CHAPTER 4

0 0 0
                                    

James POV

My morning class is until 10AM so, I imediately go to JCT to catch Hexa. Pagkadating ko nakita ko agad si Hexa.

"Hey! Hexa!" I call her at agad naman siyang lumingon... She's smiling while walking near to me and I was like uhhh... I'm going crazy.

"Saan nga pala tayo magla-lunch?" tanong nya kaagad sa akin.

"Where do you want?"

"Ayy... kung san mo gusto basta wag yung sobrang mahal ang pagkain ah?"

"Uhm.. sge.. sa Mcdo tayo! ok lang ba sayo dun?" tinanguan niya lang ako at nang pagbubuksan ko na sana sya ng pintuan naunahan niya ako kaya umikot na lang din ako sa driver's seat.

Ang cute tingnan ni Hexa na kumakain, she's eating like a kid, kinamay nya lang yung chicken at yung fries sinasawsaw nya sa sundae tapos sa ketsup naman.... Hahaha...nakakatuwa syang tignan.

"Oie.. James! kanina ka pa ah! ngiti ka nang ngiti diyan tapos tatawa na naman. May dumi ba sa mukha ko? Ang lakas ko bang kumain? Oh ano?" tawa na lang ako nang tawa.
"Hoy! wag ka namang ganyan!! naco-conscious na ako sayo!"

"Wala! para ka kasing bata kumain!" akala ko magagalit ito pero ayunnnn.. tumawa

"Hayy Nakuuu! subukan mo! masarap pagsinasawsaw ang fries sa Sundae" she pick a fries, dip it to the sundae at isinubo sa akin.

Ang kulit niya kaya I have no choice but to follow what she's doin' a while ago.

😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄

I send her back to JCT and I also go back to Beech. This is the best day of my life with the girl named Hexa. And I can't stop thinking about her.

Hexa's POV

Ang saya naman palang kasama nitong si James. Para tuloy akong batang pinalabas sa kona sa kakulitan. Palagi akong kumakain sa labas kasama sina Ian, Mark, Joshua at Carlo nasanay na ako na kasama ni isa sa kanilang gumala kahit na aakalain pa ng ibang tao na magsyota kami walang awkwardness, masaya lang. Pero bakit parang iba yata ang saya ko kanina na kasama ko si James... siguro dahil iyon sa bago ko pa lang siyang nakilala at nagsisimula pa lamang akong maging komportable sa  kanya.

"Hexaaaaaaaaa... " ang lakas talagang tumili nitong si Karla. Tumatakbo siya papalapit sa akin at panay ang sapak sa braso ko.

"Hexa!! may binili akong rubber shoes, grabe ang ganda! dalawa ang binili ko para pareho tayo, sa Men's Section ko yan nabili kaya sukatin mo kung magkakasya ba sayo, sabi nung salesman doon yan na daw ang pinakamaliit na size." WOW! ang ganda nga talaga, panglalaki siya pero kasyang kasya sa akin..

"Nakuuu.. magano ba to Karla?" nag-aalalang tanong ko.

"Wag kanang magtanong Hexa, alam mo naman ako, hindi ako mahilig tumingin sa price."

"Hahahaha.. oh sge.. Salamat dito Karla ah" at agad ko naman siyang niyakap..

"San ba ako nakayakap? sa likod o sa harap?" putol ni karla sa yakapan namin.

"Oie grabe ah! parang meron din to oh! heh! flat chested ka rin naman eh, pareho kaya tayo" nagtawanan na lang kami, naging biruan na namin ang pagiging FC namin.

📱tweet tweet SMS

Dali-daling kinuha ni Karla ang cellphone ko at binasa ang message.

✉ 6399******91
Thank you sa time kanina Hexa
I really enjoyed your company ☺

"Sino to Hexa? Bakit siya nagpapasalamat sa time?" nagtatakang tanong ni Karla

"Patingin" ibinigay nya ang phone ko.
"Ahhh.. Si James to! nagpasama kasi kanina mag-lunch" sagot ko at kinuha niya rin pabalik ang cp ko.

"Si James pala! Bakit hindi mo mn lang si-nave yung number? Ako na magsi-save ah?" tinanguan ko lang siya at hinayang i-invade ang cp ko.

Pagsapit ng 2PM pumunta na ako sa pang huling klase ko ngayong araw at dun naabutan kong ang sama ng tingin sa akin ni Ian.

"Ian! bad mood ka yata!" inirapan niya lang ako at padabog na lumipat ng upuan.

