Chapter 4

4.1K 163 11
                                    

SELENA MAGDALENA
C H A P T E R - 4
Hipnotized.




"What?!"



Kamuntikang maibuga ni Iano ang nasa bibig na wine ng ikwento sa kanya ni Konstantin ang gusto nitong mangyari.




"Thats it." Tumayo si Konstantin sa kinauupuan. "Ako na ang bahala sa utang nila, but in exchange—"





"You want their granddaughter?" Nang tumango si Konstantin ay siya ding pagkailing ni Iano. Hindi niya alam kung ano bang pumasok sa utak ng kaibigan niya at bigla itong nagisip ng ganito. "My friend, I think you're not thinki'n straight. hindi 'yon ganon kadali."






Hindi sumagot si Konstantin at naging malayo na lang ang tingin. "I want to go back." Bigla ay namutawi na naman sa kanyang isip ang magandang mukha ng dalaga.





"Kon, you have to think this thoroughly. Hindi ka pwedeng padalos-dalos na lang. Sinong tao ang ipapalit ang sarili niyang kadugo para sa pera? Isa pa, kapag nalaman ito ng lolo mo—"







"He doesnt have to know all of this, Iano." Diterminado ang tono ng boses na putol ni Konstantin. "Isa pa, maraming tao ang kayang ibigay ang lahat para lang sa pera."





"Well, hindi ito gaya lang ng mga kasosyo ng lolo mo na kayang ibigay ang babaeng apo nila madikit lang sa pangalan niyo." Tumaas ang kilay at kabilang dulo ng labi ni Iano na para bang nagsasabing imposible ang sinasabi niya. "Isa pa," Nanunudyo ang boses ni Ianno. "Kilala mo ang lolo mo, Kon."





Umigting ang bagang ni Konstantin. Alam niya at kahit ano man ang sabihin niya, alam niya at alam ni Iano ang kayang gawin ng kanyang Lolo. Wala siyang maitatago.




Pero hindi siya basta si Konstantin lamang.





Gagawin niya ang lahat makuha lamang ang babaeng iyon. Para bang nangangati ang kamay niyang mahawakan itong muli at hindi siya mapakali. Gusto niya itong muling masilayan kung kaya't walang sabi sabi ay iniwan niya si Iano sa sariling opisina.






"Hey man! Where are you going?!" Pahabol na sigaw ni ng kanyang kaibigan na isinawalang bahala niya na lamang at malalaki ang hakbang na tinungo ang elevator.






"Sir!" Sigaw ng kanyang sikretarya na hinahabol siya. Sinenyasan niya ito ng kamay na umalis na ngunit patuloy pa rin ito sa pagsasalita. "Sir may meeting po kayo in five minutes! Sir saan kayo pupunta—"





"Cancel it all and prepare my helli." The last thing he said before the door closed.






Kaagad na pinindot ni Konstantin ang button paakyat ng rooftop kung saan naghihintay na ang helli niya. He's igitated and the same time excited. Hindi niya alam kung ano ba ang naghihila sa kanya na bumalik doon. Even last night, hindi siya makatulog thinking how did that woman made him feel. it was... something he can't explain.





Nang bumukas ay mabilis siya sumakay sa sasakyang panghimpapawid, hindi na siya makapaghintay. Is she waiting for him too?







Naalala niya ang itsura nito ng umalis siya kahapon. Ayaw siya nitong bitawan, pero ng ipangako niyang babalik siya ulit ay pumayag na din itong umalis siya basta ba'y tutuparin nitong babalik siya. Kung tutuusin nga'y pwedeng huwag na siyang bumalik doon, manatili na lamang sa opisina niya buong araw at gawin ang mga dapat niyang gawin. Pero hindi.






Gusto niyang makita si Selena. Gusto niyang bumalik sa isla.






There is something in her na hindi niya maintindihan. Kung ano man ito, sana'y mahinuha niya kaagad dahil hindi niya na din alam kung ano na ba ang nangyayari sa kanya at nagkakaganito siya. Pakiramdam niya'y napakatagal ng oras habang nasa himapapawid, nakakainip iyon na gusto niya na lamang na siya na ang magpalipad nito para makarating doon ng mabilis.







Selena MagdalenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon