Chapter 2

22 2 1
                                    

Red's POV

Andito kami ngayon ni Alexa sa Cafeteria ng School. Halatang mga mayayaman talaga ang mga mag aaral dito. Pagkain pa lang sosyal na. Isa ang Forbes Academy sa mga pinakamalaking skwelahan sa bansa ayon sa mga nababasa ko.

Hanggang ngayon kinikilabutan pa ako sa nangyari kanina.
Nakakainis lang kasi kung anu ano na ang naiisip ko.
Siguro gutom lang yun. Tama gutom lang.

Naghanap na kami ng table ni Alexa at ayon nga may nakita kaming bakanteng table.

"Red, ikaw nalang kaya pumila at ako magbabantay ng table natin baka maagawan pa tayo eh" Alexa. Tumango nalang ako. Di ko na sya tinanong kung anong oorderin kasi parehas lang naman kaming di mapili pagdating sa pagkain.
Habang nakapila ako ay bigla nalang akong nakarinig ng mga babae at binabaeng tumitili.

"kyyyaaaaahhh andyan na sila"- girl 1

"oh my gas, ang hot nila"- girl 2

"Steven!!! Akin ka na lang"-girl3

"Oh my Seth, marry me"-girl 4
"Gio my loves, pa kiss"- bakla.

Grrr. Ang ingay. Nakakairita.

Di ko nalang pinansin at tumingin ako sa menu board para pumili ng pagkain.

Nakafocus ako sa pamimili at di ko napansin na natahimik pala ang paligid. Ako na yung oorder dapat ng may tumukhim sa likuran ko.

"Ehem". Di ko nalang pinansin.
"Miss, two orders of beef steak, two extra rice, one large pineapple jui----." di ko na natapos kasi may tumikhim ng malakas.

"EHEMMM"

Lumingon ako. "May ubo ka???" walang ganang tanong ko sa kanya.
Mukhang nainis sya sa tanong ko.

Tinaasan ko sya ng kilay habang naghihintay ng sagot. At mukhang wala syang planong sumagot pero pulang pula na sa galit.
Hahahahaha sarap talaga mang asar sa taong pikon.

Tumalikod na ako at itinuloy ang order ko. Pero nagulat nalang ako ng may humablot sa braso ko at pilit na pinaharap.

Sumalubong sa akin ang nagbabagang mata ng lalaking to.
"How dare you, hindi mo ba ako kilala???"nanlilisik yung mga mata nya. Akala naman nya ay matatakot ako. Bored ko syang tiningnan.
"Nope"- ako. Nagsimula na naman ang bulungan ng mga bubuyog sa paligid. Nag aalala naman ang mukha ni Alexa.
Tss.
"hindi mo ba alam na ako ang anak ng may ari ng school na to?? At kayang kaya kitang patalsikin dito." nanggigil nyang sabi.

"...."- ako
"next time miss pag andito kami dapat pinapauna nyo kami sa pag oorder. Rules na yan na priority ang mga anak ng mga major stockholders sa skwelahang ito" sabi nung singkit. Tss. Baluktot na rules, pare parehas lang naman kaming studyante dito.

"wala akong pakialam sa mga rules na yan, ako ang nauna dito. Di ba kayo marunong magbasa?? Ang laki ng nakasulat oh, FIRST COME, FIRST SERVE." turo ko dun sa countertopper.

Tumalikod na ako at kinuha ang order ko.

Pagharap ko andun pa rin yong tatlong itlog nakaharang. Lahat ng tao sa cafeteria ay nagsibalikan na sa kanilang ginagawa.

"tandaan mo to miss, hindi pa tayo tapos kaya humanda ka"- Steven.

"Alam mo bang Girl Scout ako, laging handa"- ako.

Nagpipigil naman sa pagtawa ang dalawa pang itlog. Habang yung isa naman ay para ng bulkan na malapit ng sumabog.

"Tingnan natin yang tapang mo, so watch out miss. Mali ka ng binangga"- sya. Tss. Daming satsat. Parang babae ang daming sinasabi.

"tss. Whatever. Excuse me"- sinadya kong banggain yung leader ng tatlong itlog. Hahahaha parang tatlong bibi lang. Sya ang leader na nagsabi ng kwak kwak. Hahahaha.

"Aba't----"- Steven. Hahaha nagpupuyos na talaga sya sa galit. Pinigilan sya nung dalawang itlog. Pumunta na ako sa table namin ni Alexa.

"Naku naman Red kaka promise mo pa lang kaninang umaga na iiwas ka na sa gulo, ano to ngayon? Tsaka hindi basta basta ang binangga mo. Siya lang naman ang anak ng Top 2 sa pinakamayamang tao sa bansa."-Alexa. Hindi ko nalang sya pinansin. Gutom na gutom na kaya ako. Hinayaan ko na lang syang magtatatalak. Pati yung mga bubuyog sa paligid ang iingay.

"Finish your food, malalate tayo kung sesermonan mo lang ako. Pag uwe nalang natin tsaka mo ko banatan dyan."- saway ko sa kanya.

Natapos ang isang buong araw na puro matatalim sa tingin ang ipinupukol sa akin.

And I don't really care.

At yong leader ng mga itlog ay di na nagpakita siguro badtrip yun.

Napakababaw nila. Masyadong mayabang.

Nakauwe na kami ni Alexa at pagkalapag na pagkalapag ng bag ko ay nagbilang ako.

1
.
.
2
.
.
3
.
. And

"ANO NA NAMAN TO RED NAGPROMISE KA SA AKIN NA IIWAS KA NA BLAH. BLAH. BLAH.

Sermon dito sermon dun. Ganyan yan.

Pinapalabas ko na lang sa kabilang tenga lahat ng talak nya.

Nakaupo lang ako at nakapikit.

Inaantok na talaga ako.

Chapter 2.
Done.

---rossflower

REDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon