Steven's POV
Nakakainis talaga yung babaeng yun.
Ang lakas ng loob nyang kalabanin ako.
Alam ko naman na mababaw lang ang dahilan pero di ko lang talaga matanggap na pinahiya niya ako.
Mas lalo pa akong napikon kasi nakakainsulto yung tingin nya.
Humanda talaga sya sa akin. Hindi na kami pumasok ng hapon kasi mas lalong kumukulo ang dugo ko sa kanya. Classmate pa naman kami baka di ko mapigilan at masapak ko ang babaeng yun.
At ito namang dalawang ugok na to pinigilan pa ako kanina at tinawanan lang ako."Pre, ok ka lang ba?" tanong ni Seth. Andito kami ngayon sa headquarter namin. Umiinom ako ng canned beer, si Seth naman ay abala sa cellphone niya habang si Gio ay busy sa paglalaro ng video game.
"Yeah I'm fine"- sagot ko. Di ko pinahalata na naiinis pa rin ako hanggang ngayon.
"Iba na pala ang definition ng 'I'm fine' ngayon. Pre maawa ka naman sa lata, yuping-yupi na oh, napaghahalataan ka tuloy"- Gio. Nang aasar pa. Halatang nagpipigil ng tawa yung dalawa.
Pagtingin ko sa hawak kong beer. Nayupi talaga, di ko naman namalayan na sa pagtitimpi ko ay ito ang nabuhusan ko ng galit.
Di ko nalang sila pinansin sa pang aasar nila.
Napagpasyahan kpng mag shower nalang para mawala tong init ng ulo ko.Para na rin makapag isip ako kung paano makaganti sa babaeng yun.
Bigla ko namang naalala yong sa classroom kanina. Tss.
Naaangasan lang talaga ako sa kanya kaya napa smirk ako. Para din kasi syang baliw titig na titig sa amin.Gio's POV
Hindi na namin napigilan ang tawa namin nang tumalikod si Steven. Inis na inis talaga siya dun sa babaeng bumangga sa kanya.
First time kasi na may babaeng hindi natatakot sa kanya.
Well, except dun sa babaeng tatlong taon na nyang nililigawan na hanggang ngayon nanliligaw pa din sya kasi di pa sya sinasagot.Buti nalang ako masaya sa buhay.
My family is the top 3 of the richest ang influential people in the country. Forbes is the second. Sila Seth naman ang pang apat. Yung top 1 naman ay misteryoso pa rin sa lahat kasi wala pang nakakaalam kung sino sila.
Well, for security purposes na din siguro kaya tinatago nila ang kanilang pagkatao.Steven, Seth and I are best buddy since we were in grade school.
Kinakakatakutan kami sa school hindi dahil sa anak kami ng major stockholders sa school kundi dahil sa isa kaming gangster. We are the No.1 gangster in the country. Malakas kami. At mga gwapo, syempre ako ang pinakagwapo. Hahahaha walang aangal.
Alexa's POV
Pagkalapag na pagkalapag ko ng mga gamit ko ay tinalakan ko na si Red. Sabi nya kasi pagkauwe ko nalang daw ay tsaka ko na sya tatalakan kaya eto ako ngayon halos maputol na ang mga litid ko sa leeg kakasermon sa babaeng to.
"Red, ilang ulit ko bang ipapaalala sayo na magbagong buhay na tayo. Alam ko naman na pangarap mo ang isang normal na buhay kahit halata namang abnormal ka. Mata at buhok mo palang para ka ng alien. Pero sana naman Red magpakabait ka na kasi gusto ko ng makapagtapos baka pag napatalsik na naman tayo ay ipahanap na ako nila mommy at daddy at ipapakasal ako dun sa lalaking di ko gust----" di ko na natapos ang sasabihin ko kasi pagharap ko sa kanya ayun tulog. Tang na red lang. Ang sakit ng ngala ngala ko kakatalak tapos tinulugan lang ako. Langya lang.
Inaalug alog ko sya para magising.
"Hoy Red!!! Pula!!!"- leche lang ayaw gumising kahit sinigawan ko na.
Hmm. Ayaw mo gumising ah. Tingnan natin kung di ka pa magising sa gagawin ko.
"RED, MAY BUTIKI SA ULO MO!!!!!"- hahahaha
''Waahhhh butiki!!!! Asan?? Asan??"- sya habang nagtatatalon sa may sofa. Epic yung mukha nya. Takot na takot talaga sya sa butiki.
"Hahahahahahahahaha"- tawa ko habang nakahawak sa tyan ko.
Tumigil na dib sya sa kakatalon at sinamaan nya ako ng tingin. Natahimik tuloy ako. Nakakatakot kaya sya parang mangangain ng buhay.
"Peace Red"- naka peace sign pa ako sa kanya.
"Tapos ka na bang sermunan ako?? Sorry to you kasi di ko napakinggan"- tumalikod na sya at ako nakatunganga lang. Hanep makaganti ah pinaalala talaga na nagmukha akong tanga kanina.
"Ah oo nga pala Alexa, kita mo to???" -iwinagayway nya yung camera na hawak nya.
Shete lang, kaya pala may kinuha sya kanina sa may cabinet.Alam ko na kung anong meron sa camerang yun.
Waaaahhh ipapamblackmail na naman nya yan sa akin.
Di ko namalayan nya vinideo nya yung pinagagagawa ko kanina.
Bago pa ako makapagsalita ay narinig ko nalang ang pagsardo ng pinto ng kwarto nya.
"RED!!! BURAHIN MO YAN KUNDI HUMANDA KA SA AKIN!!!"- sigaw ko sa kanya. Waaahhhh.
Guys, remind me next time na wag inisin ang babaeng pulang yun na may puting buhok.
What to do?? What to do??
Ang galing pa naman mamblackmail nyan.
Bigti na gurl.
A/N
Sorry. Trying hard talaga ako sa pagsusulat. Nakakaengganyo lang kasi yung ibang author kasi ang gagaling nila magsulat ng storya.
------si Alexa po yang nasa picture.