PROLOGUE

2 0 0
                                    

"Hexa! I'll explain!" pagmamakaawa ni Ron pagkatapos ng napakalakas na sampal ko sa kanya

"Explain what Ron? No.. no need kitang-kita ko." mahinahon pero mangiyak-ngiyak kong pahayag

I was walking on the seashore with Karla, malalim na ang gabi kaso hindi naman ako makatulog kaya nagpasama ako kay Karla sa may dalampasigan. Marami pang tao sa Dalampasigan ngayon kaya ok lang gumala, napakalamig ng hangin kaya ang sarap sa pakiramdam. Nang mapagod na kami sa paglalakad humanap kami nang cottage na mapapahingahan.

"Oie Bes! mayron dun oh!" turo ni Karla sa malayo-layong pang cottage

"Oh! cge tara! baka maunahan pa tayo ng iba"

Nang malapit na kami rito may naririnig kaming mga ungol pero wala namn kaming nakikita kaya ayun benalewala namin at tumuloy sa loob ng cottage.

"Wha..What th.. the f**k! Ro..Ron?" nautal ako, hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Ron was kissing with the other girl. Ah! grabe! ang sakit!

"Hoy! bes, ano bang......." mabuti na lang at dumating c Karla na nabigla rin sa nakikita at dahil sa pagkabigla nya sinugod nya c Ron at pinagsasampal ito.

"Walang hiya ka Ron! Ang landi mo! Sino tong babaeng to Ron? ha? Ano? girlfriend mo rin?..... Ah! malamang! halos na nga kayo maghubad at magtalik dyan!" galit na galit na sumbat ni Karla sa kanya.

Natulala ako! hindi ko alam kung ano ang gagawin, kung magagalit ba ako, nasasaktan ako ngayon, para akong wala sa sarili. Puno na ng hampas ni Karla c Ron pero heto pa rin ako't nakatayo na tinitignan ang babae. Galit itong nakatingin sa akin at parang anytime kakainin nya akong buhay.

"Oh! ano? Galit ka sa bestfriend ko? Hoy! babaeng malandi sayong-sayo na ang Ron na yan!" singhal ni Karla sa babae at sabay akong hinila palabas pero bigla akong hinawakan ni Ron.

"Hexa" parang guilty c Ron pero..

PAK!!!! PAK!!!! sinampal ko siya sa magkabilang pisngi... grrrrrr...walang hiyang lalaki.

Pagkatapos ng pangyayaring yon, para akong nawalan ng buhay, iyak ako ng iyak, tulala at lagi lang nakatingin sa kawalan. Si Ron ang una kong minahal, mahal na mahal ko siya kaya nasaktan talaga ako ng sobra tapos malalaman ko pa sa mga barkada ni Ron na apat pala kaming pinag-sabay nya? wala syang konsensya!

"Anak! kain ka na....limang araw kanang di kumakain, inom ka lang ng inom ng tubig, maawa ka naman sa sarili mo anak.. " tinanguan ko lang c nanay, ayaw ko pang magsalita, para kasing sa tuwing magsasalita ako naiiyak ako.

Simula sa araw na ito, nangangako ako sa sarili ko, Hinding-hindi na ako magmamahal pang muli at mas gugustuhin ko pang tumandang dalaga.

[A/N Sorry po kung mali-mali ang tagalog.. hihi.. bisaya po kasi ako ✌ hindi po ako ganun kagaling magtagalog ☺]

A Stone Hearted LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon