Chapter 1

803 13 1
                                    

Guys first time ko talaga 'to so please pagtiyagaan niyo nalang hehe
--

*Javadd*

"Baaaaaabe!!"

Napalingon ako para tignan ang taong tumawag sa akin na may familiar na boses.

"Cath??"

"Yes! The only and only sexiest and most beautiful in this university" sabi niya ng buong sigla. Napakajolly talaga ng taong 'to

She's Catherine Ann Mercado, and she's my bestfriend since highschool.. She is chubby, Jolly, and Kind. BS in Education 'Major in English' ang kanyang kursong kinuha. Sobrang bait talaga nitong bestfriend ko at mapagkakatiwalaan pa. Sa kanya lang ako nagtitiwala ng sobra and the rest wala nakong pinagkakatiwalaan pa..

Mahirap ng magtiwala ngayon, bibihira nalang talaga yung mga taong pwede mong pagkatiwalaan at turingan na tunay na kaibigan..

"Babe tara kaen tayo, sobrang gutom na talaga 'tong tiyan ko kanina pa nagwawala" haay ito talagang bestfriend kong 'to panay pagkain ang nasa utak, kaya wag na kayong magtaka kung bakit chubby siya hehe Pshhh secret lang naten yun ahh?? Hehe

Baket babe tawag niya sa'ken?? Kase dahil madalas kameng magkasama sa campus at napagkakamalan kameng magsyota lalo na yung mga classmates niya kaya sinabi niyang boyfriend niya ako pero ayaw maniwala ng mga mates niya kase sa gwapo kong 'to boyfriend niya?? Hahaha sumasakay nalang ako sa mga kalokohan niya para hindi nalang muna ako landiin ng mga babaeng nagkakagusto saken kase hindi pako move on since nagbreak kame ni Janine ko 😞 ayoko munang mag entertain ng iba..

The past..

"Baby, please bigyan mo pa ako ng 2nd chance." Iyak ako ng iyak sa phone habang kausap siya.

"Wala na tayong dapat pag usapan pa Javadd, dahil sawang-sawa nako at hirap na hirap nako!" Galit niyang sabi sa kabilang linya

"Janine please, wala naman dapat ikaselos samen lalo na't magpinsan kame at ang layo ng level mo sa level niya at hinding-hindi kita kayang ipagpalit sa kahit sino man dyan" pagpapaliwanag ko sa kanya

Yes, pinag aawayan nameng madalas yung pinsan ko na patay na patay saken. Actually 4th cousin ko na kaya malayo na at lately nalang nalaman na magpinsan kame ni Charie.. Charie Dizon name ng pinsan ko, lalo na't nagkaroon siya ng feelings saken kaya ganun nalang katindi magselos ni Baby ko kase masyadong clingy si Charie

"Lagi nalang Javadd!! Baket ba kase hindi mo siya kayang ipagtabuyan?! Daig niya pa yung lintang dikit ng dikit sayo!! Ikaw naman e wala ka man lang ginagawang aksyon!!" Galit na galit niyang sabi

"Ginawa ko na yung part ko, ipinagtabuyan ko na siya at alam mong hindi ko kayang maging harsh sa mga babae dahil malaki ang respeto ko sa mga babae at alam mo yan Janine." Pagpapaliwanag ko ng mahinahon sa kanya

"Then wala nang dapat pag usapan pa!! Magsama kayo!!"

"Bab~" binabaan na niya ako ng phone

Haaay napakaimmature talaga. Siguro kailangan ko muna siyang bigyan ng time and space. Naniniwala ako na magiging okay din ang lahat

End past..

Bumalik nalang ako sa katinuan ko nang hinila ng bestfriend ko ang braso ko papunta ng canteen dahil gutom na gutom na raw ang loko.

"Tulala ka na naman" inis niyang sabi habang hinihila parin ang braso at hindi nako magtataka pa kung bakit niya ako nadadala, sa laki ba naman ng mokong na 'to

Mr. Civil Engineering meets Mr. Aeronautical Engineering (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon