To all my readers who've read my story, I owe you an apology for hanging this story up for a long time. So since you deserved the continuation of this story, I will do my best to make this more interesting. Thank you to all the supporters of this story. Nagrecap ako sa mga previous chapters ko mapapaface palm nalang talaga ako sa mga naging gramatically errors ko. 😂 16 years old lang ata ako nung sinimulan kong isulat to. I'll fix them sa mga susunod na mga araw. Enjoy this chapter! 😊
~~*Javaad"
Nandito kame ngayon sa Mcdo malapit sa school namen. Given naman na ata na may malapit na fast food chain like Mcdo and Jollibee sa mga Universities. Namiss ko rin kumain dito sa mcdo ang tagal na rin nung last na kumain ako dito.
So nakaupo ako ngayon habang hinihintay si Lim dahil siya na yung nag order ng lunch namen since ang sabi niya ay sagot daw niya, nakatitig ako sa kahon na may pulang ribbon na nakapatong sa table.
**AWHILE AGO.
"Baket kase hindi mo ilagay sa bag mo yan kesa sa bitbit-bitbit mo" ang sabi ko habang paupo sa napili nameng table.
"Hayaan mo na, natutuwa lang talaga ako at gusto ko lang talagang ipagmalaki na merong nagbigay sa'ken ng ganito" habang nilalapag nya ang kanyang bag sa upuan at ang box sa mesa
"Anong gusto mo orderin ko para sayo?" Tanong niya "Ako na mag oorder at pakibantayan mo nalang maigi 'tong box na to" habang tinatapik tapik niya ng banayad yung box sa mesa.
"Kahit ano, ikaw na bahala basta wag lang spaghetti" sagot ko sa kanya habang kinakalkal ko ang phone ko sa bag.
"Noted Singkit."
Ha?
Magsasalita pa sana ako pero wala na pala tong kausap ko.
~~
Baket kaya singkit tawag nya saken e bilog naman tong mga mata ko. Nasa kalagitnaan ako ng pagmuni-muni ng biglang may nagsnap ng finger sa harap ng mukha ko."Hoy bat tulala ka dyan, ang lalim ng iniisip mo?" Sagot nya habang inaareglo tong pagkain namen.
"Bat ang bilis mo ata?" Tanong ko
"May priority lane para sa mga gwapo e." Tugon niya habang tumatawa tawa pa.
Talaga ba? Lumingon ako sa counter para tignan kung meron ba talaga
"Biro lang ito naman, agad naniniwala" pang asar niya habang pinipigilan ang tawa. "Bigla kaseng may nagbukas na counter so lumipat nalang ako ng pila kaya ako yung agad na naasikaso." Dagdag niya.
"Ahh okay, kaen na tayo gutom nako e." Sagot ko habang inaalis na sa balot yung rice.
~~
"Hindi mo pa ako sinasagot, baket ang lalim ng iniisip mo kanina?" Tanong niya.
Tapos na nga pala kameng kumain, nagpapahinga nalang. Ang dami nameng nakain, ang dami naman kase ng inorder niya e. Pang apat na tao. Haay
"Ahh wala nacurious lang ako baket tinawag mo akong Singkit kanina?" Sagot ko sa tanong niya.
"Ahh wala sarcastic lang yon SINGKIT" sabay kindat. "So kabaliktaran kaya tinawag kitang singkit" pang-asar niya habang natatawa-tawa pa.
BINABASA MO ANG
Mr. Civil Engineering meets Mr. Aeronautical Engineering (boyxboy)
RomanceHi, I'm Javadd Neovyl Peralta.. I'm in 1st year college of BS in Civil Engineering at Holy Angel University.. Matangkad, Matalino, Hearthrob nung highschool, Maputi, Bilog ang mata pero sumisingkit pag ngumingiti, asset ko "daw" yung perfect smile k...