Red's POV
"So its you??" sabi ng kaharap ko. Tumaas yung tingin ko sa kanya para makita siya.
Tss. Bitch.
Tiningnan ko lang siya ng malamig. Wala ako sa mood makipag away ngayon pero kung sisimulan niya wala akong magagawa kundi ang tapusin."...."- ako
"ikaw pala ang babaeng may lakas ng loob na banggain ang leader ng Black Knights."- siya.Ano naman kaya ang ibig sabihin ng isa to.
"..."- ako. Di ko nalang sya sinagot kasi malalate na ako.
"pipi ka ba? Bat ayaw mong magsalita?? Kinakausap kita kaya dapat sumagot ka.
Di mo ba ako kilala?"- siya. Hmm mukhang galit na to. Tsk. Nakakaamoy na ako ng away."nope"- walang gana kong sagot. Malamang first time ko syang makita malamang di ko pa sya kilala.
"Aba't matapang ka ah, by the way, I'm Ellise Ferrer, the School Queen Bee kaya mag iingat ka sa lahat ng babanggain mo"- siya.
Tss. Dapat sila ang mag ingat sa akin.
"okay, are you done? coz I'm late already for my first class"- ako. Nilagpasan ko na sya na nakanganga.
Medyo nakalayo ako narinig ko syang sumigaw.
"Y-you bitch, how dare you, di pa ako tapos sayo!!"- siya.
Bat kaya may mga taong puro salita kulang naman sa gawa.
Black Knights my ass.
Tumingin ako sa oras, nanlaki ang mata ko.
" shit"- ako at naglakad ng mabilis. Late ako halos kalahating oras. Sisihin niyo yung mga humarang.
Nasa harap na ako sa pinto ng classroom.
Binuksan ko yung pinto at dumiretso sa upuan ko.
Di ko nalang pinansin yung sermon ng prof sa akin. Labas sa kabilang tainga.
Sa kalagitnaan ng pagdidiscuss ng prof ay ramdam ko ang talim ng tingin ng isa sa mga itlog. Di ko nalang pinansin, habang yung katabi kong si Alexa ay focus sa harap habang nagdidiscuss si prof. Nakinig nalang ako kasi wala na din naman akong magawa ng biglang....
"plok"(tunog po yan ng papel na tumama sa ulo)
Ay!! Mga walang hiya nananahimik ako dito.
Nilibot ko ang tingin ko para malaman kung sino ang nambato ng papel.
Yung iba busy sa pakikinig pero may isang tao na nakangisi ng malaki habang nang aasar ang tingin.Tiningnan ko lang sya ng malamig at walang expression na mababakas sa mukha. Nawala yung ngisi niya sa mukha.
Pinulot ko yung papel na binato nya sa akin. Binuklat ko ito at binasa...
'Welcome to Hell'
-DK
Tsk. Hell?? Sorry siya doon ako pinanganak.
Sinulatan ko ang likod ng papel at binato ko pbalik sa kanya.
Tinamaan siya sa ulo at sinamaan niya ako ng tingin. Tsk. Kung ordinaryong tao lang ako tiyak kanina pa ako nanginginig sa takot pero hindi ako ganun.
Buti nalang at di kami pinapansin ng mga classmates namin at ni prof.
Binalik ko ang tingin ko sa prof at kita ko sa peripheral vision ko kung paano nangunot ang noo niya.
Di ko nalang siya pinansin at nagfocus sa lecture ni prof.
Fast forward....
Sa wakas uwian na, nakakaboring talaga yung last subject.
Magkasama kami ni Alexa dito sa parking lot kung saan nakapark yung motor namin.
"Red, please burahin mo yung video."Alexa.
"Paano pag ayoko??"- ako.
"Waahhh ansama mo talaga Red, grabe ka pa naman makapamblackmail. Ayoko ng maranasan yun ulit"- Alexa. Tsk. Para talagang bata. At todo sigaw pa talaga parang kanya tong parking lot.
"wag kang mag alala di na talaga yun mauulit"- ako
"talaga??"- alexa
"oo di na yun mauulit kasi iba na naman ang ipapagawa ko sayo eh."ako
"Buset ka Red, waaahhhh!!" Alexa.
"wag kang mag alala matagal pa naman yun kaya makakapag handa ka pa. Hahaha"-ako.
Ayun mas lalong umiyak.
Napansin ko naman paparating yung grupo ni David.
"mauna ka nalang sa bahay may gagawin pa ako. Kita nalang tayo mamaya." ako
Tumigil na naman sya sa kakangawa.
"hmp. At ano
Naman ang gagawin mo??"- alexa."basta, mauna ka na"-ako
"ok sige"- Alexa.
Sumakay na sya sa motor niya at nagsuot ng helmet.Nang makaalis na sya ay binalik ko ang tingin ko dun sa kila David.
Buti nalang medyo malayo pa sila kanina kundi baka nakita sila ni Alexa.
"BOSSING!!!!"- sigaw ni David. Tsk. Kalalaking tao anlakas sumigaw.
Mga nasa 10 yung kasama niya. Ano kayang kelangan ng mga 'to.
"Anong kelangan niyo??"- tanong ko.
"a-ahh ano bossing baka may ipapagawa ka sa amin o baka kelangan mo ng bodyguard"- siya. Seriously?? Ako kelangan ng bodyguard? Bugbog sarado nga yung mga kasama niya dahil sa akin.
"no need. Di pa to ang tamang panahon na kelangan ko ang tulong niyo. Wag niyo muna akong kakausapin o papansinin. Tatawagin ko nalang kayo pag may kelangan na ako."- sabi ko.
"sige boss kung yan ang gusto niyo"- david.
"sige na"- at pinaharurot ko na yung motor ko. Pagkadating ko ng bahay ay nakita kong nanunuod ng tv si Alexa.
"saan ka galing, Red??" tanong niya pagkalingon sa akin.
"may kinausap lang", sagot ko sa kanya.
Di na siya nag usisa kasi alam naman niya na kahit anong tanong niya ay di ko sya sasagutin ng maayos.
Done..
___Rossflower