Chapter 1

19.4K 583 52
                                    

"SAAN ka na naman galing kagabi Allysa?" bungad na tanong agad ni Amanda, ang ina ni Allysa sa mautoridad na boses. Her mother has the best villain step-mother voice and lines that would complete her miserable life's story. Kaibahan nga lang at totoo niya itong ina at hindi siya sampid sa pamamahay na ito.

Hindi pa nga siya nakakababa ay nakataas na ang kilay at nagbabantang tingin ng kanyang ina. Nakatayo na ito sa ibaba ng hagdan. In her mind, parang inaabangan siya ng isang dragon na kakain sa kanya nang buo.

Kakagising niya palang heto at sesermonan na naman siya ng donya niyang ina. Oh well, ano pa bang bago? My mother hates me. End of the story. Napakamot siya sa batok at napahikab bago tuluyang nakababa.

Nang nasa huling baitang na siya ay nagsalita ulit ito.

"Saan ka galing?" pabagsak na tanong nito.

"Sa kwarto ko," casual na sagot niya. "Kita mo nga kababa ko lang." Halata sa boses niya ang sarkasmo sa pagsagot niya rito.

Halatang hindi nagustuhan ng donya niyang ina ang kanyang sagot. Kahit naman igawa niya pa ng one thousand pages na nobela ang kanyang buhay hindi pa rin nito paniniwalaan ang kahit na anong nakasulat doon. Sarado ang isip nito pagdating sa kanya.

"Wala ka na ba talagang ibang ibibigay sa pamilyang ito kung hindi ang kahihiyan? My goodness, you're already twenty six Allysa pero ganyan pa rin ang ugali mo. Grow up already! Hindi dahil hinahayaan kita sa mga kabaliwan at bisyo mo may karapatan ka na na sirain nang husto ang pangalan ng pamilya natin. You're still using your father's name. A little respect would be enough."

Nagtagis ang mga panga niya sa pagpipigil na sagutin ito. Hindi ka sasagot Allysa. Kalma. Hayaan mo na 'yang nanay mo. She doesn't know anything about you. Pilit siyang ngumiti sa ina. Allysa's signatured sweet smile that would always make her mother cringe in pure annoyance.

Tama nga siya, lalo lang nainis ang ina niya sa kanya. Parang ano mang oras ay iaangat na nito ang kamay para sampalin siya but her mother was holding herself not to resort to any violent reaction.

Humugot ito nang malalim na hininga bago ulit nagsalita.

"Buti naman at na isipan mong umuwi ngayon?" pag-iiba nito.

"It's more fun at home," nakangiti pa rin niyang sagot.

"Take a bath and fix yourself." She said sternly; finally accepting her own defeat. "Paparating na ang pamilya nila Lance. Huwag mo akong ipahiya sa kanila." Dagdag pa nito bago siya nito tinalikuran.

Marahas na napabuga siya ng hangin. Naisuklay niya ang mga daliri sa buhok at mariing napapikit. Ngayon na pala ang araw ng pamamanhikan ng pamilya nila Lance. Now that she remembers it. Parang ayaw na niyang sumama sa family dinner mamaya.

Can she fake an illness so she can excuse herself? Maybe runaway? Die?

Tumaas ang isang kamay niya sa dibdib niya kung saan ang puso niya. She clutched on the thin fabric of her blouse as if it could hold the pain growing in her chest. As if it could give her enough strength to restrain herself from crying and from feeling sad. Lance.

"Ma'am Allysa," pukaw ng isang pamilyar na boses. Naimulat niya ang mga mata at napatitig sa matagal nang kasambahay ng pamilya nila na si Manang Indang. "Okay lang po ba kayo?" puno ng pag-aalalang tanong ni Manang sa kanya.

Tipid na ngiti at tango lang ang ibinigay niya sa matanda.

May ngiting inabot nito ang isang kamay niya at marahang pinisil 'yon. "Huwag mo na lamang pansinin ang mama mo, hija. Alam ko namang hindi ka ganoong klaseng tao." Mahinang tinapik nito ang pisngi niya bago siya nito iniwan.

FATE 1: LOVE, LIES AND FATE - COMPLETED 2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon