanya ng kaibigan. Well, alam niyang walang magbibigay sa kanya ng mga kasagutan.

What did he even got into?


*****

I'm back!

ImperfectPiece

Selena MagdalenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon