Chapter 4

20 2 0
                                    

Red's POV

Maaga akong nagising ngayon, naghanda na ako sa pagpasok hindi ko na hihintayin si Alexa.
Wala pang gaanong traffic kaya 6:00 am andito na ako sa school. Trip ko lang pumasok ng maaga dahil gusto kong matulog. Kahapon may nakita akong malaking puno at doon ako matutulog.

Pagka park ko ng motor ay dumeretso na ako sa bandang likod ng skwelahan, andoon kasi yung punong sinasabi ko.

Wala pang studyante kaya walang isturbo sa tulog ko.

Mabilis akong umakyat sa puno, sa sanga ako dumaan. Mabilis lang akong nakaakyat kasi sanay na ako.

Nang malapit na akong makaidlip ay may narinig akong sigaw..

"aaahhhh, tama na po, maawa na po kayo wala po akong ginagawang kasalanan"- sigaw ng lalaki.

"tss, isturbo." nilingon ko yung pinanggalingan ng boses at nakita ko sila di kalayuan sa pwesto ko.

Isang lalaking nerd na pinapalibutan ng mga lalaking may dalang bat. Bugbog sarado na yung lalaki, mukhang dito nag aaral tong mga to dahil sa uniform nila.

Mukhang gangster o gangster talaga yung nakapalibot dun sa nerd.

"ano natatakot ka na? Sige matakot ka lang sa amin kasi di ka namin papakawalan ng buhay"- sabi nung lalaking Mohawk ang buhok. Nagtawanan naman yung mga kasama nyang mga itlog.

"patawarin nyo po ako kung may nagawa man akong kasalanan"- sabi ni nerd. Wala akong balak makialam kasi hanggat maaari iiwas ako sa gulo.

"may kasalanan ka man o wala, wala akong pakialam."- lalaking mohawk. Tss. Kainis, kinakain na naman ako ng konsensya ko.
Bumaba na ako sa puno ng hahampasin na sana nung isang itlog si nerd pero agad akong tumakbo at sinalo yung bat gamit ang isang kamay ko.

"Easy, you're not fighting fair"- sabi ko sa kanya sa malamig na boses.

"miss kung ayaw mong madamay umalis ka na dito. Pumapatol ako sa babae miss"- sabi nung lalaking may hawak ng bat na nasalo ko.

Tss. I'm not scared, for me, they are just a trash.

"paano kung ayoko?" malamig kong sabi sa kanya. Mukhang natakot kasi medyo napaatras.

"kung ganun miss wala na kaming magagawa. Sayang ang ganda mo pa naman tapos mamamatay ka lang"- sabi nung leader/mohawk.

Tiningnan ko si Nerd, halu halong emosyon ang makikita mo sa kanyang mata. Takot at pag aalala,
"tumabi ka muna nerd kasi mag eexercise ako"- ako. Mukhang wala syang balak na tumabi kaya sinamaan ko ng tingin at ayon halos magkanda dapa dapa papunta sa likod ng puno sa di kalayuan.

"Alam mo miss pwede din naman natin tong pag usapan para di ka na masaktan. Alam mo na, pupunta tayong langit tiyak mag eenjoy ka at di ka masasaktan"- sabi nung leader. At yung mga itlog walang ibang magawa kundi ang tumawa.
Nakakasulasok pa naman ang mga pagmumukha.

"shut your mouth and fight, masyado kang madaldal"-ako. Nilibot ko ang tingin ko sa kalaban. Hmm they're seven including their ugly leader.

Ano ba yan di naman ako magpapawisan nito.

"Kung ganun miss pasensyahan nalang tayo"- sabi nung leader.

Sumugod yung isa, minamaliit ba nila ako?? Akala ko pa naman sabay sabay silang susugod.

Hahampasin nya sana ako ng bat pero nakailag ako at hinawakan ko ang kamay nya at pinilipit. Bago pa mahulog ang bat ay sinalo ko na to at hinampas sya upang makatulog. Di ko nilakasan baka mapatay ko ito. Mahirap na, mag aalburuto na naman si Alexa.

Tumingin ako sa kanila at mukhang natakot yung mga alalay.

"Ano ba kayo? Babae lang yan!!"- nanggigigil na sigaw nung leader.

Mukhang lumakas ang loob ng mga alalay nya at sabay sabay sumugod.
Yan ang gusto ko.
Mabilis kong iniwasan ang mga hampas nila. Ni hibla ng buhok ko ay di nila matamaan. Masyado silang mabagal, kaya hinahayaan ko nalang silang humampas sa akin kaya nga lang di nila ako matama tamaan.

Mukhang pagod na sila. Tss ako nga di pa pinagpapawisan.

Nakakaboring kaya tatapusin ko nalang to.
Hinampas ko sila isa isa para makatulog.
Tumba lahat bukod s leader nila.
Nilingon ko sya at halata sa mukha nya ang takot.

"paano mo nagawa yun? Paano mo sila natalo?
Kami ang pangalawa sa pinakamalakas na gangster dito sa school kaya paano mo sila natalo sa isang iglap lang?" halos magkanda utal utal nyang sabi.

"tss. Sugod na"- hamon ko sa kanya. Mukhang natakot talaga sya.

Akmang susugurin ko sya ng bigla syang lumuhod.
Natigilan ako at nagtataka?? Ang angas angas nya kanina tapos ngayon luluhod.

"Patawarin mo ako, di ko na po uulitin. Magiging mabait na ako."- hinging tawad nya pero tiningnan ko lang sya.

"gagawin ko lahat ng iuutos mo. Susundin ko lahat wag mo lang akong papatayin"- patuloy nya. Hahahaha nakakatawa sya. Hmmm gagawin at susundin lahat ng sasabihin ko. Mukhang papakinabangan ko ito pagdating ng panahon.

Nakaluhod pa rin sya, nilevel ko yung mukha ko sa kanya at tumingin sya sa akin pero nung tinitigan nya ang mata ko ay nanlaki ang mga mata nya halos di sya makatingin ng deretso sa akin.

"Sabi mo gagawin at susundin mo lahat ng sasabihin ko?" tanong ko sa kanya.

"O-opo boss, simula ngayon ikaw na ang boss namin."- sabi nya.

"ok kung ganun, ako na ang boss nyo"- ako. Nagningning naman ang kanyang mata.
"Tumayo ka na dyan at gisingin mo na ang mga yan"- utos ko sa kanya.

"Masusunod, Boss"- sagot nya. "tawagin nyo nalang akong David, boss"- pakilala nya.

"Red"- pakilala ko.

"huh? Pula boss?"- sya. Sinamaan ko sya ng tingin.

"ikaw naman boss di na mabiro"- sabi nya. Tumawa ng pilit.

"tatawagin nalang kita pag may kailangan ako"- di ko na sya hinintay na sumagot at tumalikod na ako at naglakad palayo.

Pagtingin ko sa relo, alas otso na pala.
Naglalakad ako sa may hallway ng may biglang humarang sa akin.
Gulo na naman to, lapitin talaga ako ng gulo kaya dapat masanay na ako.

"So, its you"- sabi nya.

Tss. Bitch.

----
Abangan ang susunod na kabanata.

Please, pagpasensyahan nyo na ang mga mali ko.

Di ko pa naeedit kasi gahol sa oras.

Magbasa lang kayo.

@ladycryptic para sayo to.

rossflower

REDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon