Chapter 8

729 27 6
                                        

Hindi ko maintindihan kung ano ang nararamdaman ko ngayon kung kaba ba ito o saya dahil magkikita kami sa huling sandali o baka naman lungkot kase ito na ang huling pagkikita namin kase walang kasiguraduhan ang lahat

Matagal narin kami magkasama ni Janina kaya nahihirapan din ako sa pag-alis niya alam kong nahihirapan din siya kase may pangako kami sa isa't isa na hindi kami maghihiwalay kahit kailan pero siguro nga totoo na Promises are meant to be broken kaya eto magkakalayo na kami

Sabi nga sa kanta ni Jireh Lim na magkabilang mundo "Dito ay umaga at diyan ay gabi ang oras natin ay magkasalungat" kahit sabihin natin na uso na ang technology ngayon hindi parin ako nakakasigurado kung magkakaroon parin tayo ng komunikasyon dahil nasa magkabilang mundo na tayo

Malapit na kami sa Airport at halos 2hrs din ang naging biyahe namin mula Subic, Zambales hanggang airport dahil hindi rin kami nakaiwas sa traffic

Heto na.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa kaba kase eto na nandito na kami sa mismong harap ng airport

1hour na lang ang natitirang oras bago sila magcheck in kaya hindi ko mapigilan ang sarili kong tumakbo papasok ng airport

Alam kong hinihintay moko Janina

Alam kong may mahalaga kang sasabihin sa akin

Nararamdaman ko.

Mula sa malayo ay natanaw ko sya at kitang-kita ko ang lungkot sa mukha niya kaya hindi ko napigilan ang pagbagsak ng mga luha ko habang papalapit kami sa isa't isa

Hindi ko ineexpect na magiging ganto kong kaemosyonal sa huling pagkikita namin

Napahinto ako sa paglakad dahil hindi ko kaya

Hindi ko kaya na lapitan siya at magpaalam

Sabihin nyo ng ang childish ko dahil sa inaasal ko pero sino bang tao ang matutuwa kapag aaalis yung taong mahal mo

Bigla akong niyakap ni Janina na naging dahilan ng paglambot ng aking mga tuhod kayanapaupo ako sa sahig pero hindi niya ako binitawan at patuloy parin siya sa pagyakap sa akin
habang umiiyak kami parehas

Alam kong maraming tao na ang nanonood sa amin pero heto kami at nag-iiyakan

"Sapphire tumingin ka sa akin" pakiusap na sambit niya sa akin at agad ko naman siyang nilingon

Kitang kita ko ang namamaga ang mata niya pero patuloy parin ito sa pagluha alam kong magdamag na siya umiiyak kaya pinilit ko na ikalma siya kahit sa sarili ko ay hindi ko
magawa

"Nina, huwag ka ng umiyak namamaga na mata mo oh! Ang pangit mo na tuloy hah.ah.aha" pabirong sabi ko pero bakas parin ang sakit

"Oo na sige huhuhu, sobrang mamimiss lang talaga kita kase huhuhu alam mo namang ikaw lang ang nag-iisang kaibigan ko na hindi ako iniwan at laging nandyan sa akin" pahikbi hikbi na sabi niya sa akin

"Ako rin sobrang mamimiss kita :( alam mo naman yung pinagdaanan natin together hindi ko makakalimutan yun"

"Bakit ba biglaan kayong aalis?" dagdag ko

Hindi ko talaga alam bakit biglaan yung pagpunta nila sa Canada parang kahapon lang pinagplanuhan tapos eto na aalis na sila

"Malalaman mo rin sa tamang panahon Sapphire" nakangiting sambit niya

Bakas sa ngiti niya lungkot dahil sa pag-alis nila pero wala naman siyang magagawa kundi sundin ang pamilya niya

"Mag-iingat ka palagi ha, alagaan mo sarili mo tsaka kumain ka sa tamang oras at iwasan mo na ang pagiging masungit love na love kita alam mo yan"

The Worst SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon