Ngayon ko na lang ulit nakita na gantong kasaya si Mama simula nung lumipat kami ng bahay
Parang yung saya niya ay katulad nung nakikita ko noong kasama pa namin si Kuya Gio yung tipong kapag kumakain kami ang sigla ng hapag kainan kase hindi nawawala yung mga corny na jokes ni kuya
Kung nandito ka sana kuya edi laging ganto kasaya yung bahay tsaka hindi na namin kailangan lumipat ng bahay
"Sapphire ano pa tinitingin mo diyan baba ka na rito!" masiglang tawag sa akin ni Gray
Sa kanilang apat talaga si Gray ang pinakajolly at walang hiya pero kahit ganiyan yan may pusong mamon yan
Dahil sa pagsigaw niya napatingin sila mama sa gawi ko na naging dahilan ng pagka-ilang ko
"Anak tara na dito at kakain na tayo" nakangiting sabi ni mama
"Opo mama"Iba talaga yung mga ngiti niya
Bumaba na rin ako dahil nagugutom na talaga ako at hindi ko na matiis yung amoy ng adobo ni mama *_*
"Upo na ho kayo rito at kakain na tayo" aya ni mama kay manong
Bago kami mag-umpisa na kumain ay pinakilala ko muna sila kay mama baka sabihin e walang hiya ako hahahahha"Nga pala mama pakilala ko muna sila hehehhe" nahihiyang sabi ko
"Dapat lang noh" mapang-inis na sabi ni Lia
"K"
"Ma eto pala si Lia pinsan ni Gray at yung katabi naman ni Lia sa kaliwa ay si Kim, at sa kanan ay si Gray"
"Nak ayos na kilala ko na sila" nakangiting tingin sa akin ni Mama
Nagsimula na kaming magdasal at pagkatapos ay kumain na rin. Hindi ko mapigilan na hindi mapatingin sa kanila dahil kitang-kita talaga sa mga mukha nila yung gutom hahahahaha. Napangiti at sabay iling na lang ako at pinagpatuloy ang pagkain ko.
"Napapano ka?" sabay siko sa akin ni Mama "Ayos ka lang ba? baka may amats kana hahaha" hindi na napigilan ni mama yung tawa niya kaya napatingin sa amin yung iba kaya napatahimik na lang ako.
Alam niyo ba ngayon na lang ulit naging masaya ang hapag-kainan kaya nagpapasalamat ako sa kanila dahil nandito sila para samahan ako.
Natigil ako sa pag-iisip ng may kumuha na ng plato ko kaya bigla akong napatayo
"ahhm, ligpitin ko na sana yung pinagkainan natin para mahugasan na rin hehehe" nag-aalangang sabi ni Liah
"Ay sige tulungan na kita"
Sabay namin tinahak ni Liah ang lababo para mahugasan na yung pinagkainan namin. Habang tinutulungan niya ko maghugas ay marami rin kaming napagkwentuhan tungkol sa mga kalokohan nila noong mga bata pa sila. Hindi mawala sa labi ko yung ngiti dahil sobrang detalyado talaga ng pagkekwento niya at full energy from Gary V pa siya.
"Grabe ka Liah napakadami kong tawa sa'yo ahahahaha sumakit tuloy tiyan ko hahahahaha" sabay himas sa tiyan ko
Makalipas ang ilang oras ay nagpaalam na rin na uuwi na sila dahil hinahanap na rin sila at malayo rin kase ang inuuwian ni Manong kaya dapat maihatid na sila.
"Ingat kayo mga anak" nakangiting sabi ni Mama "Nga pala babalik kayo ha?para makapagkwentuhan pa tayo" dagdag pa niya.
Hinatid na namin sila ni Mama sa may sasakyan nila at nagpaalam na rin kami.
"Ingat kayo at salamat din sa inyong lahat dahil tinulungan nyoko " nakangiting sabi ko.
"Walang anuman sapphire,salamat din"
"See you na lang sa school"
Nagsimula ng umandar papalayo ang sasakyan at umakyat na rin ako sa kwarto para makapagpahinga pero kasabay nito ang lungkot dahil heto na naman ako babalik sa lugar kung saan ako lang mag-isa ang nakakaunawa sa sarili ko.
Sana mahanap ko yung mga totoong tao na tatanggapin yung isang tulad ko.
BINABASA MO ANG
The Worst Section
Teen Fiction"Every student have a dream to go in beautiful school and having a new friends" Doon ka makakatagpo ng bagong ituturing mong kapatid at magiging classmate/bestfriend Pero di lahat ng taong nakapalibot sayo ay tinuturing kang kaibigan Paano kung mal...