CHAPTER 6

2 0 0
                                    

Sabado ngayon, wala kaming klase kaya naglaba ako at naglinis ng kwarto namin, tagaluto lang yung nanay ko dito sa kanila ni Ian pero minsan sinasama ni tita Grace sa mga out of town conference niya. At ngayon nasa Bagiuo sila kaya ako ang nanay ng mga kapatid ko ngayon at tagapagluto na rin ng pagkain nina Ian at Tito Wil.

"Hexa, wag ka na nga palang magluto ng hapunan, sa labas tayo kakain, nagpadeliver na ako ng pagkain para sa lahat. Inimbitahan tayo ng kaklase natin sa bar, may gig daw kasi siya dun at nagbabakasakali siyang baka ma-inspire tayo na tumugtog sa mga Bar." ang haba naman ng paliwanag nito, hayyy.... sa bar na naman.. kakaladkarin ko na naman itong si Ian pauwi.

"Oh cge! maganda yan at nang malibang ko ang mga mata ko sa mga magagandang binibini doon" Hindi ako mahilig tumingin sa mga cats, chicks ang tinitingnan nila ni Ian kaya ganun din ako.

"Nagpapakalalaki ka na naman!? ewan ko sayo Hexa! Sige na maghanda ka na't aalis na tayo"

"Aye! Aye! Captain!" tumayo ako at nagsalute sa kanya.

Nagsuot ako ng Black and white na maluwag sa akin na T-shirt, black ripped jeans at tsaka black rin ang sapatos. Minsan lang akong sinasama ng barkada sa Bar kasi hindi naman ako mahilig gumimik at tsaka wala rin akong pera pang-bili ng mga mamahaling drinks doon, ililibre lang naman nila ako kaya masyado lang pabigat kung sasama pa ako.

Bago kami pumunta sa Bar, naghapunan muna kami sa Jollibee, libre ni Ian lahat, nahihiya man ako pero nasanay na rin kasi ayaw niyang tanggihan ko siya, kapatid na rin daw kasi niya ako. Kumpleto kaming barkada ngayong gabi kaya masaya.

Nandito na kami sa Bar at saktong-saktong kasisimula lang tumugtog ng kaklase namin.

"Oh! Guys, may naka-reserve na raw sa atin na table, let's go! let's start the partyyyyy! " party talaga nasa isip nitong si Carlo

Nagsimula na rin kaming mag-inoman, hindi ko kilala kung ano tong iniinom namin pero isa lang ang masasabi ko dito, grabe! ang heavy! tinamaan agad ako, mga limang shots palang ang na-inom ko pero nahihilo na ako pero sila pati na rin si Karla, parang sanay na sanay na.

"Guys! punta muna ako sa CR ah?" naiihi ako bigla at mas nahilo pa pagkatayo ko.

"Cge Hexa, samahan na kita" saad ni Karla sabay hawak sa akin

"Wag na Karla, kaya ko pa naman eh." agad namang naupo pabalik si Karla.

May kalakihan din ang Bar na ito at nang malayo na ako sa kanila saka ko lang naisip na hindi ko nga pala alam kung saan ang CR dito kaya hinanap ko, hayyys... naiihi na talaga ako tapos nahihilo pa...

"Nakuu.. Sorry sir! di ko po kayo nakita! nahihilo po kasi ako sir." ayan! nakabangga tuloy ako, nabasag ko pa ang baso at pinupulot ko ito ngayon sa sahig.

"Hexa?" pamilyar ang boses kaya nilingon ko

"James... nakuu... ikaw pala yan! sorry talaga..." mabuti na lang at si James pala ang nabangga ko. Agad niyang kinuha ang kamay ko at tinawag ang waiter.

"I'm sorry for the mess, here's the pay" woah! ganun lang kasimple? babayaran lang nang malaking halaga, ok na?
hinila niya ako at pinaupo dun sa table na pandalawahan lang.

"James.. 😞 Sorry talaga, nakabayad ka tuloy ng malaki, pero.... magano ba yun? babayaran na lang kita 'pag nagka-pera ako." ehhhhh.... galit si James? patay na ako nito! hinawakan niya nang napakahigpit ang magkabilang balikat ko at galit na galit akong tinitigan... wahhh... sana hindi na lang pala siya ang nabangga ko.

"HAHAHAHAHAHA...... takot?" ayyyyyyy..... bwesittttt... pinagtawanan pa ako? Inisnob ko siya at tatayo na sana para umalis pero nahawakan niya na ang kamay ko kaya napaupo ako.

"Hey! It's ok Hexa! para ka namang iba sa akin, I'm not angry, I just want to scare you." at ayan! pinagtawanan na naman ako.... nakuu... naka-inom pa naman ako... baka masampal ko tong James na to!

"Hoy! kung gusto mong mang-trip, wag ako! Naiihi ako kanina pa at nahihilo rin, baka gusto mong magsuka ako sa harap mo!" tinanggal ko ang kamay niya at nagmartsa na papuntang CR na hindi ko alam kung saan.

"Hexa, your in the wrong direction" ehh...nakakapikon na! kaya nilingon ko na lang siya.

"Eh! nasan ba kasi ang CR?" galit na ako at pakiramdam ko dumadaloy na lahat ng dugo ko papunta sa ulo.

"Ayun oh! halika ka nga, samahan na kita!" nagpahila na lang ako kay James, eh pano? wala talaga akong nakitang CR eh.

Hayyysss... successful naihi ko na rin lahat! Naghilamos na din ako, hindi na ako nahihilo at hindi na ako nasusuka pero grabe! ang sakit ng ulo ko.

"Ay! Palaka!" nakakagulat naman tong si James, hinintay pa ako dito sa labas ng CR.

"Anong Palaka? sa gwapo kong to? palaka ang tingin mo?" at aba'y kung maka-gwapo pose naman to! ehhh.. Ang yabang!

"Oo, ginulat mo kasi ako!"

"Pikon ka yata?" tawang-tawang sabi niya

"Hindi!" galit na talaga ako! ang bilis na ng lakad ko, eh pano, sunod ng sunod si James. Hanggang sa nakarating na lang kami sa table namin ng barkada.

"Oh! Hexa! ang tagal mo yata? teka! si James ba yang nasa likod mo?" salubong sa akin ni Ian

"Oo, nabangga ko kasi siya nong papunta ako sa CR." sabi ko at tsaka nagmartsa papunta sa upuan ko.

Nakisali na lang din si James sa amin, eh pano, ka-tropa rin kasi niya sila si Ian.

Marami-rami na ang nainom nila at ako naman hilong-hilo na rin, panay kasi ang abot sa akin ni Karla ng maiinom, hindi ko na nga masyadong maaninag ang mukha ni Karla.

"Oh! ito pa! hihi.... Hexaaaa! last na yan! sige na!" lasing na lasing na si Karla at ako din naman tong ugok na kahit alam kong hindi ko na talaga kaya, ininom ko ang ibinigay niya. Woahh....ang init!

James' POV

Lasing na silang lahat at parang ako na lang yata ang hindi pa gaanong lasing.  Nakadapa na nga itong si Ian at Mark, si Joshua naman ayun! nakikipag-inoman pa sa mga chicks at si Carlo naman, ewan ko kung nasaan. Si Karla ayun! nakatulog na rin... wait.... where's Hexa?

"Gosh! Hey! Hexa! Stop!" maghuhubad na sana ng damit si Hexa mabuti na lang at nakita ko... tsk tsk.. inakay ko siya papunta sa table namin at pinaupo, tinawag ko ang waiter, binayaran ko ang bill namin at nagpatulong na ring akayin itong mga kasama ko papunta sa sasakyan at ako na ang nagbuhat kay Hexa.

Nasa frontseat si Hexa at sa likod naman silang lahat. Una kong hinatid si Karla, tapos si Carlo, Joshua, at Mark.  Naiwan kaming tatlo ni Ian at Hexa.

"Hexa! your so cute! Mahal na yata kita eh.... Hayyss.. sana may lihim ka ring pagtingin sa akin" tulog na tulog si Hexa at nasa harap na kami ng bahay nina Ian.

"No, hinding-hindi na ako magmamahal pang muli." Bigla siyang nagsalita pero bakit? Bakit may mga luhang tumutulo sa kanyang mga mata? I wipe her tears and hug her tight.

"I know, you will love me someday Hexa, I'm willing to wait" niyakap ko siya ng mas mahigpit pa.

*boogsh *boogsh

"Wait, It's not what you think Ian" sinuntok ako ni Ian at galit na galit siyang nakatingin sa akin

"Then, WHAT??" he's angrier right now.

"I was just comforting her kasi umiiyak siya." kumalma ito, bumaba siya sa sasakyan at inakay pababa si Hexa.

"I'm sorry James, nabigla lang ako but thank you sa paghatid, pwede ka nang umuwi ako na ang mag-aakay kay Hexa sa loob." I was about to help him na akayin si Hexa but he insist to do it on his own.

"Oh! cge brad, go inside, hihintayin ko munang makapasok kayo before I go."

A Stone Hearted LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon