Chapter 22

11.7K 433 60
                                    

"LANCE runaway?" bulalas ni Darwin.

Naitakip niya ang mga kamay sa tenga sa lakas ng boses nito. Mas OA pa kung maka react ang 'sang 'to kaysa sa kanya. Nabulahaw tuloy nito ang lahat ng nagka-kape sa Dolce Fate. Umagang-umaga, Darwin, OA. She told him everything that happened before Lance went missing. She was so upset with Lance the other night. She was so stressed out. Probably the reason why she fainted. Hindi niya nakayanan ang matinding emosyon.

Nagising na lang siya sa isang private room sa isang ospital kinaumagahan. Ni note ay wala siyang nakuha mula rito. Hindi niya maiwasang mainis at masaktan sa biglang pagkawala nito. Pagkatapos niyang ipagtapat ang tungkol sa pagbubuntis niya ay nilayasan lang siya ng walangya.

Tatlong araw na ang dumaan. She hadn't heard anything from him yet. Unbelievable! Napa-iling-iling na lang talaga siya.

"Did you tried calling him?"

"He wont pick up his phone."

"Have you tried calling his mother?"

"Why would I do that? Matagal na akong walang communication sa family ni Lance. At saka, 'di naman ako naghahabol sa kanya. I did my part. I told him that I'm pregnant with his child. He can't use that to me anymore dahil hindi ako naging selfish na ina. Malinaw na malinaw 'yong sinabi ko sa kanya. Hindi ko siya ino-obliga na panagutan ako. I just want him to know. If that was his decision, then fine with me. Kaya kong buhayin ang anak namin na mag-isa."

"But why are you so angry? Umuusok na 'yang ilong at tenga mo. Akala ko ba, 'di ka affected? You seem like you're about to explode."

"Well, you can't blame me." Kumalma na siya. "I didn't expect him to be this jerk. I'm just upset, okay? Nasasaktan ako para sa anak ko."

"Ninyo," pagtatama nito.

"He didn't want our child."

"Huwag ka ngang mag-assume agad. Wala naman siyang sinabi na 'di niya gusto ang anak ninyo. Baka nag-soul searching lang. Huwag mo namang i-judge agad ang asawa mo."

"Well, he could have said it straight to my face. Hindi 'yong lalayasan na lang niya ako bigla. Anong akala niya sa akin, manghuhula? How in the hell would I know kung anong tumakbo sa isip niya?"

"Baka nakakalimutan mong ikaw ang unang nawala na lamang na parang bola."

"Well, iba naman 'yong kaso ko. Darwin, nilayasan ako ni Lance pagkatapos kong sabihin sa kanya na buntis ako. Sinong matinong tao ang mag-iisip na nag-babakasyon lang ngayon si Lance?"

"Ako," itinaas nito ang isang kamay.

Binato niya ng tissue si Darwin. "Isa ka pa e. Magsama kayo ni Lance."

Tinawanan lang siya ng loko. Kung kailan niya kailangan ng matinong kausap, 'di niya naman magawang kausapin nang matino 'tong si Darwin. Hindi niya alam kung, kakampi niya ba ito o hindi. Kasama nga niya ito pero iba naman ipinaglalaban. Tsk.

"Allysa, relax. Babalik din si Lance."

"How sure you are?"

Darwin shrugged his shoulders. "I don't know. I guess? Ikaw, ano sa tingin mo? Mas kilala mo si Lance kaysa sa akin. Anong klaseng tao ba si Lance? Sa tingin mo magagawa ka nga ba niyang takbuhan?"

Naglapat ang mga labi niya. Well, Darwin has a point. Hindi ganoong klaseng lalaki si Lance. Kilala niya ito bilang responsableng anak. Kahit noong estudyante pa lamang sila. Lagi itong top sa klase nito at maraming beses na nabigyan ng award for academics and extracurricular activities. Hindi naman kasi ito ang klase na snob at nerd.

FATE 1: LOVE, LIES AND FATE - COMPLETED 2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon