Wala pa namang masyadong readers kaya okay lang siguro kung late update HAHAHA jk ✌🏻️
~~*Javadd*
"And that was next week mga anak" dagdag ni daddy
"What??"
Iiwan nila samen 'tong maliliit nameng kapatid samen?!
"Yes son, may business trip ako sa U.S at kasama ko mommy niyo. kayo muna sanang bahala sa mga kapatid niyo habang wala kame" pakiusap ng aking daddy sa akin.
Baket kase hindi sila kumuha ng yaya e, 2 weeks na since sinesante ni Dad yung maid namen dahil nahuli sa CCTV cameras na naguungkat sila ng mga gamit namen at simula non e hindi pa kumukuha ng bagong maid si Daddy baka mas marami raw ang mawalang mga gamit namen habang wala sila.
"Eh paano ikaw mom?? Diba may mga klase ka na dapat pasukan?? Paano na yung mga estudyante mo??" Sabat naman ni kambal habang siniserve ng waiter ang aming orders
"Nagawan ko na ng paraan yun mga anak, kailangan ng kasama ng daddy niyo dun at para rin sa inyo itong ginagawa namen ng daddy niyo, sana maintindihan niyo" paliwanag naman ni mommy
"Kailan naman yung balik niyo??" Tanong ko sa kanila habang nagsisimula nakong kumain, gutom na gutom na kase ako e
"Tentative pa Son, iuupdate nalang namen kayo through skype, don't worry dadalaw-dalawin naman raw kayo ni Tita Mye niyo sa bahay para kumustahin kayo at magabayan kayo habang wala kami ng mommy niyo" saad ng aking daddy habang nagsisimula na ring kumain
Ang mga kapatid ko naman ay sige lang ng sige sa pag kain ni hindi man lang nakikinig sa usapan tapos mamayang tapos na yung usapan dun sila nagrereact react kung bakit aalis sina mommy at daddy. Haaay naku.
~~
Bumaba ako sa sasakyan at dumeretso na ng kwarto, ayoko pa ring maging babysitter! Ugh 😑
Pano nalang ako makakapagfocus sa pag aaral ko kung pagsasabayin ko yung pag aasikaso ko sa mga kapatid ko at pag gawa ng mga homeworks at projects?!
Aha! 💡
Ang talino mo talaga Javadd!
Dadalhin ko nalang sila kina lola para solo ko 'tong bahay habang wala sila 😈
~~
1 week later..
"Anak kayo na ang bahala sa mga kapatid mo ha?? Wag niyo sila papabayaan lalo na si bunso okay??" Paalala ni mom samen ni kambalNandito na kame sa airport, kasama kong naghatid kina mom and dad si kambal dahil natutulog pa si lil'sis at lil'bro. Maaga kaseng nakasched yung flight nina daddy e kaya maaga rin kameng nandito sa airport
"Okay mom, sige na baka mahuli pa kayo sa flight. Bye mom, bye dad, I love you po" sagot ko at ganun din ang kambal ko saka kame nagyakapan
"Kayo na bahala ah, hindi na kame nakapagpaalam pa sa kanila ayaw namen silang maistorbo pa sa tulog dahil may pasok pa si baby girl" paalala ni mom saka na sila naglakad palayo sa aming kinatatayuan kanina
"Tara na??" Pag aya ng aking kambal sakin
Hinagis ko sa kanya yung susi ng kotse.
"Ikaw na magdrive, antok pako e idlip lang ako"
Hinagis pabalik saken ni kambal yung susi ng kotse
"Ikaw na, at ako yung matutulog, sayo 'tong kotse na 'to kaya ikaw magdrive"
Ughhhh! Naisahan ako dun ah.
Wala nakong nagawa at ako na nga ang nagdrive ng sasakyan.
Nakadating kame ng bahay ng 06:12 A.M. Kaya iidlip muna ako kahit mga 30mins lang.
BINABASA MO ANG
Mr. Civil Engineering meets Mr. Aeronautical Engineering (boyxboy)
عاطفيةHi, I'm Javadd Neovyl Peralta.. I'm in 1st year college of BS in Civil Engineering at Holy Angel University.. Matangkad, Matalino, Hearthrob nung highschool, Maputi, Bilog ang mata pero sumisingkit pag ngumingiti, asset ko "daw" yung perfect smile k...