Chapter 4

795 41 1
                                    


Nagising ako sa pagkakatulog ko ng may nakaapak sa akin

Ng tignan ko kung sino si Kim pala kaya tinignan ko na lang siya ng masama

Nang mapatingin ako sa orasan ko 11:05 late na ko sa klase ko

Kaya walang paligoy-ligoy akong umalis sa library kahit inaantok pa ako at iniwan ko na sya dun

Pero naisip ko na umuwi na lang sa bahay kase wala na rin akong gana makinig sa ituturo ng mga teacher namin

Habang pauwi ay sobrang dami kong iniisip kung bakit kailangan kong lumipat ng school?Eh may highschool naman sa dating school ko

"Ang buhay ay parang life nga talaga".Hays

Hindi kami mayaman sakto lang yung nakakakain kami ng tatlong beses sa isang araw

Yung nabibili ko naman yung mga gusto ko

Yung may time naman kami para maggala

Aaminin ko minsan hindi ko maintindihan yung sarili ko lalo na yung ugali ko

Yung tipong masaya ka ngayon tapos mamaya nagtataray tapos bukas nagdadrama tapos makikipag-away

Siguro nga hindi lang talaga ako sanay sa mga nakikita ko sa paligid ko ngayon

Pero magiging okay din ako not now but soon :)

Nakauwi nako samin kahit hindi pa talaga uwian namin

Magpapahinga muna ko sobrang pagod na ako emotional and physical kailangan ko rin naman ng pahinga

Medyo madilim na nung nagising ako tapos tinawag ako ni mama

"Phire aga mo yatang nakauwi?Kamusta?Ayos lang ba yung bago mong school?"

"Opo okay naman po"

"Oh tara na dito kain na tayo"

Pagkatapos kumain ay hinugasan ko na yung mga pinagkainan namin

"Ma?Bakit kailangan kong lumipat ng school?"biglang sumagi ang tanong na yan sa isip ko

"Sapphire hindi kaba titigil sa kakatanong mo tungkol diyan?"

"Ma,ngayon ko lang ito tatanong sayo!"

"Inilipat kita kase gusto kong lumabas ka sa comfort zone mo and try to move on sa mga nangyare sayo lalo na sa pamilya natin"

Dahil sa huling sinabi niya napatahimik na lang ako at pumunta na sa kwarto ko para ikalma yung nararamdaman ko

Kinuha at tiningnan ko yung photo album na matagal ko ng tinatago nakita ko yung mga litrato na nagpapakita ng saya sa mga mata ko

"Ang saya ko dito anong nangyare ngayon"biglang bulong ko sa sarili ko at medyo nakaramdam ako ng lungkot

Nilipat ko pa sa ibang page at mas lalo akong nakaramdam ng lungkot at medyo naiiyak narin ako

Pero maya maya ay tinigil ko na rin dahil alam kong wala narin naman mangyayare kung babalik balikan ko pa yun

Kelan kaya matatapos to?Matatapos pa nga ba talaga?Sana may tumulong sa akin para makabangon sa pagkakalubog ko sa nakaraan.

-
So ayun nga po salamat po sa paghihintay ng update :) Pasensya na naging masyadong busy e Babawi si ako Salamat😘❤Saranghae❤

The Worst SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon