Guys kung sino mang marunong gumawa ng cover page ng story ko I really do appreciate sa mag iinsist. Mamimili ako at icrecredit ko sa kanya yung gawa niya. Thank you!
Anyway shoutout nga pala kay IamJimin_Park13 Thank you for inspiring me with your comment.
Character nga pala ni Janine yung nasa photo.
~~*Javadd*
Ang daming nag iiyakan sa isang funeral, tanaw na tanaw ko sina Mommy, Daddy, at ang mga kapatid ko pati na rin ang mga kaibigan ko na nagluluksa sa harap ng isang kabaong.
Nagtataka ako kung sino ang pinagluluksahan kaya nagpasya ko itong lapitan, laking gulat ko at ang sarili ko ang nakita kong nakahimlay sa isang kabaong.
"Mom, Dad! Nandito ako. Hindi ako yan! Nandito ako sa tabi niyo." Ngunit tila hangin lamang ako sa kanila at patuloy lang sila sa pag iyak.
"Anak ko! Kung alam ko lang na ganito ang mangyayare sana hindi ko na kayo iniwan ng mga kapatid mo! Sana nanatili nalang ako sa tabi niyo at mas nabantayan ko pa kayo." Hagulgol ng aking mommy sa harap ng aking kabaong
"Love, tama na. Hindi na naten maibabalik ang buhay ng anak naten. Wag mong sisihin ang sarili mo. Kung nandito lang ang anak mo hindi niya gugustuhin na nakikita kang nagkakaganya." Pag comfort ni Daddy habang patuloy lang ito sa pag iyak sa harap ng nakahimlay kong katawan
"Mom, tama na. Nalulungkot ako ng sobra na nakikita kang nagkakaganyan." Ngunit hindi talaga nila ako naririnig
"Tumigil ka! Hindi ang magulang ang maglilibing sa kanyang anak!" Patuloy lang sa paghahagulgol ng aking mommy pati na rin ang akin mga kapatid at kaibigan sa harap ng aking burol
"Anak ko! 'Di ba sabi mo you'll make me proud? Ang sabi mo magsisikap kang maging cum laude at ako ang isasama mong magmamarcha sa graduation mo ngayong college? Nagpromise kapa saken na ikaw yung magdedesign ng ipapatayo mong bahay para samin ng daddy mo at idedecorate naten as a family yon. Baket hindi ka tumupad sa pangako mong yon?" Ramdam ko ang bigat sa puso ng aking mahal na ina
Lalong lumalim ang naramdaman kong lungkot sa mga narinig ko. Hindi ko namalayang tumulo na rin pala ang luha sa aking mga mata.
Bakit? Bakit kailangan ko pang mamatay?
Bakit ako pa? Hindi pa ako handa papa God. 😭
Gusto ko pang makasama ng matagal ang akin mga mahal sa buhay. Gusto ko pang maabot ang mga pangarap ko para sa kanila.
Marami pa akong gustong gawin. Napakaunfair lang bakit ako pa?
Napapikit nalang ako sa nangyare at sa aking muling pagdilat nawala ang lahat ng nagluluksa sa aking harapan at napakatahimik ng paligid.
Tila puti lamang ang aking nakikita. Ito na ba ang langit? Masyadong malamig sa pakiramdam at hindi ko maigalaw ang aking katawan.
"Babe? Gising kana?! Thank you Lord!" Pagkagulat ng aking bestfriend na si Cath "Nurse! Nurse! Teka tatawag lang ako ng nurse sa labas" tuluyan ng nilisan ng bestfriend ko ang silid.
Nagtingin tingin ako sa aking paligid at sa aking tantsa ay nasa hospital nga ako. Teka ano ba ang nangyare?
Baket diko maigalaw ang katawan ko. Pero thank God at buhay pako. Napakamasalimuot ng panaginip na yon. Ayoko pang mamatay. Salamat talaga Panginoon.
"Pakicheck ang vitals" utos ng Doctor na kakapasok lamang ng aking silid kasama ng dalawang nurse.
Habang nasa kalagitnaan ng pagmomonitor sa akin, bigla kong naalala ang nangyare sakin. May tatlong kalalakihan na pinagtulungan akong bugbugin kaya wala akong kalaban laban.
BINABASA MO ANG
Mr. Civil Engineering meets Mr. Aeronautical Engineering (boyxboy)
RomanceHi, I'm Javadd Neovyl Peralta.. I'm in 1st year college of BS in Civil Engineering at Holy Angel University.. Matangkad, Matalino, Hearthrob nung highschool, Maputi, Bilog ang mata pero sumisingkit pag ngumingiti, asset ko "daw" yung perfect smile k...