"Hoyyy... kung makapag-drama naman to oh! tinalo pa ang babaeng may dalaw." sinundan ko siya sa nilipatan niya pero hindi pa rin ako pinansin kaya kinulit ko siya ng kinulit hanggang sa nagsalita rin siya.

"Bakit ka sumamang makipag-lunch kay James?" galit siya? anyare dito?

"Kasi kaibigan at kabanda natin siya, may mali ba don?" imbes na sagutin ako lalo lang itong nagalit at lumabas sa room.
Dumating na ang prof namin pero, hindi pa rin bumalik si Ian, siguro Umabsent na yun... nagseselos ba siya kay James? and to think, kaibigan namin si James... hayyyss... mood swing...

Nauna na sigurong umuwi si Ian kasi wala siya sa tambayan namin.

📱tweet tweet SMS
2 unread messages

✉ James My love (*hala! lokong Karla*)
Hexa, I'll be the one to send you home. Wait for me. ☺

✉ Tatay
Anak, sabi ni Ian, may susundo daw sayo kaya nauna na sya. Mag-ingat ka anak.

Ayy.... hala! tinext ba ni Ian si James na sunduin ako! Nakuuuuuu.... Nakaka-abala na ako masyado sa mga kaibigan kong to! kaya ko namang mag-commute.. hayyss...

peep.. peep! peep!

Nilingon ko ang bosena ng sasakyan ni James.

"Sinabihan ka ba ni Ian na sunduin ako James?" He smiled

"Nope! I'm the one who asked him if its okay kung ako ang maghahatid sayo pauwi today" masiglang sagot niya... kaya naman pala alam ni Ian na may susundo sa akin.

Tahimik lang ako sa byahe kasi iniisip ko yung inasal ni Ian kanina, may mga tinatanong si James sa akin pero malimit ko lang yung sinasagot. Sa pagkabalisa ko hindi ko namalayang nandito na pala kami at napagbuksan na ako ng pinto ni James at hinihintay na lang niyang bumaba ako.

"Thanks sa paghatid James! Hindi ka ba papasok muna sa loob?"

"Hindi na, aalis na ako kaagad madami pa kasi akong gagawing plates eh!" at sumakay na siya, hinintay ko lang na makaalis siya.

"Bye Hexa! See you tomorrow" at agad na humarurot sa pagtakbo ang sasakyan niya.

See you tomorrow? at talagang siguradong sigurado siyang magkikita kami bukas....

Pumasok na ako sa loob at agad sumalubong sa akin si Ian na ikinagulat ko kasi niyakap niya ako.

"Hexa! sorry kanina.." bumuntong hininga siya at tsaka nagsalita ulit. "I know aalagaan at mamahalin ka niya ng buong-buo" at agad din siyang bumitaw sa pagkakayakap at hinila ako papuntang kusina.

"Ang daming Cookies Hexa!! nagluto ng marami si Aleng Victoria... halika.... alam ko miss mo na ring kumain nito!" masigla na ang boses ni Ian at para itong sinapian ng masayang espiritu... hahaha... ang loko talaga..

Ian's POV

Tinignan ko ng masama si Hexa pagkadating niya.
Matagal ko nang gusto si Hexa, pero hindi ko magawang ligawan kasi alam kong ayaw na niyang magka-boyfriend. Hindi man lang ako sumubok na ligawan siya kasi baka lumayo siya sa akin at ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin kaya isinekreto ko ang nararamdaman ko at sinubukang kalimutan ang espesyal na pagtingin ko sa kanya. Itinuri ko siyang kapatid, inaalagaan at concern ako palagi sa kanya. Manhid si Hexa, hindi niya ramdam ang mga espesyal na bagay na ginagawa ng isang tao para sa kanya... normal lang ito sa kanya kasi para dito may mga tao na sadyang may mabuting kalooban.

Hindi ko siya pinansin kasi galit ako at nagseselos ako kay James, panay ang pangungulit niya kaya lumabas na lang muna ako para magpahangin, nang papasok na sana ako, tumunog ang cp ko.

📞 James
Ako: Hello!
James: Angry? (*galit talaga ako*)
Ako: NO! ano bang kailangan mo?
James: Pwedeng ako ang maghatid kay Hexa pauwi brad?
(*nagalit ako lalo sa tanong nya*)
Ako: GO AHEAD!

in-end call ko agad at tinawagan si Manong Gerry. Uuwi na ako, total may James na si Hexa.

A Stone Hearted LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon