Chapter 6

382 9 3
                                    

*Lim*

Habang pauwi ako galing kina Javadd, di pa rin maalis sa isip ko yung ngiti niya. Gwapo siya kung titignan, matangkad, matalino at mabait kung mas kikilalanin mo pa.

Hindi ko lubos maisip na magiging magkaibigan kaming dalawa. Ang alam ko lang e hindi naging maganda yung simula ng pagkakakilala namen sa isa't isa.

*Beep*

Message from Unknown Number:
"Thnakyou ulit.. ingat p're!! -Javadd"

Napangiti ako sa message na natanggap ko.

Ano kayang magandang i-save sa contact name niya dito sa phone ko. 🤔

Fvck kanina pa pala nagtetext at tumatawag si Sophie.

3missed calls from my Hon❤️

Message from my Hon❤️:
"Hon hatid mo'ko ne? Wala si manong hindi raw ako masusundo."
"I'll text you when I'm dismissed Hon. I love you 😘 "
"Hon last subject nalang po ako."
"Hon malapit na'ko madismiss. See you 😚 and I love you ❤️"
"Hon dismiss na'ko 'til now wala ka pa rin reply"
"Hon saan ka'na kanina pa'ko naghihintay sayo."
"Hon 😢"

Fvck sorry hon huhu nakakakonsensiya yung ginawa ko.

My reply to my hon❤️:
"Hon sorry If I don't respond with your texts and calls. :( I'm really sorry.. I'm just so busy today kaya hindi ko na namalayan yung phone ko at ngayon ko lang napansin yung mga text at tawag mo. Babawi ako Hon sorry talaga :( I love you so much Hon ❤️"

Message from Unknown number:
"Text ka nalang pag kauwi mo"

My reply to Javadd:
"Ba't naman kita itetext kauwi ko?" Medyo nawalan ako sa mood dahil sa guilt ko kay Sophie.

Message from Unknown number:
"Aba ang sungit ahh. Para alam ko lang na nakauwi ka ng safe. 🙂"

Fvck concern siya sa'ken! Medyo bumalik ulit mood ko.

My Reply to Javadd:
"Noted boss. ❤️"

Fvck! Mali pa yung emoji na nailagay ko! Ang hirap talaga ng natetext habang nagdrdrive. Ts

My reply to Javadd:
"Noted boss. 😂*"
Sending..
Sending..
Sending..
Message sending failed

Message from 8080:
"Naku! Expired na ang iyong Comboall20. Baka gusto mong subukan ang bagong ALL-IN 20 ni TM ! May Unlicalls sa TM/Globe/ABS-CBN/Cherry, Unli Allnet texts at 100MB ng FB for 2 days, P20 lang! I-text ang A20 sa 8080 para mag-register. Ibang promo ba ang hanap mo? Dial *143# for free."

Fvck?

Nakakahiyaaaaa 😱

Ang gay ng red heart na emojing yun. Huhuhu

Hindi na siya nagreply. Feeling ko nagalit dahil sa heart na yun huhu

Saan naman kaya ako magpapaload neto sa kalagitnaan ng byahe ko. Disoras na pa naman ng gabi sa tingin ko wala ng bukas na loading station sa mga daanan ko huhuhu

Mr. Civil Engineering meets Mr. Aeronautical Engineering (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon