Chapter 1

41 2 5
                                    

Red's POV

"Red!! Red!!! Gising na!! Anong oras na oh nakahilata ka pa dyan" - Alexa. Tsk. Sumisigaw na naman at may balak pang sirain ang pinto ng kwarto ko.

"Bilisan mo na dyan kung ayaw mong malate sa unang araw ng skwela"- Alexa.

"Oo babangon na"- ako. Tsk. Disturbo talaga tong babaeng to. Bumangon na ako at tumingin sa orasan sa may side table ko. Tsk. Kahit kelan talaga. Hello??!! Its just six in the morning tapos 8:30 pa ang pasok namin. Di naman sya masydong halatang excited. No choice kundi maligo nalang. Pumasok na akong banyo para maligo. Bale itong condo na tinitirhan namin ni alexa ay may dalawang kwarto at may sariling banyo. Nabili namin to ni Alexa last month kasi nga para malapit lang sa school kung saan kami papasok. Nalipat kami ng school dahil sa ugali ko at nadamay lang si Alexa. Fourth year high school na kami na dapat ay college na kami ngunit last year ay di kami nakagraduate kasi nga nasangkot ako sa gulo. Haay.. Ok tama na yan.

Ako nga pala si Reida Villareal. Kaibigan at pamilya ko lang ang tumatawag sa akin ng Red gaya ni Alexa. Yung mga lubos lang na nakakakilala sa akib ang tumatawag sa akin ng ganun.
My eyes are red pero yung isang mata ko ay nag iiba ang kulay pa nagagalit. Kaya nagsusuot ako palage ng contact lense para magmukhang normal ang mga mata ko.
Ang buhok ko naman ay kulay puti. Totoong puti talaga. Natural. Nagtataka nga ako bat ganito ang kulay ng buhok ko samantalang sila mama ay normal naman. Pinakulayan ko na din ang buhok ko ng itim. Nakasanayan ko na din na magpakulay ng buhok simula bata pa lang ako. Sabi ng mga magulang ko nung nabubuhay pa sila ay kailangan daw itago ko lahat ng di normal sa akin lalo na sa paningin ng iba.

After kong magbihis ay pumunta na ako sa dining area para mag agahan.

"Oh Kumain na tayo kanina pa ako nagugutom sa kahihintay sayo"-Alexa. Nagsandok na sya ng fried rice. Ang ulam namin ay tuyo, itlog na may kamatis at hotdog. Favorite namin to ni Alexa. Sanay kami mamuhay ng simple kahit may kaya yung mga pamilya namin.

"tsk. You're too loud. Can you just shut up and eat" -ako. Sanay na rin si Alexa sa ugali ko na palaging galit at nagmumura.
"oo na eto naman"-alexa. Patuloy sya sa pagkain at nagsalita na naman.
"ahm Red, sana naman ay magpakabait na tayo kasi gusto ko na din makapagtapos"-sya. Natigil naman ako sa pagsubo.

"Hindi ko kasalanan kung bakit di tayo nakagraduate nung nakaraan, alam mo yon". Ako. Nagpatuloy nalang ako sa pagkain ayaw kong mawalan ng gana kasi ang sarap ng ulam.
"alam ko naman yon Red eh, ang sa akin lang wag mo ng patulan kung maaari. Ngayong nasa ibang school na tayo sana naman ay umiwas na tayo sa gulo. Isipin mo Red babae ka pa rin kaya sana umiwas ka na talaga baka mapano ka"- alexa.

"You know me Alexa. Ayaw na ayaw ko na naagrabyado ako o ikaw"- ako. Tumahimik sya saglit at tsaka nagsalita.
"Pero sana Red kontrolin mo na ang galit mo, mangako ka sa akin Red na iiwas tayo sa gulo at makakapagtapos tayo ngayong taon. Promise me"- alexa. I can feel the sincerity of her words.
I love Alexa. She's like a sister to me. Alam ko nasasaktan na din sya. Sino ba naman ako para tanggihan ang taong simulat sapul ay andyan na sa tabi mo palagi kang inaalala at di ka iniiwan.

Tumingin ako sa kanya sa mata.
"I promise"- ako.medyo cold yong pagkakasabi ko pero i mean it.
Bigla nalang kuminang ang mga mata nya at bigla akong dinamba ng yakap.

"kyyaahh, thank you Red"-sya. Mas humigpit pa ang yakap. Tsk may balak ata tong babaeng tong patayin ako.
"hey. Get off me. I cant breath." saway ko sa kanya. Yakap ba yun o sakal???
"oops!!! Im sorry na carried away lang." alexa

Pagkatapos naming kumain ay lumabas na kami. Saktong alas otso ay sumakay na kami sa mga motor namin. Malapit lang naman ang school sa condo namin ni Alexa.

Wala na akong mga magulang. My parents died in a plane crash sabi ni Tito Rafael, kapatid ni Mommy. Simula nung mamatay ang mga magulang ko ay nag-iba na ang takbo ng buhay ko. Tanging su Alexa lang ang pinagkakatiwalaan ko. It's been fucking five years since they died and the memories are still fresh in my mind.

Nung malaman kong patay na sila ay naging patapon ang buhay ko. Nadamay lang si Alexa dahil ayaw nya akong iwan. She's still have a complete family. Naglayas lang talaga sya. Sya na magsasabi kung anong dahilan. Its not my story to tell ika nga.

Fifteen minutes before the class starts and we're still here at the parking lot. Marami pang studyante sa parking lot. It's a typical first day of school. Nakakamustahan na para bang sampung taong di nagkita. Tsk. Plastic. Yung iba naman nagpapabonggahan ng lugar kung saan sila nagbakasyon.

Pagkatapos naming ipark ang motor ay deretso na kami papuntang room. At dahil nga newbie kami ay pahirapan sa paghanap ng room namin.

"grabe Red ang laki ng school natin at mas maganda pa sa dating school natin"- Alexa. namamanghang turan nya. Totoo nga malaki talaga sya tsaka maraming building.

"Bilisan na natin Alexa baka malate tayo"-ako. At yun nga bigla nalang tumakbo at iniwan ako. tsk, mahanap na nga lang ang room 138.

Hanap. hanap... gotcha!!!! nakita din kita. Mukhang wala pang teacher kasi magulo pa yung mga estudyante. Kitang- kita ko kung gaano kaingay kasi sa bintana, pinihit ko na ang pinto at agad kung iginala ang paningin ko at sa bandang likod nakita ko si Alexa.

Kumaway sya sa akin at itinuro yung upuan sa tabi nya malapit sa bintana. agad naman akong dumalo. saktong pagkaupo ko ay dumating ang teacher. Agad nagsitahimik ang klase dahil sa pagdating ng teacher. Inayos din nila ang mga upuan. dumukdok nalang ako sa may armchair, wala naman akong pakialam kung mapagalitan ako kasi sanay naman ako.

Makaidlip na nga lang, napakaboring talaga lalo na first day of school.

"Red??? Red???"- gising sa akin ni Alexa. Sinamaan ko sya ng tingin. ang ayoko pa naman sa lahat ang iniistorbo ako sa pagtulog.

"ikaw na Red, magpakilala ka na. kanina pa kita ginigising, nasa klase kaya tayo kaya mamaya na yang tulog- tulog na yan"- Alexa. Iginala ko ang paningin ko, nakatingin lahat sila sa akin.

Tumayo nalang ako at nagpakilala. "Reida Villareal", pakilala ko. Mukhang napikon ata yong teacher at wala akong pakialam. umupo nalang ako di na ako bumalik sa pagkakadukdok ko kasi kahit papaano ay may respeto naman ako sa teacher.

Nagpatuloy ang pagpapakilala at may tatlong lalaki ang umagaw ng atensyon ko. They look like a gangster o baka gangster talaga sila.

"hEY guys, I'm Giovanne Rey Nell, you can call me Gio, single and always available"-Gio. tsk. Manwhore. Certified Casanova.

"Misael Seth Jang"- Seth. silent type person. Cold Personality.

"Steven Dwight Forbes".Scary. kung mas cold yung isa mas lalo na to tsaka yung boses nya halata yung may authority. Bigla syang Lumingon sa akin at nag smirk. At doon ko lang naalala na kanina ko pa pala sila tinitingnan.

What the Fudge!!!!! ang hot nya dun.. oh god ano tong iniisip ko..

No....NO...



First chapter. Done.


-rossflower

REDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon