Okay guys, I know, my story is lame kaya pagpasensyahan niyo na po. It's just for fun and my stress reliever. Kahit sobrang cliché ng storyang to eh tatapusin ko pa rin kahit umabot pa ng forever. Kaso walang forever. Kaya stay tune!!
______
Steven's POV
Di ko maiwasang mapaisip dun sa note ng babaeng yun.
I know, bully talaga ako kaya napagtripan kong batuhin siya ng papel na may nakasulat na "WELCOME TO HELL"
Pero nakaramdam ako ng takot sa response niya."HELL IS MY WORLD"
Yan ang response niya. Parang kakaiba yung naramdaman ko. Pero di dapat ako makaramdam ng takot. Ako ang leader ng Dark Knights kaya walang puwang ang salitang takot sa akin.
"PRE!!!!"- sigaw ni Gio.
Tiningnan ko siya ng masama."Hep! Relax, will you?
Kanina pa kita kinakausap pero parang di mo ako naririnig. Anlalim ng iniisip mo di ko mahukay." Gio. Doon ako natauhan. Ganoon ba talaga kalalim ang iniisip ko para di ko siya marinig."tsk, ang ingay mo"- ako
"pre, concern lang naman ako sayo kasi para kang shunga shunga diyan na umiiling tapos ako pa ngayon ang may mali??" Gio. Nag act pa siya na nasasaktan. Kung di ko lang talaga to kilala eh mapagkakamalan ko itong bakla.
"Wala na ba talagang matino sa mga kaibigan ko? Ikaw Seth napakatahimik mo. Once in a blue moon kung magsalita parang kinakapos ka sa mga letra. Ikaw naman Steven kagaya ka rin kay Seth anlalamig. Pag nagsalita naman nakakatakot. Yung totoo ako lang ba talaga ang gwapo at matino sa barkada???- Mahabang salaysay ni Gio.
Sinamaan namin siya ni Seth ng tingin at
BOOGSSHH!! Ayun tumba sabay ba naman naming sapakin ni Seth."Grabe kayo, ansama niyo sa akin, waaahhh" Gio
Hinayaan nalang namin siyang ngumawa.
REd's POV
Saturday. Siyempre walang pasok.
Andito kami ngayon ni Alexa sa mall, napilit na naman kasi ako ni Alexa na sumama sa kanya dahil magshoshopping daw siya. PInagbigyan ko nalang kasi kailangan ko din namang bumili ng mga libro pampalipas oras pag walang magawa.ANg likot talaga ng babaeng to kung saan saan sumusuot. Hindi nman ako mahilig magshopping kaya siya lang ang nag eenjoy.
"Alexa, kita nalang tayo sa may jollibee mamaya may bibilhin lang ako". Paalam ko sa kanya. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at tumalikod na ako.
Papunta akong National Bookstore para bumili ng mga libro. Nang mahanap ko na ang huling libro na kailangan ko ay nilapitan ko kaagad. Kukunin ko na sana sa may shelf kaso naunahan ako ng kung sinong poncio pilato.
"bitaw"- malamig kong sabi. Lumingon siya sa akin. Ow, what the heck! BAkit ba sa dami ng tao sa mundo at eto pang itlog na to ang makikita ko.
"IKAW??!!!!" gulat na sabi niya. Tsk.
"bitawan mo na itong libro, ako unang nakakita neto"- ako. Nahawakan ko na yung libro na hawak niya din at pilit kung hinihila.
"Ikaw ang bumitaw dahil ako unang humawak"- sabi niya. Di pa rin niya binitawan at mas lalong di ako bibitaw, ano siya siniswerte. Kumunot naman ang noo nito halatang pikon na. Nagsimula ng magbulungan ang ibang mga tao sa loob ng bookstore pero wala akong pakialam basta sa akin tong librong to.
" wala akong pakialam kung ikaw ang unang humawak basta ang alam ko lang sa akin ang librong ito at wala kang magagawa kundi bitawan ito habang nakakapagtimpi ako"- banta ko sa kanya. Medyo naiinis na din ako dahil nasasayang ang oras ko dahil sa itlog na to.
"Aba miss, di mo ba ako kilala? Anlakas naman ng loob mong bantaan ako. Oh sige gusto mo nitong libro diba, oh sayo na at itong tatandaan mo di pa tayo tapos pasalamat ka at nagmamadali ako"- marahas niyang binitawan ang librong pinag aagawan namin. At tumalikod na siya, aba anlakas ng loob. Di niyo pa ako kilala kaya ganyan ang inaasta niyo.Wag kang mag alala isasama kita sa DeathList ko. Isa kang lapastangan!
Naiwan akong nanggigil dahil naunahan niya ako.
Kalma lang Red, kalma.
Di ko nalang pinansin ang mga tao sa paligid at pumunta na ako sa countet para mabayaran na ang mga librong napili ko.
Nang matapos na ako sa pakay ko ay dumiretso na ako sa Jollibee kung saan ang tagpuan namin ni Alexa.
Habang nag aantay sa kanya ay nakaramdam ako ng gutom kaya umorder muna ako ng 1 pc. Chicken with rice, buttered corn, large pineapple juice at isang caramel salted sundae.
Saktong natapos akong kumain ay dumating si Alexa dala ang napakaraming shopping bags. Pag shopping talaga ang usapan ay walang tatalo sa babaeng to.
"Akala ko ay bibilhin mo itong buong mall, antagal mo kasi"- sabi ko sa kanya. Umupo naman siya sa katapat kung upuan.
"Grabe ka sa akin, minsan na nga lang akong makapagshopping"- sabi niya habang nakapout.
"Stop pouting, you look like a duck and it's disgusting"- saway ko sa kanya.
"Bakit ba ang init ng ulo mo at ako pa ang napagbuntunan mo ha"- sabi niya. Well, Alexa knows me so well.
"Nothing, may tao lang na sumira ng araw ko at di ko yon palalampasin"- nakangisi kong sagot. Tama di ko yon palalampasin.
" Oh my, you're so creepy talaga. Don't tell me you--" di na niya natapos ang sasabihin niya.
"Yes, tama ka. Isinama ko siya pero makikipaglaro muna ako sa kanila"- sabi ko.
Maglalaro tayo pero sisiguraduhin kong pagsisisihan niyo kung bakit niyo ako kinalaban.Because I am a Demon you never wish to mess up.
‡end of the chapter‡
Stay tune!!!
