Kabanata 4: Pagsasama-sama ng Pamilya

22 0 0
                                    

"K-kuya?" ungol ko habang kinamot ko ang mga mata ko. "Teka..."

"Bumangon ka na nga diyan," sabad sa akin ni Kuya Chuck habang initsa niya ang maliit na aklat ni Mariang Makiling papunta sa mesa na pinaglalaruan niya kanina ng table tennis. "Tinatawag tayo ni Papa sa taas."

"Si... Papa?" ulit kong usal habang hindi pa gaanong maayos ang aking isipan pagkatapos ng lahat ng nakalipas na nangyari.

"Oo, si Papa, kasasabi ko lang, 'diba?" sinabi niya nang may pagka-sarkastiko. "Tsaka uminom ka ng tubig. Mukhang hindi maganda ang tulog mo kani-kanina lang."

Hinintay ako ni Kuya Chuck na makabangon sa upuan kaya sabay kaming umakyat papunta sa aming palapag. Habang kami ay umaakyat sa hagdan, gusto ko sanang ikwento kay Kuya Chuck ang nangyari kanina nang makatulog ako habang nakabuklat ang aklat ni Mariang Makiling, ngunit sa puntong iyon, nagdalawang-isip ako. Una, dahil hindi ko rin alam kung papaano ko sasabihin ito sa kanya nang maayos.

"Oo nga pala Kuya. Alam mo, noong nakatulog ako kanina, nakapasok ako sa kwento ni Mariang Makiling. Sayang nga lang at hindi ko nagawang iligtas ang buhay ni Juan."

Umiling ako na tila gusto kong iwaglit ang huli kong naisip mula sa utak ko. Kahit doon pa lang sa isip ko, ampangit na talaga ng tunog nito. At ano na lang kaya ang maging reaksyon ni Kuya kung sakali ngang iyon ang sabihin ko sa kanya?

Isa pa, tulad ng sinabi ko noon, mayroong dahilan kung bakit inayawan ni Kuya Chuck and kwintas na nasa akin ngayon. Hindi ako sigurado... o sa halip, hindi ko alam kung ano ang kanyang dahilan, ngunit dahil hindi niya ito binanggit sa akin, sa tingin ko ay napakahalaga nito kaya hindi niya masabi-sabi sa akin. Aaminin kong mausisa ako pagdating sa bagay na ito, ngunit nirerespeto ko pa rin ang desisyon ni Kuya na panatilihin itong lihim sa sarili niya.

Kaya imbes na sabihin sa kanya ang aking karanasan habang ako ay nakatulog, tinanong ko sa kanya, "Kuya, bakit nga pala tayo pinapatawag ni Papa?"

"Ewan ko rin, hindi niya sinabi kung bakit," sagot ni Kuya Chuck. "Kung ano man ito, tiyak na mahalaga ito. Hindi tayo tatawagin ni Papa nang biglaan kung hindi ito mahalaga."

"Ano nga palang petsa ngayon?" tanong ko kay Kuya Chuck.

"Ika-28 ng Oktubre."

Pagdating naming dalawa sa palapag namin, naabutan namin sina Papa, Mama, Mang Gido, at Yaya Imang na nakaupo sa hapag-kainan na tila kami na lang ang hinihintay nila.

"Ma, Pa, ano pong nangyayari dito?" usisa ni Kuya Chuck sa kanila.

"Marky, Jay, maupo muna kayo," atas ni Mama.

"May kasalanan po ba akong nagawa, Ma?" tanong ulit ni Kuya Chuck habang umupo ako sa tapat ni Mang Gido. "Kung ano man po iyon, hindi po ako ang may sala."

"Darating po ba ulit si Tito Art dito sa Pilipinas?" sabad ko bago pa man makapag-isip ng ibang tatanungin si Kuya Chuck.

Natatandaan ko pa noong huling beses kaming ipatawag ni Papa nang ganito. Nangyari iyon noong nasa ikatlong antas pa lang ako ng mataas na paaralan at sinabi ni Papa sa amin na magbabakasyon dito ang nakatatandang kapatid ni Papa na si Artemio Sereno Jr. Kung kailangan kong magbanggit ng isang tao na masasabi kong mas ayaw ko kaysa kay Manuel, si Artemio Sereno Jr. iyon, o Tito Art kung siya ay tawagin namin. Pinakamabigat sigurong dahilan dito ay dahil sa wala siyang respeto sa halos lahat ng taong nakakahalubilo niya. Noong una, akala ko talaga ay ako lang ang may pakiramdam nito, ngunit nang naglabas si Kuya Chuck dati ng saloobin sa akin, nalaman kong wala lang talagang respeto si Tito Art sa iba.

At tulad nga ng sinabi ko, sa ganitong petsa rin kami pinatawag ni Papa upang mag-usap na buong pamilya noon. Sa ganitong mga panahon lang naman nakakababa ng barko si Tito Art kaya madali ko na lang na nahulaan ang dahilan kung bakit magkakaroon kami ng ganong pampamilyang pagpupulong.

Super Zone-Out Zone 2: Nakatali Kasi Tulad ng Buhay Ko NgayonWhere stories live. Discover now